Bestfriends (One-Shot)

99 4 3
  • Dedicated to Cabs :)
                                    

Bestfriends. Palaging kasama, palaging kausap, palaging kakulitan. Kung mapapansin mo, laging may salitang 'palagi' sa bawat salita hindi ba? Madalas ang "bestfriends" nauuwi sa next level dahil sa7-letter word na iyon. Sanay kang laging siya ang kasama, kausap, kasamang kumain, lumabas at mamasyal. Hanggang darating na sa point na hindi mo na napapansin ang pagbabago ng nararamdaman mo. Mula sa, pag aalala as a friend, pagmamahal as a friend, nauuwi sa 'real talk'.

Kaya kung ako ang tatanungin hindi ako naniniwala, na posibleng magkaroon ng magbestfriend na opposite sex. Malabo 'yon. Because people have the tendency to develop feelings for the person they are always with. Kaya nga hindi rin nakakagulat na maraming ganitong mga pangyayari. At sa tingin mo ba isusulat ko ito kung hindi ko mismo naranasan?

I was 4th year high school back then. Typical teenager, masayahin, maingay, matakaw, masaya na sa mga kaibigan, dumudugo ang ilong sa Physics at Chemistry at naiinis sa mga teacher na parang may pagawaan ng project sa kakautos. Sa kabila ng mga problema, at paghihirap na nararanasan ng isang normal na studyante, masasabi kong nag enjoy pa rin ako kahit pa hindi natuloy ang happy ending na inaasahan ko.

"Ui Nicole! Kamusta ka na!" sigaw ni Adrian. Nabigla naman ako sakanya.

"Ayos lang no!" Sagot ko habang umuupo siya sa tabi ko at nag aabot ng wine. Kahit sa totoo lang hindi ako okay. Feeling niya nakamove on na ako? It’s been 10 years... yes.. 10 years.. pathetic right?

Tinanggap ko ang inaabot niya at nagpasalamat.

Nakakalungkot mang aminin, I have remained as the president of the NBSB club at this age. Paano ba naman, hanggang ngayon siya pa rin ang gusto ko.. nakakainis di ba? Wag ka mag alala, ako din naiinis sa sarili ko.

“Ikaw ha! Di ka na kumontact after high school graduation. Hinahanap kita, pero parang ayaw mo magpakita.” Sabi nito na tila nagtatampo pa. Naku Adrian wag kang gumaganyan!

“H-huh? A-ano k-kasi e…” di ko alam kung papaano ako sasagot.. Siya namang paglapit ng isang babaeng maganda na may karga kargang bata. Kung hindi ako nagkakamali.. si Einah ata yun? Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagiging insecure ko o ano.. pero kamukha talaga ni Adrian yung bata.

“Umiiyak si Edrian!” sabi ni Einah.. Sabay abot kay Adrian nung bata. Hindi ko mapagkakailang mas gumanda si Einah simula nung high school kami. Lahat ata ng ganda kinuha niya nung nagsabog si Lord.. siguro may dala akong payong noon kaya ganito..

Edrian….

Hindi naman nila masyadong pinapamukha sa akin na anak nila yung bata no?

“Eherm.” Di ko maiwasang tumikhim, parang nakalimutan ata nila na nakatunganga ako sa harap nilang tatlo na parang perfect picture ng happy family.

Napalingon naman sila sa akin. Ngumiti si Adrian kay Einah as if saying “Wait lang no?” Mukha namang naintindihan niya ang nais na iparating ni Adrian kaya ngumiti ito sa akin at tuluyan ng umalis.

 Matagal na akong naiinis sa kanya.. high school pa kami. Paano crush siya ni Adrian, hindi ko naman akalain na magkakatuluyan sila, bigla tuloy akong nagsisi na umiwas ako kay Adrian.

Sa tingin mo may magbabago kung ganon? Pagkakastigo ko sa sarili ko. Oo nga naman parang may mababago ako, ang masakit pa doon baka sa akin pa siya magpatulong.

Tandang tanda ko pa noon February 14.. sampung taon na ang nakakaraan…

“Nicole!!!” sigaw ni Adrian habang tumatakbo siya papalapit sa akin. Hindi ko maiwasang mahiya dahil parang ipinagkakalat niya yung pangalan ko kung makasigaw sa gitna ng cafeteria.

Bestfriends (One-shot)Where stories live. Discover now