CHAPTER ONE

9 1 0
                                    

"Allie tumulong kang mag- assist anak."

Tinanguan ko si Sir Mich. Binaba ko na yung bag ko doon sa lapag,  wala naman magnanakaw doon.

Pumwesto nako sa gitna ng stage kung saan  ilalagay yung malaking heart at doon magpopose ang mag partners  then pipicturan.

Ilang araw nalang at gaganapin na ang grand ball. Dance troupe ang nag-aasist sa mga studyante kung saan at ano ang gagawin kami nalang kasi ang maaasahan ni sir mich.

Kung teachers ang magtuturo ng kutilyon, hindi nila kaya, hindi kaya ni Sir mich na magturo dahil medyo may katandaan na siya, madali na siyang mapagod.  Marami rin siyang inaasikaso dahil nagtuturo pa siya.

"Uy miss?   Dito!"  Tawag ko doon sa magpartners na kaagad pumupunta sa taas ng stage , nilagpasan ako.

Pinagpalit ko sila ng pwesto at sinabihang mag pose. Tapos pinapanik ko na sila sa stage , pinatigil sa gitna,  at nag bow. Tinanguan ko sila at pinababa.

Tinatawag isa isa ang magpartners.  Tapos papanik sila sa court mula sa quadrangle , maglalakad sa gitna, titigil dito sa may heart , pipicturan papanik sa stage titiil sa gitna magbabow then baba na para pumunta sa position nila sa kutilyon.

"Yan bow."  Sabi ko sa dalawang magpartner tapos pumanik na sila sa taas.

" The Handsome Josue Smithen together with beautiful Joyce Cuangco."

Napatitig ako sa magpartner na ngayon ay naglalakad papunta sa pwesto ko.  Hindi ko maiwasang mapatitig sakanya.

Sinabihan ng kasama ko sa dance troupe ang lalaki na hawakan ang kamay ng partner niya para alalayan sa paglalakad.

Pinagtatawanan sila ng mga kaklasi nila.  

Napatingin ako sa mga mata niya. Sa kilay.  Bakit ba napakaganda ng mga mata niya?   Hindi ko tuloy maiwasang mapatulala sakanya.

"A-ahm palit kayo ng pwesto. Tapos magpose."

Tumingin siya sandali saken tapos ginawa ang sinabi ko.

Tinuro ko yung hagdanan.

Bakit ba ako kinakabahan?

Pinanood ko sila hanggang sa makapanik na sila sa taas,  nagsign ako na tumigil muna sila then bow saka ko na sila pinababa.

Hindi ko tuloy napansin na may dumating na palang magpartners,  alam naman nila ang gagawin kaya tumigin ulit ako sa kanila. Kina josue at ang partner niya.

Kahit na sinabihan silang hawakan ang kamay hindi nila ginawa.  Mga pasaway. 

At ang mga buang dumaan pa sa gitna dapat doon sila sa dulo dumaan.  Muntik na tuloy silang magkabanggahan ng bagong dating na magpartners.

Napailing nalang ako.  Pasaway talaga siya.

"Shane Martos together with Tricia Lopez wearing their nighties."

Napatawa kaming lahat sa sinabi ni Sir Ken.

Sila nalang ang last partners kaya pinagposition na namin silang lahat para makapagstart na sa kutilyon.

"Position."   Sigaw ng kapwa ko dancer.

Pinlay na yung music,  pumunta nako sa harapan at sinimulang sumayaw.

Since mukhang alam naman nila yung mga step nagbilang nalang ako para sakto sa beat ng music.

"And!   121,122,123,124  ikot!"   Sigaw ko. 

Nagbilang ako sa kamay para sa mga hindi nakakarinig saken.

Napatingin nanaman ako sakanya.  Ang cute niya talaga pagtumatawa.

"And!   121,122  ikot!" Nagsign pako sa kamay para sa mga hindi nakakarinig saken.

