Crying In The Rain (True Story)

112 0 0
                                    

Everyday, akong masaya.

Everyday nakikita akong walang problema.

Everyday, kasama ang barkada.

Nagtatawanan

Gumagala

Tumatambay kung san san. . .

Pero sa totoo lang, ang hirap maging masaya.

I mean, hindi ang pagiging masaya, kundi ang magtago ng problema.

Ganyan ako. Akala mo walang dinaramdam na problema.

Grabe, tao din naman ako katulad ng iba. Madami ding problema. Hindi ko lang kasi gusto na nakikita ako ng iba na malungkot ako, kaya tinatago ko at sinasarili na lang .

Ayoko kasing makita na malungkot din ang mga kakilala ko dahil sa problema ko.

Maraming pwedeng gawin para malibang at makalimutan ang problema.

Tulad ko, nagsusulat ng mga kuwento. Nakikisama sa barkada. Nanunuod ng movies, at minsan dinadaan ko din sa pagsasayaw at pakikinig ng music.

Ewan ko ba.

Ganito ako. Sabihin na nating hindi ko kayang harapin ang mga ito, kaya nagpapakasaya na lang at tinalilikuran ko ang mga problema.

Pati mga kapamilya ko hindi alam ang dinaramdam ko, kasi nga ayaw ko mag open up sa kahit na sino.

May iba nga na nagpapatiwakal na ,kasi hindi na kinakaya. Pero bakit ko naman gagawin yun?

You know what , ang ginagawa ko, sa ilalim ako ng ulan pag may problema. Para hindi halatang umiiyak ako.

I Never let others see my tears falling from my eyes, kaya, i'm crying in the rain.

After the rain? There's a rainbow. Haha. Hindi yun ang point ko.

After the rain? Masaya na ulit ako.

Kasi ibinuhos ko na ang lahat, kasama ng ulan, ang problema ko.

:karanasan ko to:

_princemond_

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crying In The Rain (True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon