❤167

263 4 0
                                    

Dear Someone,
       Masaya ako tuwing nakikita kita. Pero minsan,hindi ko lang talaga magawang di maisip na hindi tayo nakatadhana para sa isa't isa. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako parating nagaalala para sayo gayung wala ka namang pakialam sa akin. Wala namang kaso sayo kung isang araw bigla na lang akong mawala dito sa mundo. Baka nga kung mangyari iyon ay mabuhay ka pa rin ng normal at di man lang napansin na wala na pala ako kung wala pang magsasabi sayo. Baka nga di ka manlang malungkot o di mo rin ako mamimiss,baka nga maging masaya ka pa na wala ako.
       Alam mo,ilang beses ko nang iniisip to. Minsan,sa mga galaw mo,hindi ko mapigolang maisip na baka nga totoo tong mga to. Paano kaya kung mamatay na ko? Ano kayang gagawin mo? Siguro sasabihin mo lang 'Ahh ok,'. Siguro yun langang comment mo. Di mo man lang ako maaalala. Tuwing nagkakahiwalay kaya tayo naiisip mo man lang ako? Pagod na pagod na ko na ako na lang parati yung nag-aalala sa isang taong halos wala namang pakialam sa akin. Pagod na pahod na kong ako na lang parati yung nagbibigay. Minsan siguro kailangan ko ring mafamdaman ang tunay na pagmamahal,hindi yung pangmadalian lang. Siguro kailngan ko ng magpahinga.

Gumagalang,
Samantha

Tagalog/English Hugot QuotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon