Heartache

53 6 10
                                    

"Susunduin mo ba ako mamaya?" Tanong ko sa kanya nang magkita kami at sabay magrecess.

"I still don't know. I have lots of things need to do." Cold na sagot nya sa akin.

"Okay, then. So, tuloy ba tayo sa sabado?" Bigla naman syang napalingon sa akin na ikinagulat ko. May nasabi ba akong mali? Ewan ko, basta kinabahan nalamang ako sa mga tingin nya.

"I'll try.." Sagot nya lamang. Nagbuntong hininga nalamang ako at marahang tumango.

He is Kean Miguel Cruz. The love of my life. The only person I want to see before I sleep and the first person I want to see when I woke up. He is my everything.. Even if pakiramdam ko, ako lang ang lumalaban para sa relasyon naming dalawa.

"Hindi mo ba alam kung anong meron para sa araw na yun?" Tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nya na tumingin sa akin.

"Bakit? Ano bang meron sa--"

"Miggy!" Naputol ang sasabihin nya nang dumating ang mga tropa nya na sila Jun, Harry, Milam, Nico and Alex. Parang bula na nawala ang atensyon nya sa akin.

Well, masyado na akong sanay hindi ko lang matanggap. Halos sa araw araw na magkasama kami na hindi pa tumatagal ng isang oras ay laging wala naman sa akin ang atensyon nya. Kundi ko sya kausapin ay hindi sya iimik.

But it's okay.. I love him so much. That's it.

"May pustahan kami. Gusto mong sumama?" Tanong sa kanya ni Jun. Napaiwas ang tingin ko sa kanila nang marinig ko ang salitang pustahan. That's the word I really hate.

"Sure! Let's go!" Mabilis na sagot nya at parang hindi manlang nya naalala na kasama nya ako. Na may girlfriend syang naghahangad ng atensyon nya at oras.

"Iiwan mo lang sya basta dito?" Pigil sa kanya ni Nico. Napatingin sya sa akin at kumunot nanaman ang noo.

"Kaya nya na sarili nya." Tanging sagot nya. Napatingin naman sila sa akin at nag aantay kung ano ang sasabihin ko,

"A-Ayos lang.. Ayos lang ako." Sabi ko at ngumiti sa kanila. Nginitian naman nila ako bukod kay Kean at sabay sabay silang umalis. Napabuntong hininga akong muli.

Hanggang kelan pa ba? Hanggang kelan pa ba ako magtitiis sa ginagawa nyang ito sa akin? Hanggang kelan ba ako magpapakamanhid kahit na ramdam na ramdam kong ang sakit sakit na?

Pinunasan ko ang tumulo kong luha. Monthsary naming dalawa sa saturday, December 22. But halatang wala syang kaalam alam. Well, lagi namang ganito e. Sa loob ng 10months na magkarelasyon kami, hindi nya ako kahit kelanman binati.

Ang tanging dahilan ng lahat ng ito ay dahil nakuha nya lamang ako sa isang pustahan. Pustahan na kailangan nya akong mapaibig. Ngunit kung ako ang tatanungin? Hindi na nya ito kailangan gawin noon. Dahil highschool palamang kami ay mahal ko na sya.

Sa kanya ko unang naranasan ang word na "Selos," sa tuwing nakikita ko syang may kasamang ibang babae. "Masaktan" sa tuwing malalaman kong taken na sya that time. "Malungkot" dahil ni hindi nya ako kilala or napapansin kahit na magkaklase lang naman kami nung highschool.

And for the last ay ang "Umiyak" umiyak dahil sa sakit na malaman kong pinagpustahan lamang nila ako. Hindi ko din alam kung anong naging premyo nya nun. Matagal na akong may nararamdaman para sa kanya kaya hindi na sya nahirapan pa. Pero nang matapos ang araw kung hanggang kelan ang naging usapan nila para sa relasyon namin ay pinigilan ko syang makipaghiwalay.

Hindi ko lang talaga kayang mawala pa sya sa akin. Sinabi ko sa kanya na ayos lang kahit hindi naman talaga nya ako mahal o kahit hindi naman talaga nya gustong maging kami basta ang gusto ko lamang ay ang mag stay sya. Manatili lang sa tabi ko.. Yung matatawag kong akin. Kahit na hindi naman ako ang laman ng puso nya.

HEARTACHE (One Shot)Where stories live. Discover now