(Chapter 27)
Gusto ko lang maalala ang lahat ng nangyari,
kung paano nagsimula ang lahat. 💜
Ang layo na ng narating naming ni Vince.
Schoolmates lang kami before, siya 'yung
lalaking updated sa mga nangyayari sa
buhay ko noon kahit hindi ko siya kilala.Until one day, tinext niya ako... "Hi crush,
kakapalan ko na ang mukha ko, ako nga
pala si Vince, matagal na 'kong may crush sa
'yo..." Madami nang naging ganyan sa 'kin
n'ung college ako, nagtetext, nagsusubok,
pero walang nakakuha ng puso ko.Si Vince? Bakit iba si Vince? Grabe 'yung effort
niya sakin noon, nagpapadala ng flowers,
nagpagawa ng banner nung coronation night ng
Ms. ME. Oo, marami ng nagbigay ng bulaklak,
pero siya, hindi niya sinabi sa 'kin na siya pala
'yung nagpapadala, 'Yung nagbibigay lang
siya para makita niya ako na nakangiti, na
okay lang sa kanya kahit hindi ko alam na sa
kanya pala nanggagaling 'yung mga bulaklak.
'Yung pinakakinilig ako eh n'ung nalaman Kong
siya pala 'yung mismong nag-aabot sa 'kin
ng bulaklak at sinasabi niya na pinapabigay
lang ng iba. Malapitan lang ako, madikitan
lang ako kahit daplis lang. Siya 'yung ginawa
lahat, hindi para mapansin ko siya, kundi para
mapangiti ako. Siya 'yung lalaki na gustong
lagi akong masaya. Ang sarap sa pakiramdam,
ang dami na naming napagdaanan.Hindi ako bumitaw nung nawala ang alaala
niya. May dumating na Jake, meron ding Je...
Ayoko na sanang banggitin ang pangalan
niya pero sige, Jella. Sana naman wala nang
Rika, tama na. 'Yung tinaas ng relationship
namin, siya ring sakit n'ung bumagsak kami.Pinakamasakit sa 'kin 'yung makalimutan ka
ng taong mahal mo. Isang iglap lang, ganun
ang tadhana, ganun ka niya susubukan.Kumapit ako kasi mahal na mahal ko si Vince.
'Yung feeling na ikaw na lang sana 'yung
nakakaranas ng sakit na nararanasan niya,
lahat Maya kong saluhin para sa kanya.Wala, walang makakapag-paliwanag
ng nararamdaman ko. Kahit gaano
pa kahaba at kalalim and explanation
ko, hinding hindi mapapantayan ng
kung anong nararamdaman ko.Naisip ko, ano pa bang mas titindi sa naranasan
namin na nagka-amnesia siya? Meron pa ba?
Sa tingin ko wala na...😃 Kung meron man,
hinihiling ko na hindi na mangyari pa, pero
kung kelangan naming pagdaanan 'yung mas
mabigat pang problema, kapit kamay naming
haharapin. Favorite niyang sabihin sa 'kin ito
eh, "Walang titibag..." "Akin Ka, Sa 'yo Ako."
'Yan lang ang nagpapaalala sa amin araw-
araw na kelangan naming maging matatag.Vincent, kung ako lang sana ang lalaki sa
ating dalawa, papakasalan na kita BUKAS
NA BUKAS DIN. Pero bilang ikaw ang lalaki,
irerespeto ko ang mga decisions mo para
sa atin. Dahil wala ka namang ginawa na
hindi ikinabuti ng relationship natin. I love
you, Vince. I love you with all my bloody,
mortal, human and loving heart. 💜-CHEER
(Thanks for reading don't forget to follow me!)
YOU ARE READING
VINCE& KATH &JAMES BOOK 6 : The Reunion
RomanceVince's and Kath trials. Can they survive their relationship? let's read and find out