Hindi ako mapakali. Siguro, nagmumukha nakong tanga rito at wala akong pakialam. This is the best day ever! Napansin niya ko! Napansin ako ng nag-iisang Josue Smithen (ismiten).
Ang lalaking kina babaliwan ng lahat ng babae dito sa school at sa kalapit na lugar, kulang nalang kilala na siya ng kalahati ng populasyon ng tao sa mundo. Jusko sa sobrang gwapo ba naman niya. Yung katawan niyang saktong sakto. May pandesal, ang kutis niyang gatas, malalambot at mapupulang labi. Ilong na matangos. Mahabang pilik mata na parang sinadyang binaluktot. Yung kilay niyang hindi na kailangan ahitan at dagdagan ng kulay dahil perpekto na ito.
Malinis sa katawan . Malambot ang natural niyang hazel nut brown na buhok, na sa tuwing humahangin napapahid ito. Yung porma niyang hindi kumukupas at ang mga kilos niya na nakakapagpasikip ng dibdib ko at nakakapagpahirap sa paghinga ko. Yung puso kong hindi matigil sa kakakabog sa tuwing nasa malapit siya.
Siya ang dahilan ng pagkabuhay ko. Mahirap man isipin pero yun ang pinaniniwalaan ko. Gusto ko siya. Gustong gusto. Pinangako ko sa sarili ko na kapag napansin niya ko kahit minsan lang, hindi nako titigil sa pagpapansin hanggang sa mahulog siya sa aki .
Magpapaganda ako, magaayos, mas gagalingan ko ang pagsayaw lalong lalo na ang pagkanta. Sisikapin kong matutong mag-guitara para lang sakanya. Sakanya ako humuhugot ng lakas at pag-asa. Siya ang dahilan ng biglang pagtaas ng confidence ko.
Siya lahat ang dahilan ng mga bagay sa buhay ko.
May isang misyon akong gustong matupad, at gagawin ko ang lahat para hindi ako mabigo.
My mission is to make him fall for me. Gusto kong mawindang siya sakin gaya ng pagkawindang ko sakanya. Yung tipong hulog na hulog siya at hindi na makahaon.
Mahirap, oo. Pero kakayanin ko. Ayokong hanggang dito lang to. Gusto kong maranasan ang pagmamahal na galing sakanya.
Gusto kong suklian niya ang pagmamahal ko sakanya.
Gusto kong maranasan ang bagay na hindi ko pa nararanasan sa tanan ng buhay ko.
Gusto kong mahalin ako ng taong mahal ko.
YOU ARE READING
Ako Dapat
Teen FictionBakit ba tayo nagmamahal? Bakit tayo nahuhulog? Mas masarap mabuhay kung hindi na naimbento ang salitang 'love', para hindi narin magexist ang salitang 'pain'.