" Faith is stronger than any weapons that a man could have. Faith is the most powerful shield that a man ever wanted "
" Darkness is mine. I own those people who dont believe in him. I own thier body and soul and sufferings is their reward"
" Come unto me and I'll give you peace "
Isang bayan na kung saan puno ng kababalaghan. Bayan na kong saan puno ng misteryo. Bayan na kong saan gabi-gabi ay pinag aalayan ng mga birheng dalagita para sa kapangpayarihang ninanais ng mga taong may itim na budhi. Ito ang bayan ng san martin.
Sa bayang ito nabibilang nalang ang mga taong nagsisimba at nanampalataya sa panginoon sapagkat may ibang sinasamba ang ibang mamamayan ng bayan. Sa araw ng byernes laging itinatago ng mga magulang ang kanilang mga dalagitang anak para hindi ito gawing alay sa tinatawag nilang hari.
May sampung magkakaibigan na planong pumunta sa bayang iyon. Limang babae at limang lalaki sila pero hindi nila alam na ang bayang susuungin nila ay ang magdadala sa kanila sa kapahamakan..
Araw ng huwebes:
Uyyy.. Lyla wake na you know were going to louis bayan so better wake na girl........panggigising sakin ni dev. At nagcconyo pa.
Okay fine gigising na. Alis na.......sabi ko at pagtataboy sa kanya. Pupunta daw kasi kami ngayon sa probinsya nila louis para mag adventure ayaw ko nga sanang sumama ei kong di lang talaga dahil kay dev. Nagbihis lang ako ng loose shirt at shorts. Nilugay ko nalang din buhok ko at naglagay ng eyeliner. Bad girl type ang mode ko sa outfit ko ngayon pero di ko kinalimutang suotin ang bigay ni mom sakin na necklace na may pendant na cross at yong rosary niya yon nalang kasi ang tanging alaala ko sa kanya.
Lyla faster naghihintay na sila kenken sa kotse. Your so makupad talaga....... Reklamo ni dev. Actually she's my half sister.
Tara na nga ang ingay mo talaga..... Sabi ko sabay hila sa kanya palabas.Oh. Lyla ang bad girl ng campus sa wakas andito na siya.....sabi ng mga loko loko kong barkada.
Iwan ko sa inyo tara na nga.... .sabi ko at sumakay na sa van akala ko ba kotse. Lima kaming babae dito ako, si dev., si siara, si brianne, si angel while yong mga lalaki naman ay sila kenken, louis , fiel, toffer, at nigel.
Habang nasa byahe hindi talaga ako mapakali kaya nagsindi nalang ako ng yosi pampakalma. Yong iba naman naghahalikan magjowa kasi sina dev. At ken tapos sila brianne at toffer din.
Yong iba naman natutulog lang at si nigel yong nagddrive.Ilang oras din ang lumipas at dumating din kami sa bukana ng bayan at lintik na kabayo oh wala ng signal. Ano ba naman tong bayan nato wala man lang katao-tao. Magtatakip silim na pala at wala pa din kaming nadadaanan na bahay kasi naman ei si louis tulog pa din.
Guyz gumising na kayo andito na tayo sa san martin......sabi ni nigel.
Louis bakit parang walang mga tao dito 6:00 pm palang naman ah wag mong sabihing tulog na sila........ Tanong ni siara.
Grabi guyx kinikilabutan ako...... Sabi ni dev at yumakap kay ken.
Ipark mo nalang ang van dito nigel at lalakarin nalang natin ang papunta kila louis....... Sabi ko at nauna ng lumabas ng van.
Ipinark ni nigel ang van malapit sa isang balite tree kaya natatabunan ito.