4

14.7K 355 21
                                    


4

JEZHI

"Nasa school ka na ba? Hindi mo ba nakikita si sis dyan? Hindi kasi nagrereply sa'kin. Tinatanong ko kasi kung anong gusto nyang food nandito kasi ako sa supermarket." Napili ako ng snacks tsaka ng magiging breakfast sana namin ni sis.

"Kadadating ko lang baby pero hindi ko pa sya nakikita." Sagot ni baby sa'kin. "Bilhan mo nga din ako ng energy drink. Nanlalambot ako ih."

"Okay baby. Text na lang kita mamaya. I love you." Sagot ko sa kanya.

"I love you too, baby!" sagot nya at ibinaba na namin ang phone.

Gusto kaya ni sis ng clubhouse o siopao? Ang hirap naman pumili. Ito na lang kayang combo ang bilhin ko para lahat nandito na. Kumuha ako ng dalawang combo meal tsaka energy drink ni baby at nagdiretso ako sa counter. "Miss pwedeng painit? Thanks." Pakiusap ko tsaka ako nagabot ng bayad.

Iniintay ko ang iniinit na pagkain ng mapansin ko ang isang babaeng nagbibilang ng boxes ng combo meals at muntik ng malaglag ang pinagpapatungan nito kaya naman mabilis akong lumapit para tumulong. "Naku maraming salamat ma'am." Kinuha nya ang hawak ko. "Kung nalaglag 'to bawas pa 'to sa sweldo ko." Isinalansan nya sa loob ng malaking container.

"Wala yun. Sayang din naman kasi kung matatapon. Maraming nagugutom na bata – pero hindi rin naman sila mabubusog kapag kinain natin yan." Tumatawa kong sagot pero wala syang reaction. Natitigan ko sya at namukaan ko. "Wait are you the girlfriend of Luke?" paguusisa ko.

"What? Girlfriend? Sinabi ba nya yan sa'yo?" gulat na gulat nyang tanong.

"Hindi – I just assumed kasi palagi ka nyang nababanggit. So hindi ka nya girlfriend?" umiling sya. "Kung hindi ka nya girlfriend – teka asawa ka ba nya?"

She rolled her eyes.

"Hindi." Muli nyang pinagpatuloy ang pagaayos ng mga boxes at isinara nya.

"Bakit naman? Ang bait pa naman nun ni Luke. Seryoso yun magmahal." Pangongonsensya ko sa kanya. "San ka pa gwapo na mayaman pa. Na sa kanya na ang lahat."

Tumingin sya sa'kin. "Yun na nga eh, nasa kanya na ang lahat. Hindi kami bagay kasi mahirap lang ako tapos mataba pa." Nalungkot ang mukha nya. Mababa pala ang self esteem nya.

"Duh! Lahat na nga na kay Luke maliban sa'yo. Ikaw yung happiness nya. Tsaka kung hindi ka talaga gusto nun eh di sana hindi ka na kinakausap. For sure pinupuntahan ka nun dito." Mabait naman talaga si Luke. Gusto din naman naming mga kaibigan nya na magkalove life sya para hindi na din sya bantay sarado kay sis.

"Ay naku bahala na. Dyan ka muna ha kasi magdedeliver pa ako ng pagkain sa SCC. Sana may tricycle na sa labas." Binuhat nya ang box.

"Teka!" Hinawakan ko sya sa braso. "Sa Stanford ba?" tanong ko at tumango sya. "Ay sumabay ka na sa'kin kasi papasok na ako. Sandali lang ha." Bumalik ako sa counter. "Ate okay na ba yung binili ko?" iniabot na nya sa'kin at binalikan ko ang minamahal ni Luke. "Let's go. Nandito lang sa tapat yung car ko."

"Ha? Wag na. Nakakahiya naman. Magaabang na lang ako ng tricycle." Pagtanggi nya.

Binuksan ko na ang kotse ko. "Ayos lang ano ka ba. Nararamdaman ko na isa sa mga araw na 'to magiging magkakaibigan na tayo. Kaya sige na." Kinuha ko ang box na hawak nya at inilagay ko sa likuran. "Dyan ka na sa tabi ko." Isinara ko ang pinto at parang ayaw nya pa rin. "Wala ka namang nakikitang tricycle ah. Sige ka kapag nahuli yan ng deliver di na nila yan babayaran." Pananakot ko sa kanya at mukhang effective naman.

Perfect Haters Book 3: Imperfectly In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon