Wag Sanang Matapos

5 0 0
                                    

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Napangiti lang ako ng napagtanto ko ang araw ngayon. 15th monthsary namin ngayon.

"Ang aga mo namang nagising ngayon anak? Wala ka namang pasok ah."

"Pupunta ako kina Jaella. Monthsary namin kasi ngayon nay." Sagot ko papasok sa c.r.

"Ganun ba. Mag-iiwan ako ng pera sa kwarto mo. Ingat anak, enjoy kayo." Swerte ko talaga kay nanay. Supurtado ako sa kanya.

Bago ako pumunta kina Jaella dumaan muna ako sa isang mall. Bibilhan ko siya ng regalo.

-

Nabigla ako ng tumawag siya, "Busy ka ba? Bakit hindi ka tumawag?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Mahal pakibukas ng gate nyo."

"Ha? Asaan ka ba mahal?" Halatang nagtataka.

"Andito sa labas ng bahay nyo." Biglang naputol ang linya at nakita ko siyang patakbong papalapit sa akin.

"Akala ko hindi ka pupunta dito tulad ng dati." Niyakap niya ako habang umiiyak.

"Shhh. Huwag ka nang umiyak mahal. Happy monthsary. I love you." Pinunasan ko ang mga luha niya at hinalikan sa noo.

"Happy monthsary din."

-

Nagtanghalian kami kasama ang pamilya niya.
"Kuya, sabi ni ate pumunta ka raw sa kwarto niya."

"Sige Marc."

"Mag-ingat ka kuya. May bisita siya ngayon." Dagdag pa nito. Ngumiti lang ako sa kanya at dumiretso sa kwarto ng ate nya.

Pagpasok ko sa kwarto niya agad niya akong pinaghahampas ng iniregalo ko sa kanyang teddy bear.
"Okay ka lang mahal?" Tinabihan ko siya pero imbis sumagot ay kinagat niya ang balikat ko. Sa sobrang sakit ay napakagat-labi na lang ako.

"Hindi ako okay! Ang sakit eh.
Bilhan mo ako ng gummies at fries!! Tapos coke at chocolate, damihan mo ah. Sige na. Dali!!"Sabi niya sa hampas nang malakas.

Kahit umuulan ay lumabas ako para bilhan siya. Mabuti na lang at binigyan ako no nanay ng extrang pera.
Natagalan ako dahil sa sobrang lakas ng ulan.

"Mahal andito na ako. Sorry medyo natagalan ako." Hindi siya sumagot hinatak niya lang ako pahiga sa tabi niya.

"Matulog na lang tayo. Inaantok na ako."
Naligo ako sa ulan para maibili ang gusto niya tapos matutulog lang naman siya. Mga babae talaga. Sobrang moody.

Gabi na nang naka-uwi ako. Naabutan ko ang pinsan kong nanunuod ng T.V sa sala. Dito siguro siya matutulog.

"Pinsan bakit may dugo?"

"Ha?! Saan?"

"Sa balikat mo oh. Anyare dyan?"

"Ah. Wala to pinsan. Haha."
Pumasok na lang ako sa kwarto at ginamot ang sugat sa balikat ko. Dahil siguro ito sa kagat ni Jaella.
Masakit man ang sugat sa balikat ko mas masakit ang iwan niya.
Under man kung tawagin pero hindi ko gustong mawala siya sa buhay ko.

Ikaw LangWhere stories live. Discover now