Key Chain

116 1 1
                                    

          Kring! Kring! Kring! Ang nakakabinging tunog ng orasan ni Karyn na gumising sa kanya. Tila naiiba ang umagang iyon dahil sa unang pagkakataon ay hind ito nairita sa pagtunog ng orasan. Ngiti ang masisilayn mo sa kanyang maaamong mukha. Ramdam nia ang lamig ng hangin at ang ganda ng aura sa araw  na iyon. Nagmadali siyang lumabas ng kwart naligo,naghanda at nag ayos ng sarili at ng kanyang nga gamit saka umalis.

           Pagkasakay ng taxi, saktong ang awiting  "the gift" na siyang nag papaalala sa kanya ng kanyang nakaraan sa isang lalaking minahal niya ng buong puso ngunit siya'y nabigo. Naalala niya ang kanyang dating kasintahan na si Kristoff at ang kanilang masayang alaala.

           Si Kristoff ang unang pag ibig ni Karyn. Bata pa lamang siya ay hanga na ito sa kagwapuhang taglay ni Kristoff. Mula elementarya  hanggang hayskul ay magkaklase na sila. Naging magkaibigan at unti unting nagkamabutihan.

           Inimbitahan ni Kristoff si Karyn sa kanyang nalalapit na kaarawan at walag pag-aalinlangang pumayag itong si Karyn. Nang dumating ang kaarawan ni Kristoff,  nagmadaling umalis ng bahay si Karyn, hindi na nkapagpaalam pa sa kanyang mga magulang.Pagdating kina Kristoff, ipinakilala siya sa kanyang ama at lamag anak. Nagulat na lamang si Karyn nang bigla itong hinila ni Kristoff sa labas ng bahay at may sasabihing mahalagang bagay. Nagtapat si Kristoff ng totoong nararadaman niya para sa dalaga. Gulat na gulat at hindi maipaliwanag ng dalaga ang kanyang nararamdaman. Bigla itong lumayo at nagpahangin. Sinundan ito ng binata at nagtanong kung maaari ba niya itong ligawan. Hindi nakasagot si Karyn at buong araw na natahimik.

            Umuwi si Karyn na hindi pa rin maipaliwanag ang naramdaman ng malaman nia na mahal rin siya ni Kristoff. Mula noong araw na iyon, niligawan na siya ni Kristoff. At unti unti na silang nagkamabutihan hanggang mauwi sila sa isang relasyon na ikinagulat ng lahat sa kanilang klase. Relasyong itinago ni Karyn sa kanyang mga magulang.

             Lumipas ang tatlog buwan sa kanilang relasyon, nalaman na ng mga magulang ni Karyn ang tungkol sa kanilang dalawa. Kinausap ng ama ni Karyn si Kristoff. Sinabi nito na hindi pa talaga maaring maging sila dahil masyado pa silang bata para sa mga ganoong bagay. Sinabi pa nito na saka na lamang kapag labing walong taon na si Karyn ay maaari na niyang ligawan ito. Walang nagawa si Kristoff kundi  hintayin na lamang ang desisyon ni Karyn.

              Kinabukasan, napag-isip isip ni Karyn na tama ang kanyang mga magulang. Nakipaghiwalay ito sa binata ngunit nangakong walang magbabago sa nararamdaman niya. Ganoon din naman ang sabi ni Kristoff sa dalaga. Nangako silang hindi magbabago ang turingan sa isat isa. Naging masaya pa rin ang dalawa kasama ang isat isa, Patuloy pa rin silang inspirado. Ang alam ng lahat ay sila pa rin kahit pa napabalitaang wala na sila. Ayon sa kanilang pagkilos, makikita pa rin na mahal na mahal pa rin nila ang isat isa. May mga pagsubolk silang nadaanan ngunit pareho silang hindi sumuko, pag ibig nga naman.

              Araw ng mga puso nang niyaya ni Kristoff ang dalaga na lumabas. Nagpunta sila sa tabing dagat kasama ang kanilang mga kaibigan. Hindi inaasahan ng dalaga na may regalo ang binata sakanya. Isang kalahating puso na nakay Karyn ay "I LO", samantalang kay Kristoff naman ay "VE U". Pinagdikit ni Kristoff ang magkahiwalay na puso, tumingin sa dagat at ibinulong sa hangin, "Balang araw mabubuo rin to" Itinago nila iyon bilang tanda na sila'y minsang nagmahalan din.

