trois.

145 2 0
                                    

FLASHBACK

Andito ako ngayon sa school garden. May magkikita kasi kami ni Leigh. Leigh’s my best friend since we were in diapers. 3:00 ang usapan naming pero 3:20 na ay wala pa din siya kaya naisipan kong libutin muna ang school garden.

Habang naglalakad ako ay napadpad ako sa isang part na puro rose at may malaking puno dun. May nakita din akong babae’t lalaki. Medyo familiar yung figure nung lalaki, nacurious ako kaya medyo nilapitan ko sila pero nagtatago ako.

Napatakip ako ng bibig sa nakita ko. Si Ian, may ibang kasamang babae at magkaholding hands sila. They look so happy. Hindi ko na rin napansin na tumutulo na pala ang luha ko.

Tumakbo na ‘ko paalis. Pero bago pa ko makaalis ng tuluyan sa garden ay nabangga ko si Leigh.

Mica! I— What happened?” Nag-aalalang tanong niya.

Ngumiti lang ako sa kanya at tumakbo na paalis. Nagpasundo na din ako kay kuya Toff. Sabi ko kasi sa teacher naming masakit at puson ko.

Masakit. After 3 years, tsaka siya gumanun. Nakakaasar siya. Kung sawa na siya, edi sana sinabi niya na lang sakin. Kung di na niya ako mahal, edi sana sinabi niya na lang, hindi yung lolokohin pa niya ako. Kinuha ko agad ang cellphone ko at nagtype.

To: Ian.

Sana masaya ka sa bagong girlfriend mo.

Then I pressed the send button.

Ian’s POV

Hindi ko na nakita si Mica kaninang maghapon. Sabi ni Leigh sakin nung nakita daw niya si Mica eh umiiyak ito. Nag-aalala na ko para kay Mica. Kakausapin ko sana si Leigh pero biglang nagvibrate yung phone ko.

From: Cayle.

Sana masaya ka sa bagong girlfriend mo.

Napakunot ang noo ko sa message niya.

Sht.

Agad ko naman siyang nireplyan.

To: Cayle.

No. Please let me explain.

I then pressed the send button.

Dumaan ang ilang oras pero hindi siya nagreply. I tried to call her pero cannot be reached siya. Gustuhin ko mang magpunta sa kanila ay hindi naman pwede dahil baka mahalata kami ng kuya niya. Yes, tago ang relationship naming dalawa dahil hindi pa siya pwedeng magboyfriend hanggang sa maka-graduate siya ng 4th year.

Mica’s POV

After 5 days.

Ilang araw din akong umiiyak. Nagpalit na din ako ng sim. Andito kami sa US ngayon, dito kami mag-iistay for one year kaya dito ko na din muna ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Grade 9 ako dito. I’m much better, I realized na he doesn’t deserve my tears. Lalaki lang siya, madami pang iba diyan.

Ian’s POV

Makailang ulit ko na din siyang tinatawagan pero cannot be reached talaga. Iniisip ko na nagpalit na siya ng number pero ayoko, di pwedeng mawala sakin si Mica. Siguro nung araw na yun, nakita niya kami ni Andrea. It was all a dare. Adrian and the whole gang dared me to ask Andrea to be my girlfriend then makikipagbreak ako sa kanya after that. Si Andrea ay isang school queenka kaya pumayag kagad siya. Pero dahil sa lecheng dare na iyon ay nawala sakin si Cayle.

NeighborsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon