Mikaela's POV
Nagising ako dahil sa tunog ng nababasag na plato. Nag-aaway nanaman siguro si Mama at Kuya tss. Bumangon na ako at nagsipilyo pagtapos ay naligo at inayos ko na ang sarili ko. Bumaba na ako para kumain ng almusal nadatnan ko si Kuya na nakahiga sa sofa sa sala. Champorado ang inihanda ni Mama. Mas masarap magluto si Lola kesa kay Mama, kaso wala na si Lola kinuha na eh. Pagtapos ko kumain ay pumasok na ako sa paaralan.
Sinalubong agad ako nila Crizzle at Rhea. Bestfriends ko sila.
"Hi Bibehs hahaha" masayang bati ko.
"Oy hahaha. Nakita mo na ba yung We Don't Talk Anymore ni Jungkook?" tanong ni Crizzle. Yes, Kpop fan Certified A.R.M.Y. Kaso wala pa akong napupuntahan na kahit anong concerts pero may posters naman ako sa bahay bigay ni Des.
"Oo ngaaa. Ang husky ng boses niya tanginaaaa." pasigaw na sabi ko kaya napalingon sila sakin. Nagpeace sign nalang ako.
"Oh ano na? Nabasa mo na yung AIWAG?" tanong naman ni Rhea. Wattpad Adict.
"Hindi pa eh. Kailangan kong mag part time job para sa baon ko. Alam mo naman si Mama puro kagaguhan ni kuya ang inaatupag." sabi ko. Totoo naman eh, puro nalang si kuya. Lahat ng kasalanan niya ako sumasalo ng consequence.
"Si Ate Lanie talaga. Oh siya halika na late na tayo sa flag." at sabay sabay kaming naglakad papuntang gym.
Nagflag na kami at pumunta na sa Classroom.
Pagdating sa classroom sinalubong agad kami ng Tres Marias. Si Jing, Christine at Crystal.
"Well well well. Andito na yung dalawang malandi at isang poor girl." sabi ni Jing. Tangina neto babasagan ko ng muka to.
"Oo nga yung malalandi at mahirap na babae" ani ni christine. Teka inulit niya lang yung sinabi ni Jing ah, hahahaha.
"Pabo, inulit mo lang" sabi ni crystal sabay batok kay christine.
"Malandi lang kami. Kayo ubod ng landi." sabi ni Rhea.
"Oo nga mga ulul."sabi naman ni Crizzle.
At sabay sila umalis at naiwan ako sa harap ng tres marias.
"Ano daw? Malandi na nga ulul pa, whaw 2in1 pala bawat isa sainyo." sabi ko at umalis na.
"ARGH!! I HATE YOU ALL." rinig kong sigaw ni Jing... Hanggang yaman lang naman yang mga yan. Mga walang utak.
Tumahimik ang lahat ng pumasok na ang teacher at nag discuss.
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
OKAY UWIAN NA.. Nagpaalam na ako kila Crizzle at Rhea na aalis na ako para sa part time job ko kaya nauna na ako. Dumeretso ako sa Pedrito's para mag waiter. Masyadong madaming customer ngayon kaya mahaba-habang pag tratrabaho din toh. Mapapagod nanaman ako haahaha.
Nung nagsisi-alisan na yung mga customer nagpaalam na ako na aalis na para umuwi. Habang naglalakad ako naririnig ko ang mga cicadas tumingin ako sa taas ng puno.
"How did they survive without becoming extinct?" sabi ko sa sarili ko. At naglakad na pauwi.
Pagkauwi ko nadatnan ko si mama na nasa sala at may kausap sa cellphone. Di ko nalang pinansin at dumiretso na ako sa kwarto, pero bago pa man ako makahakbang tinawag ako ni mama.
"Mika.." tawag ni mama.
Humarap ako sakanya "Hmm?"
"Tumawag kasi sakin si Lola Cora yung kaibigan ni Nanay. Meron daw iniwang letra ang lola mo sakanya. Pinapapunta ka niya sa Manila upang magtrabaho sa mansion nila." seryosong sambit ni mama.
"Okay." sabi ko na lang. Ano pa bang sasabihin ko? tatanggi pa ba ako? Eh kung umayaw naman ako pipilitin lang din naman ako ni mama. Pera yan eh tss.
"Bukas na ang luwas mo. Pwede kang lumabas ngayon para magpaalam sa kaibigan mo." Tss
"Mamamatay na ba ako?" sabi ko "Pwede ko silang tawagan nalang kesa makikipagkita pa." patuloy ko at dumiretso na sa kwarto. At tinawagan si Crizzle.
"Zle"
("oh?")
"Ahm aalis kasi ako bukas papuntang maynila magtratrabaho kasi ako naiintindihan mo naman diba?"
("What? Agad agad? Atat naman masyado yang pagtratrabahuan mo.")
"Oo nga eh."
("Pano na yung school mo?")
"Ewan ko din eh"
("Ingat ka dun ah. Wag magpapalipas ng gutom. Ako nalang magsasabi kay Rhea oa pa naman yon.")
"Opo nanay HAHAHA. Ingat din kayo ni Rhea. Oh siya bye na mag-iimpake na ako haha tama na drama."
At inend ko na yung call. Ano naman kayang bagong pagsubok ang mangyayari sakin bukas?
--------------------------------
Yan na po yung chapter one. Di ako makaisip ng plot kaya di ko muna nilagyan ng summarize o kung ano ano yung description.

YOU ARE READING
Miserable Life
Teen FictionJust read it. Wala pa akong plot eh, paiba-iba asa isp ko