"Babaita, bangon na!" sigaw ni Agatha at pinalo-palo pa ako ng unan.
"Ano ba kay aga aga pa" nagtalukbong ako ng kumot at nagbalak ulit matulog psh panira ng tulog 'to bwiset
"Aga ka dyan haha gaga ka ba 7:30 na ati girl, 8 diba first class mo?" ay sht anong oras na pala hzbskzahvsvs first day pa naman balita ko strict yung unang prof namin sht talaga
"Hindi mo ko agad ginising nakakainis ka" kumaripas ako ng takbo at dumiretso na sa banyo para maligo
After ko makapag ayos or should I say magbihis nalang kasi hindi pa ko nakakapag-ayos sumakay na agad ako sa kotse at nagpadrive na kami papuntang school. Doon nalang ako mag susuklay at mag aayos tutal wala naman akong pinagpapagandahan unless may gwapo don
"Go takbo Heart! Takbo!" sigaw ni Agatha
Pagkababa palang namin sa sasakyan at pagkatungtong palang namin sa University kumaripas na agad ako ng takbo. Bwiset 4th floor pa yung room ko*blag*
"Aray ko" bulong ko nang magtumba ako at lumanding sa sahig
Wow Heart kung minamalas ka nga naman. Nagpulot ako ng mga gamit kong nahulog at tinulungan ako ng lalaking nakabunggo sakin"Here oh" Abot nito sakin. "And sorry nga pala" dagdag pa nito
"Ah, oo sige okay lang nagmamadali ako bye ty!" kunuha ko sakanya yung ibang gamit ko at dumeretso na sa room. In fairness gwapo si kuya
Pagdating ko doon mukang hindi pa kumpleto ang mga estudyante at wala pa yung prof ko. Hays sayang effort sa pagtakbo, Heart.
"Uy, wala bang klase?" rinig kong sabi ng isa kong kaklase na kakapasok lang sa pinto, hindi ko sya nakita feel ko lang hahaha
"Hoy Art! May balak ka pa palang magpakita no" Lumapit sakanya Riel at nakipag apir, seems like mag kaibigan sila. Ohh Art pala pangalan nya.
Hindi ko alam kung bakit, pero his name is kinda familiar. Ughh nevermind.
---
Weeks passed by at ang dami dami na naming kailangan gawin. Sheez ayoko na!!
"Hey Heart!" may bigla nalang umakbay sakin na lalaki at sa gulat ko, tinanggal ko ito at pinlipit hanggang mapaupo nalang sya sa sakit
"Aray, tama na Heart masakit" hawak nya sa braso nya at mukang nasaktan talaga sya.
Malay ko bang si Art lang yon, mamaya manyakis yon o kaya holdaper, rapist o kidnapper. Diba mabuti nang ready
"Uhh sorry. Ikaw kasi bigla ka nalang susulpot tapos aakbay pa" tinulungan ko syang makatayo
"Hindi okay lang hehe sorry din" at inakbayan na nya ulit ako. Hindi ko na tinanggal
hehe ang bango nya promise!!
Naging close kami ni Art simula non. I think 5 months na kaming magkaibigan. Palagi kaming sabay kumakain minsan din hinahatid nya ko pauwi. Pinagseselosan na nga sya ni Agatha eh hahaha gaga talaga yon.
"Puso!" tawag sakin ni Art, hindi ako lumingon dahil hindi ko pa tapos yung drawing ko konti nalang.
"Atay! Balunbalunan!" Pangungulit pa nito. Teka lang busy ako. Wait lang
"Huy!" Bigla syang sumulpot sa gilid ko kaya nagulo yung drawing
"Ano ba Art?! Matatapos na ko eh" inis na sabi ko sakanya at nilipat ang sketch pad ko sa panibagong page
"Sorry na, ikaw kasi ayaw mo humarap sakin" malambing na sabi nito sakin.
Hindi ko alam pero napako ang tingin ko sakanya. Mamememorize ko na ang perfect feature nya. Yung maputi nyang balat, yung mata nyang palaging naka ngiti, yung eye lashes nyang mas maganda pa sa eye lashes ko, his pointed nose and pinkish lips ughh why Art why