Eskwela na naman
Nakakatawa talaga si kuya. Hindi pa ako maka-moved on sa sinabi niya na ipinunas niya raw yung atay na galing sa ngala ngala niya kay Doktora dentista kahit sino pa siya.
Nainis din pala siya,
"Kuya! tatay alis na po ako" papasok na naman dahil lunes na naman kasi.
Naglalakad ako nang bigla ko maramdaman yung pagkulo ng tiyan ko. Badtrip naman talaga o, ngayon pa?
Ayoko nang bumalik pa sa bahay dahil ang layo ko na kasi at nawawala wala rin naman yung sakit. Baka kabag lang.
Pagdating ko, nakita ko agad yung kaibigan ko'ng si Fe.
"Miaca!" tawag niya sa akin.
Ang ingay talaga neto, nag-tinginan tuloy sa akin lahat ng Estudyante.
"Bunganga mo naman!" sigaw ko pabalik sa kanya.
"Ayan na si kadiri" rinig ko'ng sabi ng isang lalake sa likod ko.
Humarap ako sa kanya,
"Wow! Nakakahiya naman sa'yo, nakakahiya naman sa ugali mo'ng mas nakakadiri pa sa dumi ng kabayo" ayan nga-nga siya.
Tumatalon talon pa'ng lumapit si Fe sa akin.
"Ano ka rabbit?" tanong ko.
"Kinausap ako ni Crush" bulong niya sa akin.
Tinuro niya sa akin yung lalakeng mayabang na parang hanging Habagat.
"Fe yung assignment pakigawa" sabi ni Hangin.
Tumawa na parang mangkukulam si fe at inabot naman ni hangib yung notebook niya.
Tanga lang talaga nito ni Fe.
"Hoy!" lumapit ako sa kanila.
"Bakit Kadiri?" sabi ni Habagat.
"Maka-Kadiri ka wagas ah! Tanggalin mo muna yung muta mo dahil halatang 'di ka naghilamos," tugon ko.
"Lakas mo, lakas ng dating mala bagyo." dagdag ko pa.
Kinuha ko yung notebook sa kamay ni Fe at ibinigay ko kay Habagat.
"O dalhin mo na ito. Doon ka manalasa sa dagat at sapat na ang hangin dito,"
Habang pabalik kami sa room ay nakasimangot si Fe. Reklamo ng reklamo na kesyo sinisira ko raw ang love life niya, ang moment nila.
"Alam mo? Nakakapagtaka talaga. Paano'ng napasama ka sa top?" matali-talino din kasi yan si fe pero, tanga nga lang pagdating sa lalake.
Pagkadating sa Room,
"Aray! Sumasakit na naman yung tiyan ko""Hala lagot," ani Fe.
Umupo agad ako. Grabe na talaga.
Hanggang sa...
"Yuck! Ang baho!"
"May umutot,"
"Sabi ko sa'yo wag mo gagamitin yung pabango mo na yan diba?" nagtuturuan na sila.
Dumating yung Teacher namin pero, lumabas din agad habang nakatakip ang ilong. Hindi niya kinaya.
"Pasensiya na, masakit yung tiyan ko," Halatang nagulat silang lahat. Buti nga umamin ako nu. Tumayo ako at hinila palabas si fe.
"Saan tayo pupunta?" aniya
"Sa clinic, manghihingi ng gamot" sagot ko.
Pagkarating sa Clinic ay sinabi ko kay nurse yung gamot,
"Loperamide po nurse" habang nakahawak ako sa tiyan ko.
"Bakit watak watak ba?" sabi niya.
"Opo, hindi sila magkaisa,"
Agad naman ako'ng binigyan at Ininom ko na rin duon.
Nagtagal kami ng kaunti at hinintay na umpekto yung gamot.
Isang minuto lang, ayun nawala na yung hilab.
"Ano ba kasing kinain mo?" tanong ni fe.
"Wala, ay yung Ube na inuwi ni kuya" sabi ko. Hindi kaya panis na yun? hindi ko naman napansin.
Pagkabalik namin ng kuwarto ayun, nagtatawanan na naman yung nga kaklase ko at pinupukol ako ng nakakainis na tingin.
"Takpan niyo yung ilong niyo," sabi nung isang lalakeng maitim.
"Hoy! Ikaw, bakit kaya 'di muna pagtanggal sa libag mo sa katawan ang unahin mo?" sabi ko. Pinagtawanan tuloy siya ng tropa niya. Buti nga sa'yo
Hindi na ako tinanong ng Teacher namin dahil mukhang alam niya na siguro.
"Ano'ng kurso ba ang kukunin niyo sa kolehiyo?" ani Ma'am.
"Criminology/Conservatory of Music/Computer Science/Accounting/Education/Tourism/Midwifery/Engineer/HRM" naku sabay sabay silang nagsasalita.
"Sige sige sige pasok sa eskuwela at balang araw makikita niyo, pagkatapos ng inyong pag-aaral hindi kayo makakahanap ng trabaho" Tumingin silang lahat. kumanta lang naman ako masama ba?
"Palibhasa hindi na siya makakapag-kolehiyo" sabi nung magiging kriminal na lalake.
"Ikaw Miaca? ano ang kukunin mo?' tanong ni Ma'am.
"Wala na, hanggang highschool lang ang suporta sa kanya ng mayamang matanda" sabi naman nung future dota player.
"Nursing po" sagot ko.
Nagtawanan sila "Hala bawal ang baboy dun!"
"Kung Baboy ako, bastos ka naman!" sigaw ko.
Puro awat nalang si Ma'am. Masasama talaga ang ugali ng mga naging kaklase ko ngayon. Para nga kaming nasa Jurassic Park sa ingay e.
Nang mag Recess na kami,
"Alam mo maganda ka miaca kung mag-asal babae ka lang, baka ligawan kita" napatingin ako sa likod ko.Si Meynard pala. kabilang section siya na parang pang einstein ang utak.
"Yiee" asar ng mga kaibigan niya.
"Sus, kuwento mo sa pagong," sagot ko.
Dumiretso na kami sa Canteen. May baon akong tinapay. Yun na lang ang kakainin ko duon.
"Uy sayang yung meynard, pakababae ka na,"
Kinunutan ko ng kilay si Fe."Ano siya? babaguhin ko sarili ko para sa kanya? sineswerte ba siya"
"Wow ha," yun lang ang natugon ni Fe.
BINABASA MO ANG
Miaca Dear [On Hold]
HumorMaganda at mabait daw siya Wala daw siyang kaarte arte, Siya ang magpapawala nang gana niyo sa pagkain..