SHIORI'S POV
"Sino ka!?" sigaw ko sa taxi Driver. Kinapa ko agad ang Pepper spray sa loob ng Bag ko at iniharap sa kanya. Tulad ng cellphone ko ay napunta din iyon sa kamay niya kahit wala siyang ginawa.
"I'm Alexis. Isa akong Apocalician." pagpapakilala niya. Nakahinto ang taxi pero hindi ko mabuksan ang pintuan.
"Anong ApocaliCian ba ang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan. Palabasin mo ako dito!" sabi ko at hinahampas ang bintana.
"Pasensiya na po kung marami kaming naghahanap sa iniyo. Pero kailangan po talaga namin pare-pareho ang tulong niyo. Ipapaliwanag ko." hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pagpalo sa salaming bintana ng sasakyan.
"Tulong!!! Tulong!!!!!" konti nalang ay maiiyak na ako pero pilit kong pinipigilan. "Hoy! Mister! Baliw ka ba!? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo! Busy akong tao para patulan ang mga kalokohan niyo. Kung sino man kayo na walang magawa sa buhay pwes wag niyo akong idamay. Palabasin mo na ako dito, masiyado niyo na akong naaabala!" mahabang litanya ko, napayuko siya at napapahiyang nag-iwas ng tingin. "Akin na yung cellphone ko. Salamangkero ka siguro, pero di mo ko maloloko."
"Pasensiya na." yun lang ang nasabi niya. Pakiramdam ko ay napahiya siya sa mga sinabi ko. Naguilty ako pero hindi ko ipinahalata. Malay ko ba kung ginogoyo ako nito.
"Wag na kayo mangtititrip ng ganito." sabi ko nalang at hinablot ang phone ko mula sa kanya. Laking ginhawa ko ng sa wakas ay hindi na ito naka-lock. Paglabas ko ng pinto ay para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. Dahil ang taxing sinakyan ko ay naging isang mamahaling pulang sasakyan. Ilang beses akong napamura sa isip ko at sinasampal sampal ko ang sarili ko.
Pilit kong itinatatak sa isip ko na panaginip lang lahat ng ito. Hanggang sa umalis ang sasakyan sa harap ko. Pumara ako ng jeep. Iniisip ko na umuwi nalang. Baka kaya ako nagkakaroon hallucination ay dahil sa kulang palagi ang tulog ko. Uuwi na lang ako. Natatakot ako na pati sa trabaho ko mamaya ay may mangyari na namang ganito.
Pagkatapos kong magbayad ng pamasahe ay sumandal ulit ako at pumikit. Mabuti nalang at sa pinaka-dulo ng jeep ako umupo at hindi puno ng pasahero. Kaya wala akong masasandalang tao kapag nakatulog man ako. Ilang sandali pa ay pumara na ako ng makita ko na ang Bahay bago ang bahay ko. Mag-aalas otso na ng gabi kaya maluwag na ang kalsada. Walang kahirap hirap na tumawid ako at lakad takbong pumasok sa maliit na gate ng bahay ko.
"Drew!" sigaw ko sa labas ng pintuan ng bahay ko. Malakas na katok din ang ginawa ko. Ang tagal niyang pagbuksan. "Drew! Si shiori 'to! Ano ba!?" ilang beses kong pinalo ng malakas ang pintuan pero walang Drew na lumabas.
BINABASA MO ANG
GENOVIA ACADEMY 3: New Worlds
FantasyWhat are the questions running through your mind? Do you wanna know the answer? Does the first season freaked you out? Does the season two gave you unexplained events? You don't need to die in curiosity. Here's the third one which will answer all y...