Meet Rylie Castro Santiago

0 0 0
                                    

First day. First day. First day.

"Ugh tinatatamad pa ko." Sabay takip ng unan sa mukha ko.

Kulang na kulang pa ang bakasyon. Pwede bang paextend Lord kahit 1 month lang.

Oh bat parang gulat kayo? Kahit ba Rank 1 ako nung Grade 9 kami estudyante pa rin ako na tinatamad pumasok tssss.

(A/N: Oh nagsusungit pa. Baka mainis sayo readers nyan.)

Epal ka otor. Eh sino bang gumagawa ng mga ugali ko? Diba yang kokote mo?

(A/N: Sungit mo, pasalamat ka crush kita!)

Wag ka ng umasa oy. May mahal na kong iba.

(A/N: Oh siya hao na. Magpakilala ka na lintik ka.)

Tsss whatever. Sorry guys kay otor lang ako ganyan. Epal kasi eh. Masyadong napopogian sakin tsk. Sabagay di ko naman siya masisisi, gwapo naman talaga ako.

(A/N: Shattap Rylie!)

Oops galit na siya hahahaha. By the way, i'm Rylie Castro Santiago. 16 years old. Grade 10 na ngayong araw na to. I heard alam niyo na, na ako yung bestfriend ni Louise. Yes. We're best friends for almost 10 years. Pre-school pa lang kami siya na yung kasama ko lagi. And naging close na din si mama sa mommy and daddy ni Louise.

I'm the only child of Rachel Castro Santiago, and unfortunately i'm a product of a broken family. Naghiwalay sila mama nung araw na nakilala ko si Louise.

Flashback. . . .

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo ha? Iiwanan mo na lang talaga kami ni Lie dito? Talagang itutuloy mo yang plano mong sumama sa kabit mo?" narinig kong sigaw ni mama. Pababa na sana ako sa hagdan dahil papasok na ako sa school kaso di ko na itinuloy kasi nag aaway ang parents ko.

"Wala akong magagawa Rachel, buntis si Erika. Kailangan kong panagutan yung magiging anak namin." Narinig kong sagot ni papa. Iyak na lang ako ng iyak habang nakasilip sa may hagdan kasi kahit 6 years old pa lang ako, alam ko na ang mangyayari sa paligid ko.

"Sige, kung yan ang gusto mo umalis ka na Richard. Wag na wag ka ng magpapakita samin kahit anong mangyari. Simula ngayon wala na kong kikilalaning asawa at tatay si Lie. Magsama kayo ng kabit mo."

Umalis na nga si papa dala dala yung mga gamit niya. Bumaba ako sa hagdan kasi nakita ko si mama ko na parang tutumba.

"Lie, wala na ang papa mo. Pasensya ka na hindi naging mabuting asawa si mama mo." Sabay halik ni mama sa noo ko.

Wala akong nagawa kundi yakapin si mama. Yun lang kasi ang alam kong gawin para mapasaya siya.

Kahit mugto ang mata ni mama inihatid pa rin niya ako sa school. First day ko pa naman sa kinder 2.

"Anak hintayin mo si mama pag uwian mo ha. Wag kang lalabas ng school hanggat wala ako okay?"

"Opo mama." Hinug ko ng mahigpit si mama atsaka nagsabing I love you.

Pagpasok ko pa lang ang dami na ng kaklase ko. Yung iba naglalaro na agad. Pero yung isang babae walang kalaro, tahimik lang siya.

Lumapit ako sa tabi niya at umupo.

"Tabi tayo ah." Sabay ngiti ko sa kanya.

Agad niya naman akong nginitian.

"Anong pangalan mo?

"Ako si Mona Louise."

"Ang haba naman ng pangalan mo. Louise na lang tatawag ko sayo kasi pag mona, parang monay."

Biglang sumimangot si Louise. Hala nagalit ata.

"Louise, sorry di ko nam-"

"Hahahaahahahahaha. Nakakatawa ka. Simula ngayon Louise na tawag mo sakin. Ikaw anong pangalan mo?" Wooohhh akala ko galit na sya.

"Ako nga pala si Rylie."

"Hmmmm Lie na lang ang itatawag ko sayo. Simula ngayon best friend na tayo Lie."

Lie? Si mama at pa- Oops si mama na lang pala ang tumatawag sakin ng Lie. Siguro okay na rin na tawagin akong Lie ni Louise kasi siya yung nakapagpasaya sakin ngayong araw na to pagkatapos ng nangyari.

At simula nun nagkaroon na ko ng baliw pero cute na best friend.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bestfriend's RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon