Malaya (One Shot)

11 1 0
                                    

Ginawa ko naman lahat.
Pero parang... Kulang parin...
Sobra na nga yun para saakin eh. Kulang pa pala yon sayo?
Sinalba ko yung relasyon natin nung alam kong mawawasak na ito.
Kaso imbis na tulungan mo ako isalba ung relasyon natin.. Sinira mo pa lalo...

Hinding-hindi ko malilimutan yung araw na yon...

--Flashback (3 months ago)--

"Beees! 1 year na kami ni Gabe!" sigaw ko kay Jaena.

"Takte ka OO ALAM KO! Hindi ako binge bes. Ilang ulit pa ba, ha? Nakakailan ka na ah! Lakas ng tama mo! tss." pabalang na sagot ni Jaena

Eh kasi naman -.- excited na kaya akooo! Hindi ako mapakaliiii. Ano kaya surprise ni Gabe sakin? Hmm..

"Sorryyy bes! Eh kasi naman, excited lang talaga ako ehh." Sabi ko kay Jaena with matching pabebe smile haha.

"Oo na. Alam ko naman eh.. Kaso Tanya, hindi pa ba sya nagpaparamdam sayo?" tanong ni Jaena sakin.

"Hindi pa bes eh. Baka busy sya sa surprise nya saken." Sagot ko.

Pero oo nga, hindi pa sya nagpaparamdam sakin.. Baka nga busy sya sa surprise nya? Or baka.. ano bayan erase erase. Ako lang naman diba? Ako lang.

"Ano kase bes... Ummm ano... kase.." paputol-putol na saad ni Jaena.

"Anooo?" Tanong ko

"Wala hehe. Tara punta tayo sa mall. Shopping tayooo. Bili den tayo ng film sa instax natin, para mamaya sa pic nyo ni Gabe, diba?" Saad ni Jaena.

Hmm. Sige sige. Pero, bat parang ang weird ni Jaena ngayon?? Hay ganyan naman talaga yan. May pagka sabog -.- kanino pa ba mag ma-mana? Syempre SAKIN AHAHHAHAHA!

-Mall-

Nag iikot-ikot nalang kami dito ni Jaena.

Teka?.... Si Gabe.... Sya kaya yon??
Napansin ni Jaena na nakatingin ako sa gawi na yun. Hinila nya ko sabay..

"Ano bes, uhmm uwi na tayo. Nabili na naman natin lahat diba? Tara na Tanya! hehe." Natatarantang sabi ni Jaena.

"Hindi! Jaena, puntahan nga natin."
Nanginginig kong sabi.

"Tara naaaa Tanyaaaa.. It's getting late na ohhh!" Pilit na hinihila ako ni Jaena.

Binitawan ko sya at nagmatigas ako.
Nilapitan ko yung gawi kung saan ko namukhaan si Gabe. Lumapit ako at..

"Gabe?.. Ano ginagawa mo dito? And, who is s-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil itinulak nya ako papalayo.

"Nakita mo naman Tanya diba? Hindi ka naman bulag diba? Masaya ako sa kanya. Masaya ako kay Kathlyn."

Nanlumo ako.. Hindi pa rin kase nag pa-process yung mga sinasabi nya eh.. Pero ang alam ko lang ngayon? Ang sakit-sakit eh. Sobra...

"Siguro nga.. Hindi talaga nag-work yung relasyon natin." Saad nya.

"Wow Gabe! Isang taon, isang taon Gabe, tas sasabihin mo na hindi nagwork?! Ano to? Lokohan? Edi sana sinabi mo nalang kaagad para hindi ako nasasaktan ng ganito! Pinatagal mo pa eh.. Pinatagal mo pa! Sana sinabi mo agad kara hindi kita minahal ng sobra-sobra at sana hindi rin nasayang yung mga effort ko!" Sigaw ko da kanya.

Hindi ko namalayan na andaming tao na pala yung nanonood samin. Telenovela ba to? Alam ko kasi hindi eh.

"Oh ano? Masaya kayo? Kasi may nakita kayong gantong eksena? Ano nakakatuwa ba? Ha? ANO?!", Sigaw ko sa mga tao.

Malaya (One Shot)Where stories live. Discover now