              Ilang buwan pa ang lumipas nag unti-unti na silang nagkakalabuan. Hindi na maintindihan kung ano na ang nangyayari sa kanilang samahan. Ito'y sa kadahilanan palang nagkakagusto si Kristoff sa ibang babae. At dahil mahal pa sia ni Karyn, nasaktan ang dalaga dahil na rin sa pangakong napako ng binata. Sobrang nasaktan ang dalaga ngunit hindi ito nagpaapekto.

               Lalo pa itong nasaktan at naiyak nang malamang aalis na si Kristoff papuntang ibang bansa. At nang nilisan na ng binata ag Pilpinas iyak ng iyak si Karyn. Miss na Miss na niya ang binata ngunit hndi pa rin niya matanggap na may iba ng mahal si Kristoff.

                Hindi nagtagal ay kinalimutan na niya ang binata. Ibinuhos niya ang kanyang oras sa pag aaral. Nawalan na rin siya ng balita sa binaya. Makaraan ang 5 taon ay nakatapos na ng pag aaral ang dalaga sa kursong bachelor of Science in Accountancy. Nakapasa rin ito sa CPA board exam. Nagkaroon na din ito ng isa pang boyfriend ngunit hindi sila nagtagal at napagtanto niyang si Kristoff pa rin ang mahal niya.

                Sa kanyang pagbabalik tanaw sa nakaraan, hindi na niya namalayan na siya'y nasa airport naaa. Siya ay nakatakdang umalis paputang Canada upang magtrabaho sa kumpanya ng kanyang tita bilang isang accountant.

                Pinara niya ang Taxi at ibinaba ang kanyang mga gamit. Pagkababa ng taxi, hinanap nya agad sa kanyang mga gamit ang key chain na galig kay Kristoff. Nang mahanap niya hinalikan niya ito at tinitigan sabay sabing "Mabubuo pa kaya ito ?"

                "Oo mabubuo pa yan. Ito yung kalahati oh" Ani ni Kristoff. Nagulat si Karyn ng marinig ang boses na iyon at ng makita niya ang kalahati ng hawak niya. Nagkataog si Kristoff nga iyon na kagagaling lamang ng ibang bansa. Tadhana nga naman, doon pa sila nagkatagpo.

                "Ikaw? Bakit ka nandito ? Di ba nasa ibang bansa ka ?" gulat na sabi ni Karyn, "Oo ako nga,Umuwi ako para sayo Karyn. Aaminin ko nasaktan kita, pero napagtanto kong mahal pa rin kita, Sana Karyn kalimutan mo na yung nakaraan, ang mahalaga mahal pa rin kita. Matatanggap mo pa ba ako ?" pagpapaliwanag ni Kristoff.

                 "Huli ka na Kristoff. Matagal na kitang kinalimutan" Napaluha na sinabi ni Kryn at umalis papalayo kay Kristoff.

                  "Hindi na ba kita mapipigilan Karyn??" Pasigaw na sinabi ni Kristoff sabay habol sa dalaga at sinubukang harangin ito.

                  "Aaminin ko mahal pa rin kita. Pero hindi ko alam kung paano muli magsimula", malungkot na sabi ni Karyn.

                  Niyakap ni Kristoff si Karyn na may paniniguradong sabi, "Akong bahala mahal ko".

                  Hindi natuloy ag dalaga sa pagpunta sa ibang bansa. Nagtrabaho muna sila pareho ng ilang taon dito sa Pilipinas bilang engineer at Accountant. At pagkalipas ng tatlong taon, nagpakasal na ang dalawa, Napagdesisyunan nilang tumira sa canada at doon na bumuo ng pamilya. Nagkaroon ng happy ending ang kanilang pagsasama na noon ma'y nanaig pa rin ang tunay na pagmamahalan na kanilang naramdaman at siyang nagdala sa kanila sa panghabangbuhay na kasiyahan ..

THE END ....

Medyo OA lng , hehe ! but i hope u guys like it :)

Tnx for reading.. muaaahh !

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Key ChainWhere stories live. Discover now