Ang hirap sabihin
Kung ano ang aking damdamin
Masakit kasing isipin
Na kahit anong gawin ay kulang pa rinOras na nga ba talaga?
Para ako ay lumisan na?
Nakakatanga pala talaga
Na kahit ganyan ka, hindi ko kayang iwan kaAyokong sumuko
Kase alam ng puso't isip ko
Na kahit anong gawin mo
Ikaw pa rin ang nanditoMahal kita, kaya susugal ako sa pagmamahal ko sayo
Pero bago ko gawin iyon
Hayaan mo munang mahalin ko ang sarili ko
Pag nakita ko na ika'y nagbago,Pangako mahal ko,
Ako mismo babalik sayo...