Sa isang madilim na parte ng club natagpuan ni Francine ang kanyang sarili na uminom ng beer. Magulo ang kanyang soot tulad ng takbo ng utak niya. Hindi maipagkakailang malaki ang problemang kinahaharap niya.
Hindi niya napansin ang oras na lumipas. Nakaka sampong bote na pala siya ng beer. Akmang lalagok na muli siya ng alak nang biglang magsalita ang isang lalakeng nasa harap niya. Hindi niya man lang naramdaman ang presensya nito kanina.
"Is there anyone with you Ms?""May nakikita ka ba?" pasupladang sagot ng dalaga.
"Whoaa! Chill lang babe!" tila manghang tugon naman ng binata. Nasa trenta na ang edad ng lalake ngunit makikita pa rin ang gandang lalakeng tinataglay nito. Matangkad, maputi, maskulado ang pangangatawan, matangos ang ilong, mapupula ang labi at nangungusap ang mga mata. Sino ba ang hindi mapapaisang tingin muli dito kung halos perpekto na ang lahat sa kanya. Ngunit may katangian siyang ayaw ng lahat. Iyon ay ang pagiging arogante at mayabang niya.
"Don't call me babe! Cause l don't know you!" muli ay singhal niya sa binata.
"I'm Francis! And you are?" mabilis na sagot naman ng binata.
Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa binata ngunit magaan ang loob niya dito kahit pa ang yabang ng dating nito.
"Francine." balewalang tugon niya sa kaharap.
"Looks like were meant to be!" saad ng lalake.
Hindi na lamang niya ito pinansin at pinagpatuloy ang pag-inom.
Muli ay mabilis na lumipas ang oras. Sa una ay hindi niya pinapansin ang kaharap dahil sa dalang kahanginan nito ngunit di nagtagal ay nakakwentuhan niya na din ang binata.
Hindi naman pala ito mayabang tulad ng inaasahan niya. Sadyang ganoon lamang ito magsalita.Inaya siya ng binata sa loob ng club. Napag-alaman niya na pagmamay-ari pala ng lalakeng ito ang club kung nasaan siya ngayon.
"Ano ba ang gagawin natin sa dito?" tanong ng dalaga sa binata.
"I'll show you something!" magiliw na sagot nito sa kanya.
May kinuha ito sa bandang kushna na tila isang maliit na radyo."At ano naman yan aber?"inis na saad niya sa binata.
"Do you believe in time machine?" tanong nito sa kanya.
"Teka, marami lang akong nainom ngunit hindi pa ako lasing. Pero ikaw, hindi kita nakita uminom ng alak ngunit tila mas lasing ka pa sakin ah! Hahaha" tawa ni Francine.
Hindi siya naniniwala sa kung ano mang sinasabi ng binata tungkol sa time machine. It was only for a child imagination para sa kanya.
"Hey! Don't laugh at me!" iritang tugon ng binata.
"I'm serious! Just answer my question!" dugtong pa nito.
"No. I don't believe in such things like that. Why do you even asking?" inis na tugon ng magandang dalaga."Do want to know who you really are right? Then this is the time!"
Hindi ma muling nagsalita pa ang dalaga bagkus ay pinagmasdan na lamang niya ang binata sa ginagawa nito. Pinindot ng lalake ang taon, buwan at araw kung kailan siya pinanganak. Nasabi na rin kasi ito sa lalake. Nasabi niya rito ang kanyang problema kaya naman nandito siya ngayon at kasama ito.
"August 16, 1989."Francis hold her hand like he don't want to loose her. And then by one snap they were on a similar place.
Tandang-tanda ni Francine kung nasaan sila ngayon. Ito ang ampunan kung saan siya lumaki, ang ampunan na itinuring siyang basura at walang kwenta.
"What are we doing here?"tanong niya sa binata.
"Wait and see!" sagot ng nakangiting binata.
Ilang minuto lang ang lumipas ay may nakita siyang di pangkaraniwang taong palapit sa ampunan. Nakasumbrero ito kaya natatakpan ang mukha nito. Hindi niya rin mawari kung lalake o babae ba ito. Basta ang malinaw lamang sa kanya ay may bitbit itong maliit na basket at may lamang sanggol. Hinalikan nito ang sanggol bago ito umalis.
Nang makaalis ang nag-iwan ng sanggol ay nilapitan nila ito. Hindi maipagkakailangsiya ito dahil sa pagkakahawig nila at sa pangalang nakaipit dito. "Francine!" ito ang nakasulat sa papel.
She wanted to cry. To cry aloud. She wanted to ask why by then, it's too damn late!
"Hey! That's okay! Let's go back."pag-aalo ni Francis.