Yung Feeling Na...

52 1 0
                                    

INTRODUCTION

*tok tok tok*

"Oi"

Walang sagot. O sige, isa pa, mas malakas.

*Tok Tok Tok*

"OI"

Wala pa rin. Sige eto na, lalakasan ko na talaga.

*TOK TOK TOK*

"OI! SINO KA BANG TOKWA NA ANG TAGAL TAGAL SA CR HA?! NATATAE NA AKO E---"

Biglang bumukas ang pinto. Napatigil ako sa kakasalita. May isang gwapong nilalang na lumabas sa C.R. namin. Halata sa mga mata niya ang gulat, at pati sa akin na rin. Sino ba naman ang di magugulat kapag may isang gwapong lalake na topless, towel lang ang suot sa baba, at may wetlook pa, ha? Ikaw?

"Sino ka?!" bigla akong napasigaw.

"Di ako sinuka---"

"Oi! Luma na yan! Palitan mo!"

"Oh sige, sino ka ba??"

"Baket?"

"Kamote naman 'to, hindi to pick-up line!"

"Soooorry pooooo..."

"Chichay? Ikaw ba yan?"

"Dami mong alam! Sino ka ba talaga, ha? Magnanakaw ka no?"

"Anthony, yung guitarist ng banda ng kuya mo. Nice to meet you, miss---?"

"Rica." Sagot ko.

"Ame yung last name mo, tapos name mo Rica? Ame, Rica?" tumawa siya ng malakas.

"Oh? Masaya ka na? Eh bakit? Sayo ba? Ano last name mo?" Tanong ko.

"Ong." sagot naman niya. Taray.

"Ong?" napangisi ako.

"Oi, Anthony, may pick-up line ako." sabi ko sa kanya.

"Ano yun, America?"

"Si Anthony ka ba?"

"Bakit?"

"AnthonOng mo"? (Ano tanong mo?) Tapos tumawa ako ng malakas.

"Ang corny mo!"

"Corny man sa inyong paningin, maganda pa rin! Char!" banat ko.

Kinamot niya ang buhok niya. Naiinis na yata.

"Bahala ka na nga. May band practice pa kami. O, tumae ka na dyan." Ani niya at nag walk-out.

Yung feeling na...

                                                                                                     Napahiya ka sa harap ng crush mo...

Yung Feeling Na...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon