Iba ang pagmamahal ng mommy...
Iba ang pagmamahal ng IBANG tao..
Pero ang mommy, iba sila. Simula nung bata ka pa, pinapalitan na nila yung lampin mo, dis-oras ng gabi nagtitimpla ng gatas mo, at ibinibigay lahat ng gusto mo, hanggang ngayon. Pero bakit mo inaabuso at sinasagot-sagot ang mommy mo ngayon??
TEKA NGA.
----------------------------------888888888-----------------------------------------------
Ginising ka niya ng maaga, kasi, papasok ka na sa eskwela. Nakahanda na lahat ng dadalhin mo, kakainin mo at ang maligamgam na tubig ay naandun na din. Ngunit.. sinagawan mo pa ang nanay mo, na inihanda lahat ng ito....
"OO NA! ETO NA OH! BABANGON NA! LANGYA!" tapos nagdabog ka pa palabas ng kwarto. Akala mo ba para sa kanila yun at piniperwisyo ka sa tulog mo? Sa tingin mo, binubulyawan ka na naman? Ang nanay mo, sumunod na lang sa'yo at inihanda na ang susuotin mong uniporme. Isipin mo nga... WAG KANG TATANGGI KASI GINAGAWA MO YAN.
Kumakain ka na sa hapag .. para pumasok na. Kinakausap ka ng nanay mo. Ngunit di ka sumasagot. Tinitingnan mo lang siya at iismidan. Dahil nga sa :bad mood: ka.
Paalis ka na sa bahay, hinalikan ka ng nanay mo sa pisngi pero di mo siya ginantihan ng anuman. Ang nanay mo sa totoo lang ay NASASAKTAN na. Pero ayaw niyang ipakita kasi, baka sigawan mo lang siya na magdradrama siya.
Araw-araw, ganun ang eksena niyo, NAWALA NA ANG GALANG MO SA NANAY MO.
Hanggang sa tumanda na siya, at nagkatrabaho ka na.
"Anak... maari bang ipagtimpla mo ako ng kape?"
BUSY ka at tinatype mo ang report mo para bukas. Ayaw mong maistorbo.
"Pwede ba ma ikaw nalang? Busy ako eh." nagkamot ka pa ng ulo mo.
Isipin mo...
ANG NANAY MO AY NAGHAHANAP LANG NG KAUNTING LAMBING PERO DI MO PA NAGAWA. NI MUNTING HILING LANG DI MO NAPAGBIGYAN.
SAMANTALANG NOON, IYAK KA NG IYAK KASI UBOS NA YUNG GATAS MO, PUNO NA ANG DIAPER MO.
Pero ngayon.. simpleng patimpla ng kape di mo pa napagbigyan?
Ni minsan.. di mo pa nasabi na , "Ma, i love u."
Gustung-gustong marinig ng mama mo yun, mula nung bata ka hanggang ngayon.
Pagkauwi mo galing sa trabaho.....
Nakahiga ang nanay mo sa sofa. Nagtaka ka, aba'y gabi na.
Di mo nalang siya pinansin, at umakyat ka na sa kwarto.
Pagkaumaga, nakita mo siyang naghahanda ng umagahan.....................
Nakasanayan mo na nga siyang makitang nag-hahanda ng kakainin.
Di ka nag good morning.
Dire-diretso ka nalang sa pag kain ng Inihanda niya.
Pagbalik mo galing sa kwarto...
May nakita kang note sa ref.
Anak,
Maraming salamat dahil sa tanang buhay ko ako'y iyong sinamahan. Kahit na naging ganun ka, anak masaya ako kasi nakita kong may maayos ka na na trabaho. At siguro kaya mo na naman ang sarili mo.... Sorry anak ha... di ko na maplaplantsa ang damit mo.. di nako makapaghahanda ng umagahan... di ko na mapagtitimpla ng tsaa ang anak ko... Ganito talaga anak eh, matanda na ako, at natupad ko na ang sinumpaan ko bilang magulang mo. Anak, mahal na mahal kita.
Agad mo siyang hinanap.....
Nakita mo siya sa kwarto niyang.. nakahiga.
Nilapitan mo siya...
At di mo alam na tumulo na pala ang mga luha mo.
NGAYON.
Habang buhay pa siya....
Iparamdam mong natatangi siya...........................
N a siya ang inang HINDI mapapalitan...
Gusto mo bang mangayare ang nasa storya?
Kaya... lagi mong tatandaan, ang ina. HINDI KAILANMAN MAPAPALITAN. IISA LANG SILA.
Pagsilbihan mo siya..........
Ipagtimpla mo siya ng kape.......................................................
Ipaghain mo siya ng almusal..........................................................
Sabihin mo sa kanyang ...
"MAHAL KITA, MAMA."
Dahil..... yang mga katagang yan... Di mo na masasabi... PAG SIYA'Y WALA NA.
Hindi sila magtatagal, tinutupad pa nila ang misyon nila sa buhay na... pasayahin kayo.
-END-
Tahnks for reading po! Always love your mommies ha!!!!
-Abby-