Nagulat ako nung hawakan ni Jaxon yung kamay ko, sino banaman yung hindi magugulat eh crush ko siya!!!
Hinatak niya ako sa hindi ko alam na lugar , pero parang garden ang ganda!!! Tumigil rin siya sa paghatak nung umi-stop kami sa gitna ng garden, may lamesa na nakalagay tas may mga rose na nakakalat sa sahig!! Taray ang ganda!
Pumunta kami sa may lamesa at punaupo niya ako sa upuan. May mga pagkain narin.
"Ahhmm, Agnes .... I have something to tell you.." Nakangiting sabi niya, shemmss first time kong marinig boses niya, ang sarap sa tenga na binabanggit niya yung pangalan ko!!
"A-ano yun?" Kinakabahang sabi ko? Aamin na ba siya??!!
"G-gusto k-kita..."
Unti unti niyang nilapit yung mukha niya saakin .... Malapit na!!! Ayan na!!!
"Aray!!"
Napadilat ako nung may naramdaman akong humampas sa akin!!
Nakita ko si kuya na may hawak na unan.
tinignan ko yung paligid nasa KWARTO ako !! Teka?!!
"PANAGINIP NA NAMAN!!" Sigaw ko!! Huhuhu!!
"Tumigil ka nga ang ingay mo!!" Sigaw ni kuya sa akin.
"Nakakainis ka naman eh! Malapit na kuya !!" Sabi ko habang dinedemo yung kamay ko na mag k-kiss.
"Kung ano-ano na naman yang napapaniginipan mo!" Natatawang sabi ni kuya.
"Lumayas ka nga! Layas! "Sabi ko sabay bato sa kanya ng unan.
Lumabas naman siya ng kwarto ko.
"Badtrip! Malapit na ehh ayun na eh!!" Naiinis na sabi ko.
Tumayo na ako sa higaan at naligo baka ma late na naman ako! Papasok pa ako eh hehehe!
-----------------
"Ohh ,Agnes bat ang tagal mo namang bumaba?!" Tanong sa akin ni mama na naglalagay ng palaman sa tinapay.
"Ahh wala hehehe!" Sabi ko, ang totoo niyan nag d-day dream lang naman ako! Itinutuloy ko yung panaginip ko!!!
"Kumain ka muna bago pumasok! " sigaw naman sa akin ni kuya.
"Sa room na ako kakain , magbabaon nalang ako!" Sabi ko habang nag susuot ng sapatos .
Pagtapos kong mag suot ng sapatos kinuha ko na yung tinapay na inihanda ni mama at tiyaka naglakad papalabas ng pinto.
"Bye ma! "Sigaw ko nung nakalabas na ako, late na naman ako!! 6:00 na papagalitan na naman ako ni ma'am Quenta!! Psh walang Quenta naman yun mag turo eh ! Hehehhe chos lang~>_<~
Binilisan ko yung lakad ko, malapit lang naman kasi yung school namin sa bahay.
------------
Naglalakad na ako ngayon papunta sa room ng makita ko si ma'am Quenta na naglalakad papasok narin ng room, kaya tumakbo ako at inunahan ko siya papasok ng room. Pagpasok ko dumeretso agad ako sa upuan ko at inilapag yung bag ko, pagtingin ko sa board may nakalagay na, na chart."Bakit late ka na naman ,Salazar!" Sermon sa akin ni ma'am walang Quenta!! -_-
"Ahh, hehehe na late po kasi ako ng gising!" Sabi ko habang nakahawak sa batok, Liar! Nag d-day dream ka lang kanina ehh!!
"Upo!" Sigaw saakin ni ma'am.
Nakakhiya lahat sila nakatingin sa akin, pag tingin ko kay Jaxon hindi siya nakatingin!! ̄﹏ ̄ nagulat ako nung lumingon siya at nagkatinginan kami! Umiwas agad ako ng tingin at tyaka umupo.
YOU ARE READING
Just A Dream (one shot)
RandomSi Agnes Salazar ay hanggang pangarap nalang sa taong mahal niya at hanggang sa panaginip niya lamang ito nakaksama. Paano kung isang araw ang kanyang pangarap at panaginip ay magkatotoo?! written by: Blue_Baemax