Chapter 2

16 1 4
                                    

"Aljibra, maam! Aljibra!" Narinig kong may sumigaw na kaklase ko nung nagtanong ang subsitute teacher kung anong math ang tinuturo sa grade 1.

Hay ang boring dito sa klase, pramis. Di ko rin gets kung bakit kailangan nating malaman kung ano ang speed ng dumaang sasakyan sa physics. Ikakabuti ba natin ito? At kung bakit kailangan rin natin hanapin ang "x" ni math. Di ba siya nakakamove on?

Second period na at eto na naman, checking of attendance.

"Akin, Calm Aang" nagsimula na si maam.

"Present!" sabi naman ni "Akin ka lamang". Hay, bakit ang we-weird ng mga pangalan nila?

"Ame, Rica Anne."

"Present!" sigaw ko. Ngayon ko lang talaga narealizen na tama ang sinabi ni Anthony, mas malala nga lang kung sinabi ko pa yung full name ko.

"Azanba, Dianna"

"Takasha, Men Tal"

"Jack, Cole"

And the list goes on.

Pagkatapos ni maam na icheck ang attendance namin, she cleared her throat.

"May important announcement ako!" sabi niya.

May announcement ba na hindi importante? Di ba wala naman? Kung hindi naman importante, i-a-announce pa rin ba? Paano nalang kaya pag inannounce nalang lahat ng ginagawa ng tao, di ba?

"Tatae na ako!"

"Nagshoot na ang tae sa basin. Three point shot!(if you know what I mean)"

O diba? Ang awkward.

"Magpeperform dito sa school natin---"

"Alangan naman sa school nila, maam!" sabi ko at tumawa ang lahat maliban ka maam.

"Ms. Ame, tumahimik ka muna." naiinis niyang sinabi.

"Maam yes maam!"

"As I was saying, magpeperform dito sa school natin ang Silakazee this Friday."

Silakazee? Banda nina kuya yun ah!

Naghiyawan ang mga babae nung narinig nila. Famous na pala ngayon ang banda nina kuya dito sa amin.

"And I have a surprise!" dagdag pa ni maam.

"Baka dito sila sa school natin ngayon!" sigaw ni Therese.

"Oh my glob! BAKA NGA!" sigaw naman ni Bella.

Si Dianna naman ay naglagay pa ng foundation sa mukha.

"Let's welcome S-----"

"AAAAAHHHHHH!!!" naghiyawan na ang mga babae.

Tumigil lang ang hiyawan nung may isang magandang babae na pumasok sa classroom.

"STEPHANIE! FRESH FROM LONDON!"

Kaming apat naman ang naghiyawan ngayon. Kompleto na kaming lima at last! 

Pinuntahan namin si Stephanie and we gave her a huge bearhug. Three years na namin siyang hindi nakita. Di naman kasi kami nakakapag-Skype kasi ang bagal bagal naman ng net dito sa Pilipinas.

"Who are you people?" Tanong niya habang nakatingin sa aming apat.

"Rica, Bella, Dianna, Therese, remember us?" tanong ni Therese sa kanya.

"Nope. I don't remember you guys at all!" sagot niya.

Nagtinginan nalang kaming apat. Grabe naman. Tatlong taon lang naman kaming di nagkita, nakalimutan na kami agad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yung Feeling Na...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon