Soulmate in your Dreams(one shot stOry)(finish)

150 0 0
                                    

"Kung gusto mo malaman o makita ang soulmate mo.. humarap

ka sa Salamin sa kabilugan buwan ng 12:00am at magsindi ng kandila at hilingin mo sa salamin na ipakita sayo ang Taong makakasama mo habang buhay.."

Ito ang mga salitang nasa Alaala ni Luisa habang nasa harapan sya ng salamin..alaalang napagkwentuhan nila ng mga Klasmeyt nya noong Hi-skul pa sya..

"Totoo kaya? Pero wala naman mawawala sakin kung susubukan ko.." sambit ni Luisa sa sarili habang hawak nya ang kandila at inaantay ang pagpatak ng alas-dose..

"Alas dose na, umpisahan ko na.." sabi ni Luisa sabay dahan-dahan na pinikit ang mata.

"Salamin.. ipakita mo sa akin.. ang lalaking habangbuhay kong makakapiling.." malumanay na wika ni Luisa.

Dahan-dahan minulat ni Luisa ang kanyang mata at doon kitang-kita nya ang Mukha ng Mestisong Lalaki, Gwapo, Matangos ang Ilong.. Manipis na Labi at mapupungay na Mata..

"Ikaw pala ang lalaking nakatadhana sa akin.." manghang bulong ni Luisa sa sarili.

Akmang ilalapat na ni Luisa ang kanyang palad sa Salamain ng magulat sya sa katok sa pinto ng banyo kung saan sya naroroon..

"Ate! Ate! Ano ba ginagawa mo dyan? Bakit nakapatay yung ilaw at amoy kandila pa? hindi naman Brownout ah!?" Tanong Ni Lilet, ang nakababatang kapatid ni Luisa na nasa ikalawang taon na sa kolehiyo.

Dalawa lang sila ni Luisa sa Inuupahang Apartment. Dahil sa Manila na nakahanap ng Trabaho si Luisa at Nagaaral naman si Lilet. Minabuti ng mga magulang nila na sa iisang Apartment na lang sila tumira. Dahil malayo din ang kanilang Probinsya.

"Ah! Wala! Bakit? Gagamitin mo ba ang banyo!? tanong ni Luisa.

"Oo ate! Ihing-ihi na ko.. bilisan mo kanina ka pa jan eh.."

angal ni Lilet.

"O cge..teka lang.." sabi Luisa.

Paglabas ni Luisa sa Banyo.. diretso agad sya sa Kama nya at duon.. abot tengang ngiti nyang iniisip ang mukha ng gwapong lalaking nakita nya sa salamin..

"Ang gwapo nya..kelan ko kaya sya makilala..? hays... sana dumating na sya.." kilig na wika ni Luisa.. habang unti-unting pumipikit ang mata at tuluyan ng nakatulog..

Kinaumagahan.. sa Opisang pinapasukan ni Luisa..

"Good Morning Luisa.. ang ganda mo ngayon ha.. kelan mo ba ko sasagutin?" pabirong bati ni Gabriel.

"Bakit? Nanliligaw ka ba? Hindi naman di ba? puro ka lang palipad hangin.. at saka.. nakita ko na ang Soulmate ko.. at hindi ikaw yun!" paismid na sagot ni Luisa sabay diretso sa kanyang table.

"Ikaw naman..di ka na mabiro.." kamot sa ulong medyo napahiyang sagot ni Gabriel..

Matagal ng may lihim na pagtingin si Gabriel kay Luisa, Dahil sa Torpe ay dinadaan na lang nya sa Biro ang gustong sabihin. Maraming nagkakagusto kay Gabriel bukod sa Tall, Dark & Handsome ay mabait pa ito at responsible,madalas pa nga syang nachichismis na Bading..dahil ni minsan eh d pa nagkaGirlfriend. Pero tanging si Luisa lang ang nagpatibok ng Puso nya.. Bukod kase sa Maganda at Seksi si Luisa ay Matalino pa ito..

Maraming nanliligaw kay Luisa pero ni isa sa kanilay walang syang nagustuhan.. pahikan kasi si Luisa.. sa kanya kase ang Pagibig parang Fairytales.. at ang gusto nyang mapang-asawa ay mala-Prince Charming.

Maagang Nakauwi ng Bahay si Luisa.. pagkatapos kumain.. maligo at manood ng TV ay umakyat na ito sa kwarto upang magpahinga.. di pa rin mawala sa isip nya ang Lalaking nakita nya sa Salamin..

Soulmate in your Dreams(one shot stOry)(finish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon