"PAALAM"

11 2 2
                                    


-
Ako'y napangiti nang aking balikan,
Sa 'king ala-ala ang mga nagdaan
Kay sayang samahan at pagmamahalan,
Kahapong nagdaan na ayaw wakasan.
-
Subalit ngiti ko'y hanggang labi na lang;
Hindi na umabot sa mata ang kinang,
Kamay ay nanginig ng aking hawakan,
Isang kahong puno ng ating larawan.
-
Ang hawak na kahon ay agad binuksan,
Lahat ng larawan mo' aking hinagkan
Kasabay ng sa 'king mata na pagkinang;
Hatid nitong luhang nais na pigilan.
-
"Mahal na mahal ka, nais kong malaman mo,
Ikaw ay nag-iisa sa puso't isip ko,
Sa huling pintig man ay para lang sa 'yo,
Maging huling patak ng mga luha ko...    "
-
"Ayokong iwan ka, ayokong saktan ka;
Sana habambuhay, tayong magkasama,
Subalit hanggang dito na lang, hindi ko na kaya;
Sa sakit na taglay, hirap na hirap na...  "
-
"Aking inilihim, itong karamdaman,
Pagkat ikaw mahal, ay ayokong saktan,
Ang gusto ko mahal kung lumuha ka man,
Malamig kong bangkay ang 'yong tutunghayan..."
-
"Kung ang iyong mata'y matigmak ng luha,
Kung magdalamhati ka sa 'king pagkawala,
Panyo ko'y iiwan, mata mo'y punasan,
Matamis mong ngiti'y muli mong isilay..  "
-
Isipin mo na lang na tayo ay tulad ng gabi at araw,
'Di puwedeng magsama, 'di puwedeng magsabay,
Darating ang araw damdamin mo sa 'kin ay malilimutan,
At mayroong papalit sa iiwang puwang.."
-
"Paalam mahal ko, darating ang araw
Muli kang ngingiti, muling magmamahal,
Muli ring titibok puso mong sugatan,
Magiging masaya't itong abang lingkod ay malilimutan.."
-
"'Wag kang mag-alala, nandito lang ako;
Hindi ka iiwan, hindi ako lalayo,
Sa bawat pag-ihip ng hangin na dadampi sa balat mo,
Mahal ako iyon, yumayakap sa 'yo..."
-
"Sa gabing malamig, langit tingalain,
Hanapin mo iyong pinakamalaking bituin,
Isipin mong ako iyon, sa 'yo'y nakatingin
Na puno ng pag-ibig at puno ng lambing..."
-
Larawan at sulat, niyakap nang kay higpit,
Dahan-dahang mata ko ay ipinikit,
Mata ma'y luhaan, sa 'kin namang labi ngiti'y nakapagkit,
At huling hininga'y akin nang hinigit...
-
"PAALAM, MAHAL KO!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Paalam"Where stories live. Discover now