1Thing 2Say 3Words 4You... I Love You

431 5 4
                                    

Hello sa lahat ng readers. This is only a one shot story I made for the Valentines day. I hope you like it!

ELLE's POV

"Besh, 1 week na lang prom night na ah. What are your plans?" Paulit-ulit na lang na tanong sa akin ng bestfriend kong si Ada. Andito kami ngayon sa study area ng Santo Tomas de Aquinas Montessori Center. Breaktime kasi namin kaya naman tambay mode muna kami dito at nag-aaral para sa susunod na subject in case na may surprise quiz na naman sa Science mamaya.

"Wala" kibit balikat kong sabi habang nagbabasa ng lessons sa notebook ko.

"What do you mean by that? Huwag mong sabihin na hindi ka na talaga pupunta?" Malakas na sabi niya sabay sarado ng notebook na binabasa ko kaya naman napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Yes, what's wrong about it? Paulit-ulit besh? Isa pa wala nga akong hilig sa mga ganyan-ganyan." sabi ko sabay buklat ulit ng notebook na isinarado niya ulit.

"Adriana, stop it?" kunyaring naiinis na sabi ko. Ang kulet talaga, kutusan ko kaya ang babaing ito. Paulit-ulit niya na lang ako kinukulet sa pagpunta sa prom na yan eh. Sabi nang wala akong balak pumunta.

"Eh, besh naman. First prom kaya natin ito" nakapout pang sabi niya.

"So? Wala namang mawawala sa akin kung hindi ako aatend sa prom na yan" nakataas ang kilay na sabi ko.

"Oh come on besh, ayaw mo bang makumpleto ang highschool life mo? Puro aral na lang ginagawa mo eh. You are already the Valedictorian of our batch and that's for sure when we graduate next school year. Why don't you give yourself a chance to enjoy your teenage life. Isa pa, the prom is one of the unforgettable moments of highschool."

"Sus, wala akong pakialam sa mga moments na ganyan. Mahalaga sa akin ang moment na aakyat ako sa stage, tanggapin ang diploma ko para makapagcollege na ako at makatulong sa mga magulang ko na mapag-aral pa ang bunso kong kapatid" Tuloy-tuloy kong sagot sa kanya sabay buklat ulit ng notebook at nagbasa.

Yun naman talaga ang priority ko sa ngayon eh, ang makapagtapos na agad ng pag-aaral para matulungan ko sina mama at papa na mapag-aral si Raphael, ang bunso kong kapatid na 7 years ang tanda ko. Humabol pa kasi sina mama eh, ang buong akala nga nila eh nag-iisang anak lang ako. Pero hindi naman masama ang loob ko na nagkaroon ng kapatid, in fact sobrang saya ko nga nung ipinanganak siya. Mahal na mahal ko ang kapatid ko kaya naman handa akong tumulong na matupad lahat ng pangarap niya pagdating ng araw.

Hindi naman kasi kami mayaman, may kaya lang, average family kumbaga. Hindi tulad nitong sina besh at karamihan ng estudayante dito sa STAMC na mayayaman talaga. Though ginagawa naman nina papa at mama ang lahat para ibigay sa amin ang lahat. Maganda din naman ang trabaho ng parents ko, Dean si mama sa isang private academy dito sa lugar namin habang si papa naman ay isa sa pinakamagaling na architect sa company nina besh. Kaya lang naman ako patuloy na nakakapag-aral dito dahil sa scholarship na binigay ng school na 'to sa akin. Isa kasi sa requirements dito maliban sa dapat eh magaling kang estudyante dito eh dapat, million million ang stock market value ng pamilya niyo. Pero kahit na scholar lang ako dito, hindi nila ako kayang api-apihin bukod sa ako ang ipinagmamalaki ng school na ito pagdating sa academics. Kaya kahit di kami kasing yaman nila, hindi nila ako puwedeng ibully ng ganun-ganun lang.

"Sige na besh, please. Pretty please. Pumunta ka na. Sige na." puppy eyes pang sabi ni besh. Napakakulet talaga, malapit na nga akong marindi sa pamimilit niya since last week pa.

"Capital letter N and O, big NO." madiin na sabi ko.

"Eehhh, besh naman eh. Sige na naman oh. Kasama mo naman ako eh" dagdag pang sabi niya.

1Thing 2Say 3Words 4You... I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon