3 Years Later.
Gusto kong umiyak.
Gusto kong umiyak.
GUSTO KONG UMIYAK!!
Anong klaseng homework naman ba kasi itong binigay samin ng prof namin sa College Algebra?? Tss. Sobrang di ako makarelate. Hindi ko maintindihan 'to, para lang akong nagsosolve ng intsik na equation.
Magta-tatlong oras na akong nakikipag-buno dito, pero ang nakalagay pa din sa answer sheet ko ay 1. Grabe, napakademanding naman nitong prof na 'to eh! Akala mo naman major namin yung subject nya. Tss.
Okay, so ito ha. Isa akong 1st year college sa UPD, takong up BS Psychology. Pinag-aaralan ko yung behavior ng mga tao. You know, why they do things when they are feeling intense emotions, what triggers their anger, why some things make them sad. Yun ang pinag-aaralan ko, so really I don't know the reason why the hell our prof's making us answer this excruciatingly difficult piece of homework. I mean, its not like College Algebra will take a big part in our future careers. Actually, hindi naman namin ito magagamit. So whatever.
So sa tingin ko, hindi nyo naman ako masisisi kung bababa ako at pupuntang kusina dahil sobrang nagutom ako diba? Okay.
Pagbaba ko, dumiretso agad ako sa kusina at kumuha ng tuna sandwich at nagtimpla ako ng orange juice. Habang kumakain ako, pumasok si Mama tapos tumabi sa akin.
"Carryl, tapos ka na sa homework mo?" tanong nya sakin.
"Tss. Asa pa akong matatapos ko yun. Wala pa nga akong nasasagutan eh."
"Ganun ba? Sige, wag mo munang sagutan yan. Magsimba muna tayo. Pagkatapos mong kumain, magbihis ka na ha?" sabi ni Mama sabay alis.
***************
"Let us all rise and sing joyfully the Entrance Hymn"
Start na ng Mass. Maaga kami nakarating sa Church, kaya sa unahan kami naka-upo nila Mama. Hmm, narealize ko, first Mass ko pala ito for this month. Hayy. Iba talaga 'pag busy ka. Wala na akong time for my family, tapos pati pag-attend sa Misa naapektuhan na. Grabe nga eh, 1st year pa lang ako pero sobrang ang dami na naming ginagawa. Iba talaga ng UP Diliman. Lahat na yata ng pwedeng gawin, ginawa na namin. Sana high school na lang ulit.....
Hala. Ito, lumilipad na naman ang utak ko. Ewan ko kung bakit, pero kung Misa talaga, hindi ako makapg-focus. Sorry po. Next time po talaga...
May naalala ako. Nung high school, may Mass din nun. Tapos lumilipad din yung utak ko. Yun yung Mass ng Immaculate Conception. Yung yuna nakilala ko si...
Hindi ko pa nasasabi ang pangalan nya, may nararamdaman na akong kirot sa puso ko. Ayoko nang ipagpatuloy.
***
"Caryl, anong gusto mong kainin, anak?" tanong ni Daddy sakin.
Andito kami sa Shakey's upang magdinner. Tuwing Sunday evening, dito kami nagdi-dinner after ng Mass. Kaso lately, di ako nakakasama sa kanila dahil nga dun sa mga reason na binanggit ko kanina habang nagmimisa kami. Speaking of, hindi ko na naman napakinggang mabuti ang Mass dahil masyadong marami na naman akong iniisip. Actually, isa lang. Isang tao lang ang inisip ko kanina.
"Caryl, anak, nakikinig ka ba? Anong gusto mong pagkain?"
Napatingin ako kay Daddy at narealize ko na kanina pa pala nya ako tinatanong. Ngumiti ako at sinabi ko sa kanyang "Seafood Marinara".
Habang hinihintay namin ang mga inorder namin, pinilit kong ibahin ang laman ng utak ko. Pinilit kong idirekta ang isip ko sa walang kamatayang College Algebra. Matapos ang ilang minuto ay successful ako. Naiinis na naman ako dahil hindi ko alam kung pano ko yun sasagutan. Grabe talaga ang eskwelahan ko. Hayy.