The Girl Who Can't Be Moved (One Shot Story)

97 3 7
                                    



Kailan ba ako makakahanap ng lalaking kayang suklian ang pag-ibig ko? Sabi ng mga kaibigan ko dadating din daw yun sa tamang panahon. Tinanong ko naman sila kung may mali ba sakin kung pangit ba ugali ko o pangit ako, sabi nila wala naman dahil maganda naman ako at yung ugali ko. Syempre malalapit na kaibigan ko naman sila kaya sila yung tinanong ko.

"Dear Gino,

Alam ko wala ka ng nararamdaman sa akin at wala naman ata talaga. Pasensya ka na kung naging makulit ako o masama sa'yo minsan. Sorry sa lahat ha. Sana maging masaya ka na at unahin mo yung studies mo kagaya ng sabi mo sa akin nung nag-break tayo sabi mo 'study first muna ako' pero one week after mag-break tayo nakikita ko na may kasama kang iba at nalaman ko nalang na kayo na ngayon .. Ngayon kung kailan monthsary na sana natin .. Mag-seseven months na tayo .. sana .. alam mo ba yun? At ngayon ka nalang ulit nag-message sa akin. Hindi para kamustahin ako kung hindi para kunin mo sakin yung jersey mo kasi sabi mo kailangan mo. Hindi kita sinusumbatan sa ginawa mo sakin pero sana naging aware ka noon nung ibreak mo ako, kung masasaktan ba ako o hindi. Sana masaya ka ngayon kay Iya Mendoza .. Pasensya na kung hindi ko kayang gawin yung ginagawa niya .. One day magiging masaya din ako. Bye Gino. Thank you for the memories ..

Always Love, Nikki Colace"

Alam mo ba na yang letter na yan ay nakalagay sa loob ng damit na ibabalik ko sayo pero bago ko palang ibigay sayo kinuha ko yung papel at ginusot yun? Tinapon ko nalang baka kasi hindi mo basahin. Alam mo ba na simula nung binigay mo yun, araw araw ko ng suot yun? Syempre pagkalaba, tsaka ko sinusuot. Tapos yung chocolate na dairymilk na binigay mo sakin? Nakatago yung balat nun. Parang tanga, oo. Yung action figure na binigay mo? Ayun nakatago sa cabinet ko at minsan pa nga itinatabi ko sa pagtulog ko. Yung bracelet na binigay mo sakin? Lagi kong suot .. hanggang ngayon .. wala akong pakielam kung makita mong suot mo. Yung teddy bear na niregalo mo sakin nung birthday ko? Lagi kong kausap at minsan iniiyakan ko pa. Kung nagsasalita lang yung stuff toy baka sabihan pa ako na para akong baliw o baliw talaga sayo Gino. Ang sakit isipin na sayo napakadaling kalimutan ng lahat pero ako? Sariwa pa din sakin yung mga sakit na dinulot mo sakin pero don't get me wrong ha? Lalo na yung memories na binigay mo at ginawa nating dalwa .. Minsan naisip ko na magpakamatay pero naisip ko yung magulang ko at kinabukasan ko kaya kahit mahirap, kakayanin. Nung una, nagkakahiyaan pa tayo na mag-usap tapos naging magkaibigan naging mag-bestfriends, nahulog ako, sinalo mo ako kasi sabi mo mahal mo na din ako, naging tayo, iniwan mo ako ... ikaw may iba na .. ako hinihintay pa din yung pagbabalik mo .. Two months after natin maghiwalay? Hindi mo pa pinapaltan password mo. Ang sama ko ata kasi nung two months na yun, binubuksan ko pa account mo. Nababasa ko yung sweet conversation niyo ni Iya .. Dati ako yung tinatawag mong baby .. ngayon siya na .. tapos dati ako yung sinasabihan mo ng nakakahulog na mga salitang yan lalo na yang pesteng I love you samahan mo pa ng I miss you .. ngayon siya na .. dati ako yung sinasabihan mo ng mga problema mo at hinanakit mo sa crush mo nung magkaibigan palang tayo .. ngayon siya na ..
Siya na yung nagpapasaya sayo.

Tapos nalaman ko ngayon hiwalay na kayo? Ang saya! Grabe! Ang sama ko? Oo. Ang selfish ko. Bakit? Masama ka bang ipagdamot? Kahit na alam kong wala ng tayo at wala na akong karapatan sayo. Naghiwalay kayo kasi nakilala mo si Daniella naging kayo din pagkatapos niyong maghiwalay ni Iya. Alam ko naman kung bakit ang dami mong napapasagot e kasi sweet ka, gentleman, maalam rumespeto, mabait, gwapo etc., Ang hirap lang sayo makakita ka lang ng ibang mas maganda sa girlfriend mo pinapalitan mo na.

Ang sakit kasi nakikita kitang masaya kasama ng iba habang ako patagong tumitingin lang sayo. Na sana maging tayo ulit kahit na alam kong hinding hindi na mangyayari yun. Hirap umasa. Umasa ako lalo sa tingin mo. Tuwing magkakasalubong tayo, tapos nagkaka-eye-to-eye contact tayo? May something sa tingin mo e o baka naman ganon lang talaga ang tingin mo sa mga ex mo!

Tuwing nagdadrama ako kina Xeira at Shiela minsan tinatawanan nila ako at minsan naiinis sila sayo kasi sinaktan mo lang daw ako. Pero minsan si Xeira, pinapagaan niya yung loob ko at minsan nga sinusuportahan niya yung katangahan ko sayo. Na tuwing magkasama kami tapos makikita si Gino ay tatawagin niya ito at ako naman tumitingin nalang sa sahig para hindi mo mapansin. Ang hirap lalong mag-move on kasi araw araw kitang nakikita. Eh sa pareho tayong 4th Year na e! Tapos magkatapat pa room natin! The fudge. Paano ka ba kalimutan?!

Alam mo bang nagpaprint na ako ng mga pictures mo at binaboy ko ang mga mukha mo dun kasi dun ko lang nalalabas yung galit ko sayo? Akala ko ganon lang kadali para kalimutan ka. Pero sa 6 months na nakasama kita, iba yung naramdaman kong saya e. Iba. At katulad nga ng sabi ng iba "People change." Tama sila.

At eto habang iniisip ka, may tumutulo ng luha sa mga mata ko. Kung nakakamatay lang siguro ang pag-ooverthink, nasa kabaong na ako.

"I still love you Gino .. and I will always love you until the end .."

The Girl Who Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon