Ultimate Sunset

51 3 1
                                    

Ultimate Sunset

They say sunset is very beautiful. Mas maganda pa nga raw sa sunrise. Well, agree naman din ako dyan. Agree din tong si "Macey". Yun nga lang..

"Macey!"

Kilala ni Macey ang boses na 'yun. Agad siyang lumingon sa taong tumawag sa kanya.

“Macey, ang bilis mong maglakad. Di mo man lang ako hinintay kanina sa library.”, hingal na sabi ni Neo.

“Ah kasi ang sabi ni Lorrie may pupuntahan kayo. Yun ang sabi niya kaya di na kita tinanong.”,sabi ni Macey.

Patuloy nilang binaybay ang daan palabas ng school. Alas-5 na ng hapon sila pinalabas ng kanilang guro.

“Di na kami tumuloy. Naisip ko kasi na palagi naman kaming lumalabas nitong mga nakakaraan ni Lorrie kaya sasabay ako sa’yo ngayon. Namimiss ko na rin kasi yung sunset sa may tabing dagat na dinadaanan natin bago umuwi.”

Makikita ang saya sa mukha ni Neo. Mapapansin siya ni Macey. Iiwas ng tingin si Macey.

“Macey! Ba’t ba ang tahi-tahimik mo dyan? Ayaw mo bang makasabay ang kaibigan mong Mr.Heartthrob?”, at nagpapogi kunwari si Neo at humarap kay Macey.

Natawa si Macey sa kaibigan.

“Pagod lang ako. Kaw talaga.”

Malapit na sila sa tabing dagat. Maya-maya’y sumabog na ang napakagandang liwanag ng araw.

Nagkatinginan silang dalawa at tila nagkaintindihan. Dali-dali silang tumakbo papunta sa harap ng dagat kung san tila isang napakagandang palabas ang masisilayan doon.

Makikita sa mukha nilang dalawa ang pamamangha. Kumikinang ang paligid nila. Parang fantasy ika nga nila.

Mas masaya ang pakiramdam ni Macey. Ang bagay na akala niyang di na muli mangyayari.

Napakaganda ng sunset. Pero mas maganda to kapag kasama kita. Sabi ni Macey sa isip.

Ultimate SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon