Chapter 1

4 0 0
                                    


Balang araw

"Ano ba!" Mahinang sigaw ko sa kaibigan ko sabay layo sa kanya ng kaunti.

Ang likot niya kasi masyado. Medyo Napaghahalataan na kami dito. Sana hindi ko nalang to sinama.

"Girl, kanina pa ako kinakati dito." Bulong sakin ni Jelly.

"Shit, mabubuko tayo dito sa ginagawa mo eh." May diin na bulong ko kay jelly.

"Alam mo girl, sinasayang lang natin ang ating energy kakasunod diyan sa boylet mo."

Binatukan ko naman siya. Ang ingay kasi eh mamaya mabuko kami dito. Nakakahiya baka isipin niya na stalker kami kahit totoo namn.

"Ano ba jelly ang ingay mo. Hindi ko siya boylet. Asawa ko siya! Sana hindi nalang kita sinama bakla ka." Sabay irap ko sa kanya.

Linagay ko nalang ang palad ko sa bibig niya upang hindi na siya ma kapag salita pa. Kanina pa kasi to talak ng talak eh. Kainis baka mabuko kami dito.

"Baka nahalata niya na. Mukhang lingon siya ng lingon dito." Naprapraning na saad ko.

Agad ako kinabahan ng hindi niya inaalis ang tingin niya sa pinagtataguan naming bush. Hindi na ako mapakali sa pwesto ko dito baka mamaya ma tae nalng ako dito. Baka alam niya ng sinusundan siya namin.

"Ano ba girl, ang praning mo masyado. Pano tayo mapag hahalataan eh nasaloob tayo nitong palumpong." Mahinang saad ni jelly.

"Ano ba jelly ang ingay mo naman ang dami mong sinasabi mamaya mahuli tayo dito."

Kung nag tataka kayo kung ano ang trip namin nitong kaibigan ko. Sinusundan ko lng naman yung asawa ko. May shooting kasi siya ngayon eh ayaw niya akong isama.

"Ang gwapo talaga ng asawa ko."
Sabay buntong hininga ko.

Pano ba naman kahit sa pag inom niya ng tubig ang pogi niya parin. Kahit anong gawin niya ang gwapo niya talaga sa paningin ko. Para siyang diyos na nahulog sa lupa.

Lahat ng parte sa kanya ay perpekto. Ang mga mata niyang napakaganda na kapag titigan ka mahihilo ka at  makakalimutan mo yung pangalan mo. Ang ilong niyang sobrang perpekto. Ang labi niyang sobrang pula na kahit buong taon mong halikan hinding hindi ka mag sasawa. Ang kuntis niyang katamtaman lng hindi sobrang puti hindi rin maitim. Ang katawan niyang napakaperpekto na pag titigan mo mahuhulog ang panty mo.

At ang pinaka nagustuhan ko sa lahat ay yung mga ngiti niyang parang bituin sa langit. Na kapag titigan mo ngingiti karin. Sa ganda nito parang lumilipad ka na sa pag titig dito.

" Hoy Xyline!"

Agad akong bumalik sa realidad nung binatukan ako ng pagkalakas lakas ni jelly.

"Ano ba jelly!" Sigaw ko sa kanya sabay irap.

"Gaga ka bakla kanina pa kita kina kausap pero mukhang busy ka kakaday dream dyan sa boylet mo! Mukhang pignanasahan mo na eh!"

Sigaw ni jelly. Sa inis ko tinulak ko siya ng medyo malakas sabay sigaw ng.

"Ano ba! Pabayaan mo nga ako kung pinagnanasahan ko si zidon! Asawa ko naman yan eh!"

Sa lakas ng sigaw ko dun ko na namalayan na kanina papala kami tinitigan ng mga staffs at crew ng set. Naramdaman kong uminit yung pisngi ko. Mukha na ata akong kamatis sa sobrang pula.

Shet! Kanina papala kami naka tayo ni jelly sa bushes at Narinig nilang lahat yung kagagahan na pinag sasabi ko.

Kung nag tataka kayo kung bakit nag tatago kami sa bushes at mukha kaming tanga dito. Im doing this for the sake of love. May ibibigay kasi ako sana kay zidon eh. Kaya kami nandito ni jelly. Bakit kami tumatago? Kasi baka malaman ni dad na nandito nanaman ako sinusundan ang taong mahal ko nag papakatanga at nagsasayang ng oras eh lagot nananman ako sa kanya. Pinagbabawalan niya na kasi ako na mag habol kay zidon. Hindi raw kasi ako aso para mag habol sa isang tao at mas lalo na masama daw kapag ang babae ang nag hahabol hindi dw niya ako pinalaki para maghabol lang ng tao. Tss.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Every wish it takesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon