"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaag!!"
Nagising ako na pawis na pawis, kinapa ko ang dibdib ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
6 years na ang nakalipas pero heto pa rin at binabalik balikan pa rin ako ng isang masamang ala-ala ng nakaraan, paulit ulit bumabalik sa isip ko ang pagmumukha ng walang hiyang nang...................
"Hindi!! wala na siya! Di na niya ako babalikan!!"- ilang ulit ko nang sinasabi sa sarili ko.
Tumingin ako sa table clock na nakapatong sa tabi ng kama ko, 5:45am
Bumangon na ako at ginawa ang morning rituals ko. Isinantabi ko na lang muna ang bangungot na gustong sumira ng araw ko.
Kailangan ko pang maghanda para pumuntang school at mag-enroll, late na nga ako ng 2weeks eh =_______=. Hindi ko kasi naasikaso dahil madami akong pinag ka-abalahan at wala naman akong maaasahang iba kundi sarili ko.
Tinignan ko ang oras, 6:30am, hmmmm inabot din pala ako ng halos 1oras.
"Sa labas nalang kaya ako mag umagahan?"- tanong ko sa sarili ko.
At dahil nga tinatamad akong magluto eh napag isipan kong sa labas nalang kumain.
Sumakay ako sa motorbike ko at pinaharurot na papuntang school, medyo malayo din kasi yun sa Subdivision na tinitirhan ko, mga 20mins din ang inaabot ko.
Sa School
Andito na ako ngayon sa tapat ng gate ng Heidelberg University.
Dumiretso ako sa parking lot at bumaba sa motor ko, nag lakad ako papuntang Registrar. Habang nasa daan ay nakikita ko ang ilang mga studyanteng nakatambay sa hallway at may kanya-kanyang pinag kakaabalahan.
Registrar Main Office
*tok tok*
"Come in"
Pumasok nga ako at nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa swivel chair, siguro nasa mid 30's palang siya, medyo bata pa kasi ang mukha niya, nakangiti niya akong sinalubong which I find creepy, i dont know why siguro napaparanoid lang ako. =_____=
"Good Morning Sir"- bati ko sakanya.
"Good Morning too Ms. Valdez, you can call me Sir Eric, have a seat"- umupo naman ako, pero nakakapag taka lang kasi alam niya ang family name ko eh hindi pa naman ako nag papakilala sakanya. weird.
"Ah Sir Eric kukunin ko lang po sana yung Schedule ko"- panimula ko, yun lang naman ako ipinunta ko dito eh.
"Ah yes"- at inabot sakin ang isang folder na nag lalaman ng sched ko. "At dahil nga 2weeks kang late sa First Sem, naka-file na din jan yung mga output ng ilan sa mga subject mo na hindi mo natake-up dahil nga nahuli ka sa pag eenroll"-dagdag pa niya.
"Thank you po sir"- patayo na ako ng upuan at ready ng lumabas dahil nakuha ko naman na ang sadya ko.
"Pilitin mo nalang makahabol sa mga topics Ms. Valdez"
"Yes sir"- palabas na ako ng pinto ng bigla siyang magpahabol.
"Oh and one more thing, here is your School I.D.........
Ms. Cindy Carolina T. Valdez"
BINABASA MO ANG
My Demon Prince
Teen FictionPanu kung sa di inaasahang pangayayari eh napakawalan mo ang Prinsipe ng Kadiliman? Ano ang gagawin mo? Ang storyang ito ang babago ng pananaw mo sa pag-ibig. Alamin ang Storya ng isang babae na may madilim na nakaraan, at ngayon naman ay isang ma...