Nagkamali sila sa step kaya mas sumigaw ako ng malakas para malaman nila na wala sila sa beat.

Sa kalahati ng sayaw, sakanila lang ako nakatingin.  Kay Josue at ang partner niya. Kaya naman kapag nagkakamali sila napapatawa ako kasi nakakahawa yung saya ng mukha niya.

Nakakapanggigil siya kapag nakatawa.  Nawawala na yung mga mata niya.

"121 , 122,123,124 ikot!  Ay joke!"  

Nagkamali na tuloy ako sa pagbilang.  Akala ko may ikot payon wala na pala. 

Kaya naman tinawanan niya ako.  Medyo lumundag ang puso ko dahil don.  Nakatitig din kasi siya sa akin habang nagbibilang ako.

Ewan ko ba pero kanina ko pa napansin na nakatitig din siya sa akin.  Baka dahil nagbibilang ako at kailangan niyang makita ang kamay kong nagbibilang.

Tawang tawa ako sa sarili ko dahil nagkamali ako sa pag-i-instruct. Nahawa rin sa pagtawa ang mga tinuturuan ko. Lalo na siya.

Sa buong sayaw, tinatawanan ko siya kapag nagkakamali siya at kapag naaapakan niya ang paa ng partner niya,   tinatawanan niya rin ako kapag nagkakamali ako sa pagbilang.

Etong kasama kong dancer natatawa rin saken or doon kay josue.  Pansin ko na kanina pa siya nakatitig doon kay josue, tumitingin tingin siya saken kapag tinatawanan ako ni josue.

Ewan ko ba pero ang saya lang, ngayon lang ako nagenjoy sa pagtuturo at ngayon lang ako sumaya kahit na may mali ako.

"Lie ang kyut niya talaga, lalo na pagtumatawa. "  sabi ni Manniellane.  

Tinawanan ko nalang siya at tumango.

"And bow. Yehey!"   Pumalakpak ako pagkatapos ng music. 

"Okay  tutugtog ulit ang music after niyan. Sasayawin niyo ulit pero 1  minute lang, this time pwedi niyo ng papuntahin ang photographers  niyo para picturan kayo. Okay position."  -  sir ken

Pumalakpak ako ng tatlo para magformation na sila. Tumugtog ulit yung music at nagstart akong magbilang. 

"Stop the music please.  Yan  mauunang magexit ang st. Nichols.  Magkahawak kamay pag mageexit. Alalayan niyo yung partners niyo. "-sir ken.

Isa isa nagexit ang mag-partners na magkahawak kamay.

Pinanood kong maglakad sina Josue at ang partner niya. Hindi sila magkahawak kamay.

Hindi ko tuloy maiwasang mapailing.  Mga pasaway.

"Lie!   Kinikilig ako kanina. Hahaha." Biglang sulpot ni mane.

"Bakit naman?"  Natatawa kong tanong.

"Eh kasi ang kyut niyang tumawa. Kinikilig ako hahaha. " -mane.

"Buang ka talaga parang yun lang. " kinuha ko yung C2  ko sa bag at uminom.

"Hindi mo ba napansin?"  Uminom siya sa tubig na dala niya saka niya inayos ang full bangs niya.

"Ang alin?"   Tanong ko. Lumabas nakami mula sa sound system room. Doon kasi namin nilagay ang mga gamit namin para sure na walang mangunguha.  At doon kami madalas magtambay ng mga dance troupe. 

Nagpapatugtog kasi kami doon.

"Tinawanan ka niya kaninang nagkamali ka ng bilang." Umi-iling iling siya,  inaayos ata ang bangs niya.

"Ahh oo nga eh. Ginantihan ako sa pagtawa sa mali niya."   Sabi ko at tumawa.  Natawa rin naman si mane.

"Ang kyut niya talaga kanina." Mane

Tumawa nalang ako at tumango.

Dumating ang mga susunod na magpraprak kaya pumunta nako sa tabing stage para mag-assist.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ako DapatWhere stories live. Discover now