Harana

9 2 0
                                    

Puso mo'y matagal ng inaasam
Ngunit hindi ko alam paano iparamdam
Gusto ko man sabihin ng harapan
Hindi ko naman alam saan at paano simulan

Isang araw, nakita kita may kasamang iba
Hindi ko tuloy maipaliwanag ang sakit na nadarama
Wala akong magawa, wala naman kasi akong karapatan
Wala akong karapatan na sabihan kang layuan mo siya

Naguguluhan na tuloy ako
Sinaktan mo kasi itong aking puso
Hindi mo naman ako sinabihang may pumuna na pala sa lugar ko
Ang sakit na minamahal kita ng patago
Susuko na ba? O lalaban pa baka kasi sakaling may pagasa pa ako diba?

Sa apat na sulok ng kwartong ito
Tulala akong nakatitig sa magandang larawan mo
Nang biglang may tumulong luha mula sa mga mata ko
Mga luhang hindi ko na kayang pigilan
Mga luhang hindi ko alam kung hanggang kailan

Kinaumagahan, pumasok akong maga ang mga mata
Tinanong moko kung, "ayos ka lang ba?"
Sabi ko, "'masaya ka na ba sa kaniya? Para alam ko kung hahayaan na kita."

Hindi moko sinagot at
nagbabadyang tutulo muli ang luha sa aking mga mata,
Tumingala ako para hindi mo mahalata
Tumalikod na lang ako at akmang maglalakad papalayo
Nang bigla mokong hilain sabay sabing,
"Kaibigan ko lang siya."

Ginulat mo'ko sa sinabi mo
Tumalon sa tuwa ang puso ko
Pero napasimangot ako ng maisip kong, "sino ba naman ako para sayo?"
Masyado akong mababa para sa isang katulad mo
Masakit man pero tinanggap ko na hanggang pangarap na lang ako pagdating sayo.

Nagdaan ang mga araw tumindi ang kaba sa aking dibdib
Natakot kasi ako sa posibilidad na baka sa iba ka biglang umibig
Tutal hindi nagbago ang tinitibok ng aking puso, susugal ako sa ngalan ng pagibig ko sayo
Kahit alam kong impossible at walang kasiguraduhan itong gagawin ko.

Ngayong handa na ako
Sana ako'y pakinggan mo,

Gusto kita, ay mali pala.
Ma-hal kita. Oo, mahal kita.
Ikaw na naka puting damit na naka asul na palda
Ikaw na may itim na buhok at mala prinsesa ang haba

Gusto kong malaman mo at sa harap ng maraming tao
Maliit ka man sa paningin nila, iniibig naman kita
Mahal kita, wala ng iba.
Kaya, sa babaeng sinisigaw ng aking puso,
maari ba kitang maisayaw?

Words Of WisdomWhere stories live. Discover now