Akmang lalapitan si Strawberry ang babae ngunit pinigil siya sa braso ni Gustave. "Ako na." Tumayo ito at Pumuwesto sa tabi ng lasing na babae." Oo, kasal. Tama ang dinig mo, Miss. Galing ako sa kasal ng pinsan ko," ani Gustave.pagkatapos niyon ay hindi na narinig ni strawberry ang pinag-usapan ng mga ito. Nagulat pa siya nang biglang nagsisigaw si franz.
"Sabi mo magpapakasal na tayo!? 'Sabi mo ayos na ang lahat! 'Sabi mo mahal mo 'ko! 'Sabi mo babalik ka! Manloloko ka! Manloloko ka!" Kasabay niyon ay ang pagbayo ng mga kamay ni franz sa dibdib ang kanyang kaibigan. Poor Gustave.
"Lasing kana, Miss." Hinawakan na lamang ni Gustave ang mga kamay ng babae. Suddenly, franz threw up on Gustave's suit.
Whoa. Patay, ani strawberry sa isip. Hindi ko pa maasikaso itong si franz. Maaga pa. An idea stryck her. Alam naman niya na mabuti ang kanyang kaibigan hindi nagte-take advantage si Gustave, lalo na sa mga lasing na babae kaya ibinilin na lamang niya rito si franz. Pumayag naman ang kanyang kaibigan.
Umalis ang mga dalawa, buhat ni Gustave si franz.
"Buhay nga naman. Mukhang heartbroken si ate. Kaya mas maigi na minsan ay single na lang. No stress, no worries," pagkausap ni strawberry sa sarili habang gumagawa ng inumin." Magawan kaya ng romance story ang dalawangbiyon?" Bukod kasi sa pagpapatakbo ng kanyang bar ay isa rin siyang frustrated romance writer. Iyon ang ginagawa niya sa libre niyang oras o kaya kung sinusumpong siya ng kanyang kabaliwan. Higit sa lahat, nakadaragdag iyon sa kanyang limpak-limpak na salapi.
STRAWBERRY'S Saturday night was no different. Naroon siya sa pagmamay-aring bar, mixing up drinks and talking to people who wanted to unwind.
"J & B."
AGAD na napukaw ng nagsalita ang atensiyon ni strawberry. Iyon ang klase ng alak na ino-order ng mga mala-john McClane na pulis. Hardcore. Any person who ordered that drink made her look at him as a---Whoa! He really did look dangerous---extra dangerous!
Naka-brush up ang may-kahabaang buhok ng lalaki. His eyes were dark and sharp. Matangos ang ilong nito at perpekto ang mga labi. Mapapansin din ang mumunting tubo ng facial hair nito, but even with that his jaw line was still noticeable. Para itong model na nakikita niya sa magazine. He looked dangerously handsome.
"What does it take to have my J & B in this place?" Mahina ngunit mariing wika ng lalaki.
Noon lamang napansin ni strawberry na kanina pa niya tinititigan ang lalaki. Mabilis niyang isonerve ang order nito. Pero hindi pa rin niya maiwasang tignan ito...titigan. napapailing na lamang siya. When did she start being this....appreciative? Wala siyang idea.
Halos sampalin na niya ang mukha para lamang pigilan ang sarili na tumingin at muling hangaan ang lalaking um-order ng J & B. Usually, she would chat with her customers, but not with this one. She did not know why.
Mabuti na lamang st nakakita si strawberry ng ibang pagtutuunan ng atensisyon, isang babae. Si...."it's you again! Franz with a Z. Tama ba?" And yes she was definitely right.
"Y-yeah. Strawberry, 'di ba?" Agad niyang napansin na medyo awkward ang pagkilos ni Franz. Marahil ay magtatanong ng tungkol sa nangyari kagabi.
"'Berry' na lang. Mas sanay ako na iyon ang tawag sa 'kin, eh. Mojito?" Inalok na lamang niya ang alak ang babae.
"Strawberry Mojito, please." Iyon ang parehong alak na in-order nito kagabi. The one that made franz so drunk she started banging her forehead on the counter.
"Nagpunta kagabi ang kaibigan ko rito. 'Sabagay, palagi nga iyong nandito.kaaalis-alis nga lang niya, eh. Medyo badtrip kasi." It was true. Nandoon si Gustave kanina lamang pero umalis din kaagad for some unexplainable circumstances. Pero pihadong babalik din ito, because there was something on his face that was worth a story. Napangiti siya mang maalala ang hitsura ng kaibigan. "Alam mo ba kung bakit siya narito?"
"N-no idea," sagot ni franz.
"Malay black eye kasi siya." Ang kaninang maliit niyang ngiti ay napalitan ng malakas na halakhak." Grabe! Sorry, ha, Natatawa kasi talaga ako. Sa tagal ko kasing kakilala iyon, ni hindi ko lubos-maisip na makikita ko siyang gano'n. Alam mo ba kung bakit siya nandito?" Halos nakikipaglaro na lamang siya kay franz. Bigla kasi niyang pinalitan ng seryosong ekspresyon ang kanina lang na halakhak.
"Again, no idea." Sa hitsura ni franz ay halatang naguguluhan ito. Sa tingin nga niya ay mukha na siyang baliw sa paningin nito.
"Hina-hunting kasi niya iyong sumuntok sa kanya." Napakagat-labi si franz. Guilty! "Nandito kasi iyon kagabi, iyong taong sumuntok sa kanya.
Uminom, naglasing. Strawberry Mojito nga rin ang ininom n'on." Nahigit pa ni franz ang hininga sa itinatakbo ng kanyang istorya. "Alam mo ba kung bakit siya sinuntok n'on?" Mas naging seryoso pa ang kanyang boses at mukha, kung posiblebman iyon.
"Ah... wala pa rin akong idea." Mapapansin na ang pamumutla sa mukha ni franz.
Strawberry then slammed her small hands on the counter making franz jumo. "What a coincidence! Wala rin kasi siyang idea kung bakit siya sinuntok ng babaeng inuuntig ang noo dito sa bar counter at sinukahan siya kagabi at iniuwi niya sa bahay para alagaan." Eksaherado pa siyang pumapatak pagkatapos.
"By any chance, ako ba ang pinag-uusapan natin?" Franz sounded so stupid right there. She was asking a very obvious question.
"Natumbok mo, franz with a Z!" Humalakhak siya nang malutong at malakas, hindi naitago ang kaligayahang nararamdaman.
"Will you shut up?"
Napalingon si strawberry kay Mr. Extra Dangerous na nakaupobsa kanyang harap at masama ang tingin sa kanya. "No. Kung gusto mo ng katahimikan, Sir, sa sementeryo po kayo pumunta. Do'n walang tao. Minsan na lang ako tumawa ng ganito, may kokontra pa?" Pinagtaasan lamang niya ng kilay ang lalaki. Para siyang sinisilihan sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Sayang lamang ang kaguwapuhan nito, wala naman palang manners.
"Where's the manager?" The guys arrogant brows almost formed a single line. Halos magdikit na sa pagsasalubong.
"Talking to you at the moment," sagot ni Strawberry. Hindi na sumagot pa ang lalaking nakipagdiskusyon sa kanya. Napangisi tuloy siya. It was a victorious smile. Napatupi kasi niya ang lalaking mukhang handang sumakmal ng tao. Napansin din niya ang may tatlong lalaki na paparating sa likuran nito. Mga lalaking mukhang naghahanap ng gulo.
"Alab Aragon! Fancy seeing you here," anang isa sa mga lalaki, sabay akbay sa lalaking tinawag na! "Alab Aragon."
"Kita mo nga naman, dito ka lang pala namin makikita?"
"Kating-kati na ang kamao kong matikman ang mayabang na 'to, Dustin."
"We'll get there, " ani Dustin at tinanggal na ang brasong nakaakbay kay Alab.
A/N...
Sorry Kung matatagalan unfortunately pag update ng story dito✌✌
YOU ARE READING
Loving Mr.Extra Dangerous
FantasyThank you! Thank you! Thank you! Lahat ng puwede kong pasalamatan ay isang malaking "THANK YOU"! Pero special mention si bessy, ang nag iisang pinagsabihan ko ng tungkol dito. Salamat sa suporta! Sana po ay magustuhan ninyo ang produkto ng malikot a...