Date Started:
Saturday, November 06, 2010
4:22:15 pm
May mga bagay na masakit mang isipin, pero kailangan nating tanggapin.
Tulad na lamang ng katotohanang “Ang lahat ng bagay ay may kanya kanyang hangganan”.
Maging ang PAG-IBIG.. mayroon ding hangganan.
PAG-IBIG ng dalawang tao…
haixt …
Ako po si Mylene, 16 years old, taga Quezon City.
Mataba ako, di kagandahan, maliit, masiyahin, palakaibigan, masayang kasama, makulit, medyo matalino daw, mabait daw, may pagkapasaway, pero mapagmahal.
Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang aking LOVE STORY… w/ my first love syempre. Kung paano ko siya nakilala, kung paano naging kami, at kung paano natapos ang lahat.
Si Niel, ang first love ko, at first boyfriend. 15 years old, dating taga Caloocan, pero ngayon ay nasa Alabang.
(Take note: Lahat ito nangyari sa TEXT)
(Saturday, March 6, 2010—between 1:00-2:00 pm)
Ipinakita sa akin ni Ate Lyn ang isang group picture, pero natuon ang pansin ko dun sa lalaking nasa dulo, sa right side ng picture, naka-blue na T-shirt at naka maong pants. Si Niel.
Na-love at first sight yata ako sa kanya. Hindi pala yata. Na-love at first sight pala talaga ako sa kanya. At dahil nga na-love at first sight ako, hindi po ako nakuntento sa pagtitig lang sa mukha niya dun sa picture, kinuhaan ko pa, gamit ang cellphone kong Cherry Mobile na S11 ang unit… sosyal!!!.
Tapos, umuwi na ako nun sa bahay namin, kasi may tumawag nun sakin.
(Saturday, March 6, 2010—between 6:00-7:00 ng gabi)
Tumambay ako ulit sa tapat ng bahay nina Ate Lyn, talo kami nun, ako, si Ate, at ang bastfriend ko, si Yna. Sa sobrang boring ng mga ka-text ko nung gabing yun, naghingi ako ng katextmate kay Ate Lyn, at sabi ko hihingin ko yung number nung Raniel. Ayun! binigay naman niya.
At dahil wala ako sa katinuan nang gabing iyon ay naglakas-loob akong mag-GM ng “I Love You”. Siyempre pinadaanan ko rin si Niel. Madaming nagreply na “I Love You Too”, pero si Niel… wala!. Wala kasi yata siyang load nung mga oras na ‘yun.
(Saturday, March 6,2010—between 10:00-11:00 pm)
Tumunog ang cellphone ko,… MAY NAGTEXT!. [_raniel lozares]… reply niya dun sa “I Love You” ko ay “Hu u?”..(tama nga naman! Hindi nga naman kami magkakilala nung time na ‘yun).
Siyempre, ang babaeng na-love at first sight ay nagreply. Nagpakilala ako nun sa kanya pero hindi ko pa sinabi na si Neta ang nagbigay ng number niya sa akin. Tapos nun text text, hanggang mga quarter to 12:00 siguro.
Kinabukasan
(Sunday, March 7, 2010—mga 8:00 am)
Nag-gm siya! pinadaanan ako!. At ako, nagreply din kaagad ng GOODMORNING.. Kahit gm lang niya yun, tinanong ko pa kung anong ginagawa niya(feeling close). Sabi niya, soundtrip lang daw, boring daw kasi, wala siayng kasama sa bahay nila.
Tapos, text text na naman, halos naging araw-araw na, gabi-gabi, kahit nasagad na naming lahat ng topic, hala sige! text pa rin ng text.
Eto na!
(Wednesday, April 28, 2010—between 7:00-8:00 pm)
Siyempre! Ano pa nga ba? Magkatext kami! Nung gabing ‘yon tinanong ko siya!! If he can be my bestfriend. Nung una ayaw niya, kasi ang bestfriends daw ay para lang sa magkapwa babae, at magkapwa lalaki. Sabi ko naman, “Hindi naman lahat eh!” ayun, pumayag din siya.