A Photographer's Story

27 0 0
                                    

Enjoy reading!

"Raze! Tara na dito, mags-start na 'yung kasal!"

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa simbahang paggaganapan ng kasal.

"Doon ang pwesto mo." sabi sakin kaya agad akong nagpunta doon. Ako ang magpipicture sa entourage.

Hanggang sa paisa isa na silang pumapasok. Mula sa flower girls, coin bearer, ring bearer, bible bearer, hanggang sa mga abay. Maganda ang lighting at ang pagkakaayos ng carpet kaya naman magaganda ang kuha. Magaganda at gwapo rin ang mga mukha kaya naman hindi ako nahirapan.

"Hello, Kuya Paul. Hehehe." bati sakin ng isang flower girl na kakilala ko. Nginitian ko naman siya at nagpatuloy kumuha ng mga litrato. Lahat ay halatang masaya. Lahat halatang pinagplanuhan ang kasal na 'to na para bang mga dyosa sila sa araw na 'to.

At ang pinakahihintay ng lahat.

Ang bride. Ang pinakamaganda sa lahat ng babae rito. Ang may pinakamagandang damit. Ang may pinakamagandang ayos.

Ang pinakamagandang babae sa buhay ko.

Sinigurado kong lahat ng kuha niya ay magaganda. Dinamihan ko rin. Hindi lang para sa photo album niya. Pero para rin saakin. Palapit na siya ng palapit sakin.

At nang magkatapat na kami ay ngumiti siya ng matamis saakin. Ako naman, nagbow, gesture of respect. At nagpatuloy na siya sa paglalakad. Ang ganda ng gown niya. Ang haba at magarbo. Kinuhanan ko rin ito ng litrato. Back view. Ang ganda.

"Paul, stolen shots naman ng mga bisita ang kuhanan mo." Napatigil ako sa pagtitig sa babae at sumunod sa superior.

Nagsimula ako sa unahan, ang daming pumunta kaya per spot lang ang kinukuhanan ko. Habang titig na titig sila sa kinakasal ay siya namang unti-unting pagkadurog ng puso ko.

Nagfocus nalang sa pagkukuha ng litrato. Halos lahat ng narito ay kakilala ko. Sa isang iglap ay biglang may kamay na pumatong sa balikat ko.

"Paul," si Mike. Ang kasamahan ko. "Suicide to, pre. Break ka muna?" tanong niya pero umiling ako at nagpatuloy sa pagkuha ng litrato.

"Sigurado ka? Okay ka lang?" Tanong niya kaya tumango ako. "Ge pre, doon muna ako." Tinapik niya pa muli ang balikat ko bago tuluyang umalis.

Ilang sandali pa ay naikot ko na lahat ng spot. "Paul?" Napako ako sa kinatatayuan ko nang tinawag ako ng isang pamilyar na boses. "James." Bati ko rito.

"Buti pumunta ka--wait-- camera?" Nagpabalik balik ang tingin niya sakin, sa camera ko, at sa suot ko. "Ikaw ang photographer?!" mahina niyang sigaw sakin. oo sigaw na mahina.

"Oo. Bakit? Anong problema?" Nakayukong saad ko. "Masokista ka talaga. At gamit mo pa yung camera na regalo ng bride ah?" Napailing iling siya sakin at umalis na. Ano bang masama kung ako ang photographer sa kasal na to?

Nang makuntento na ako sa mga picture ay isa isa ko itong tinignan.

"Hoy, nababasa na camera mo." Agad kong pinunasan ang mata ko. Di ko napansin na umiiyak na pala ako. "Hay, Paul, sige na, ipasa mo nalang sakin lahat ng picture at magpahinga ka na." Tumango ako sa sinabing yon.

Nagpalit din ako ng tshirt.

"Salamat po, Sir Cj." Nagbow ako dito at sumakay na sa koste ko. Pinaandar ko na ito nang may kumatok sa bintana ko. Yung batang bumati sakin kanina. Bumaba ako at hinarap siya.

"Hello, Baby Amie." Ngiti ko dito ngunit bigla niya akong niyakap. "Aalis ka na, Kuya Paul?" Tanong nito.

"Opo. May pupuntahan pa si Kuya Paul." Lumunok ako at pinigil ang luha ko.

A Photographer's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon