"F(X)! F(X)! F(X)!""Annyeong haseyo. F(X) imnida!" - sabay sabi ng nag-gagandahang babae.
Napangiti na lamang ang lalaki sa nakikita niya sa telebisyon.
"Malaki na ang pinagbago mo, Soojung." - sabi niya at napangiti.
"Sobrang sikat mo na ngayon at parang successful mo na sa buhay. Hayy." - sabi niya ulit at muling finocus ang tingin sa tahimik na si Soojung o si Krystal Jung na kung kilalanin ng nakakarami.
Aaminin ni Kevin sa kanyang sarili na sobrang nagsisisi siya na hindi niya pinansin si Krystal. Pero sobrang saya at proud siya sa anumang narating na ngayon ng dalaga.
In-off muna niya ang tv at nagtungo sa kwarto. Napansin ni Kevin ang isang box na kung saan medyo ay maalikabok na at nakatago dito ang mga sulat na pinapadala ni Krystal sa kanya noon.
Anonymous
Kung di lang siya naging torpe, napadala din sana niya ang mga sulat para sa babae. Napatawa na lamang siya ng mahina dahil parehas sila ng pangalan na ginamit.
Patayo na sana siya sa kanyamg kama nang matandaan na meron pa pala siyang gagawin at siguradong huli na rin niyang gagawin.
Krystal Jung POV
"Good job everyone! Let's pack our things!"
Sabi ng manager namin at kanya-kanya kaming lakad papunta ng kwarto namin para magbihis. Kakaupo ko lamang sa silya doon nang tinawag ako ni Victoria eonnie.
"Yah Soojung-ah! Maraming chocolates, flowers, letters na naman para sayo oh. Naku grabe ah." sabi ni Vic eonnie sa akin. Nagsmile naman ako at kinuha iyon.
Napangiti na lamang ako. Grabe, di ko inaasahan na magiging sikat kami. Thank you Lord!
Kinuha ko yung mga letters at binasa isa-isa. Alam kong marami to, pero at least, ito yung way na magpasalamat ako sa kanila.
Habang binabasa isa-isa, merong isang sulat na nakapansin sa akin.
Anonymous
"Diba, ito yung ginamit ko na pangalan nung sinusulatan ko pa si Kevin? Ibig sabihin.."
Dali-dali kong binuksan yung sulat at sinimulang basahin.
Dear Anonymous,
Hi. Nakikilala mo pa ba ako? Ito nga pala si Kevin, yung sinusulatan mo noon. Hahaha. Alam kong di mo na ako masyadong makikilala kasi sikat ka ngayon. Nga pala, kamusta ka na? Alam ko rin na hindi madali yang ginagawa mo. Tingnan mo yung sarili mo, ang payat mo na. Sana kumakain ka pa at nakakapagpahinga. Gusto ko lang sabihin na sobrang proud ako sayo kasi naabot mo na yung pangarap mo. Hinahangaan ka na nang maraming tao.
Sorry Soojung kung di kita pinansin noon. Alam kong nageexist ka at classmate kita sa English 1. Hahaha. Takot lang naman akong snobin mo ko or what. Sayang naman yung kagwapuhan ko kung iisnobin mo lang. Lol
Actually, ikaw yung gusto ko noon pa. Nabigla ka no? Hahaha. Sino namang tao ang di makakapansin sayo? Maganda ka at magaling kumanta. Nakakaturn-on kaya yun. Tsaka alam mo ba, nasa sa akin pa rin yung mga letters na pinapadala mo sa akin noon. Inipon ko siya at inalagay sa isang box. Meron din akong mga sulat para sayo pero di ko binibigay sayo. Di ko nga inaasahan na parehas tayo ng codename. Akalain mo yun? Tsaka tinago ko talaga yung mga sulat mo dahil gusto kong inggitin yung mga fanboys mo. ;)
Tinupad ko yung hiling mo na maging ME.U. Tsaka, Krystal-biased na din ako. Kahit na magalit yung girlfriend ko sa akin. Oo, meron na akong girlfriend, si Cathlyn at going to be 1 year na kami. Ikaw? Meron ka na bang boyfriend? For sure meron na. Hahaha. Pero wag muna ha? Magkakaworld-war infinite ang fandom.
Sige, hanggang dito na muna Soojung. Magiingat ka palagi. Kumain ka ng marami. Magpahinga o matulog ka kahit ilang minuto lang. Ikamusta mo din ako sa mga ka-grupo mo tsaka kay Victoria. Ang ganda din kasi niya at bias-wrecker ko din siya. Hehehe. Sige na. Bye!
Anonymous
(Kevin Lee)End
BINABASA MO ANG
ANONYMOUS
Short StoryHi. I'm Jung Soojung. Your anonymous sender. Inspired to Love, Seokjin by blueseom.