Chapter 1

144 0 0
                                    

Chapter 1

Chuchi's POV

Green folder... Check. Highlighter... Check. Yellow Pad... Check. File Case... Check. Brown Envelope... Check. Yes! Just Enough for one more thing...

Supplies section. Kid's Section. Educational books. Fiction. Non Fiction. Magazines. Yeaay! COMICS!

Hmmm. Pugad baboy. Pugad baboy. Pugad baboy. Pugad baboy. Pugad baboy. Pugad baboy. Nasan na yun?

" Nasan na yun? Pugad Baboy nasan ka ba? Magpakita ka naman oh. "

"Miss. Siraulo ka ba? " Boses ng lalaki. Hmmm.

Chuchi. Don't talk to strangers. Naalala kong bilin ni tita. Ituloy mo lang maghanap Chuchi. " Pugad baboy. Pugad baboy. Hmmmm. Nasan ka na?"

" Miss. Bingi ka ba?" Tanong ulit ng lalaki.

Bwisit naman etong mokong na ito. Hindi ba nakakahalatang ayaw ko siyang kausapin.

" Miss. Helllo? Any one there? Can you understand English?"

Bwisit! Eenglish english pa eh. Englishin ko pagmumukha mo eh.

" Lalalalalalalalalala" Kaya mo yan Chuchi. Aalis din yan. Go lang ng go.

" Ay sige. Ibibigay ko pa sana sayo etong last copy ng pugad baboy."

" Ha?!" Sa wakas napatingin na din ako sa bwisit na lalaking eto para lang makitang may malaking ngiti na nakaplaster sa pagmumukha niya.

"Di ka naman pala bingi miss eh." Bwisit!

" Akin na yan!"

"Ayaw ko. " sagot ni mokong. Bwisit!

"Akin na!"

" Ayaw ko nga. Kiss ko muna." Manyak!

"Kadiri ka!" Kita ko sa reaction niya na nagulat siya sa sagot ko. Ha! Buti nga sayo! Lunukin ka sana ng buo ng ego mo!

" Akin na kasi yan. Di mo naman yata talaga intensyong bilhin yan eh."

" Hindi nga. Pero dahil hinahanap hanap mo, at last copy na toh, bibilhin ko. " Jerk!

" Akin na yan. Wala namang halaga yan sayo eh. "

"Ayaw ko." Bwisit na mokong ito. Walang magawa sa buhay kundi mangbadtrip ng iba.

" Bibilhin ko sayo, twice the price."

" Ayaw ko." Anak ng putakte.

" Thrice the price." Chuchi, wala kang ganyang pera sabi ng boses sa ulo ko. Tatakbo nalang ako pagkabigay niya. Step 1: Utuhin si mokong. Step 2: Kunin kay mokong ang pugad baboy. Step 3: Takbo sa cashier. Step 4: Alis na agad. Hmmm. Nice plan Chuchi.

Hindi ko namalayang nakatingin lang sakin si mokong.

" Ibibigay ko lang ito sayo kung pumayag kang maglunch tayo ngayon."

" Ang kapal din ng mukha mo noh. Bakit ako sasama sa isang katulad mo? "

" Kasi gwapo ako at ang ganitong mukha hindi tinatanggihan." Huwaaat!! 0.0

" Eh mokong ka pala talaga eh! Purkit gwapo ka tingin mo nakukuha mo lahat ng gusto mo? Excuse you! Madami nang problema ang mundo, wag mo ng idagdag pa yang laki ng ego mo."

" So inamin mo nga na gwapo ako? " Ano ka mo?

" Magbukas sana ang lupa at kainin ka ng buhay!" Bwisit! Bwisit! Bwisit!

Iiisssshh! Isssh! Ishhh! Maganda na araw ko eh.

Ryan's POV

Bihira lang akong pumapasok sa bookstore. Actually I don't come here at all. Pero okay na ding dito ako magtago. Walang makaka akalang andito ako. Hindi ako mahahanap ni Alice. Alice the psycho. Phew. Ex girlfriends are the worst!

Hmmmm. What should I do? Aaahhh. Yes! Comics. Feeling ko bata ulit ako habang nagtitingin ng mga comics. How time flies so fast. Nang biglang nakita ko siya.

Ang cute niya.

" Nasan na yun? Pugad Baboy nasan ka ba? Magpakita ka naman oh. " Ang cute ng boses niya.

Dali! Kausapin mo! Sabi ni boses sa utak ko. Para lang marinig ulit boses niya.

" Miss. Sira ulo ka ba?" Wow. Ryan. Ang galing mo talaga. 0.0

Di man lang niya ako tinignan. Di ba niya ako narinig?

" Pugad baboy. Pugad baboy. Hmmmm. Nasan ka na?" Hello? Gwapong mukha right here, ipagpapalit mo sa pugad baboy?

"Miss. Bingi ka ba?" Deadma. Di man lang ako tinignan.

" Miss. Helllo? Any one there? Can you understand English?" Deadma.

"Lalalalalalalalala." Eh sira ulo naman pala yata eto eh. Sira ulong may cute na boses.

Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang hinahanap niya sa dakong baba ng shelf. Aha! Di mo pala ako papansinin ah. Tignan natin.

" Ay sige. Ibibigay ko pa sana sayo etong huling pugad baboy." Hahaha mental high five to self.

"Ha?!" Ayan. Titingin ka din pala eh. That's how I like it.

Ngaun na nakatingin na siya sakin, di ko mapigilan mapangiti sa reaction niya. Ung napakalaking mata niya na nakatago na malahiganteng mga glasses. Yung button like nose niya at yung rosy pink niyang lips.

"Di ka naman pala bingi miss eh." Sagot ko sa napakacute niyang mukha.

" Akin na yan!" sabi ni miss cute.

"Ayaw ko. " Ang ganda niyang galitin.

"Akin na!" sabi ulit ni miss cute na lalo nang naiirita.

" Ayaw ko nga. Kiss ko muna." Ang saya niyang kulitin.

"Kadiri ka!" Wow! Wala bang effect sakanya appeal ko? Sa dinami dami ng beses na ginamit ko linyang yon sa napakadaming babae, ngayon lang ako natawag na kadiri.

Nagising ako sa realization ko nung nagsalita siya ulit. " Akin na kasi yan. Di mo naman yata talaga intensyong bilhin yan eh."

" Hindi nga. Pero dahil hinahanap hanap mo, at last copy na toh, bibilhin ko. " I can be mean when I want to. At natutuwa lang talaga akong pagtripan si miss cute.

" Akin na yan. Wala namang halaga yan sayo eh. " Nope.

"Ayaw ko." Nakikita ko ng nagiisip si Miss Cute ng alternative.

" Bibilhin ko sayo, twice the price." I don't need your money. I'm rich enough.

" Ayaw ko."

" Thrice the price." Ha! Still won't do. I don't need money. Hmmm. I have an idea.

" Ibibigay ko lang ito sayo kung pumayag kang maglunch tayo ngayon." Smooth playboy. Smoooth.

" Ang kapal din ng mukha mo noh. Bakit ako sasama sa isang katulad mo? " Wow! Sang sulok kaya ng mundo galing babaeng ito? Walang wala talaga effect charms ko sakanya. Some women would come running after me without me even asking.

" Kasi gwapo ako at ang ganitong mukha hindi tinatanggihan." I say as if it was just nothing.

" Eh mokong ka pala talaga eh! Purkit gwapo ka tingin mo nakukuha mo lahat ng gusto mo? Excuse you! Madami nang problemo ang mundo, wag na mo ng idagdag pa yang laki ng ego mo." Napangiti ako bigla.

" So inamin mo nga na gwapo ako? "

" Magbukas sana ang lupa at kainin ka ng buhay!"

With that being said, pinanuod kong nagwalk out si Miss Cute.

Hmmm. Dapat pala madalas akong pumupunta sa bookstore eh. Its been a long time since I had this much fun with a gril. For laughters sake, binili ko nalang na din yung pugad baboy.

It Started with a Pugad BaboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon