Dear Yod,Hi nga pala, Yod. Ako nga pala ang iyong secret stalker. Oo, stalker mo ako Yod. Stalker lang naman eh! Wag kang mag-isip ng masama at wag kang judgemental kasi hindi ka naman judge, Yod. Okay?
Ikaw si Yod. Alam ko naman ang totoong pangalan mo pero bibigyan kita ng palayaw mo dito, Yod. Alam mo ba kung bakit Yod? Hindi? Ako rin hindi ko alam. Hahaha
Sino kayo? Bakit kayo nag-aaway away sa bahay ko? Charaught!!! Hahaha gume-greatest love eh no.
Basta Yod, oh sige. Sisimulan ko na ha?
Yod, ikaw ang crush ko pero isang lihim lamang iyun. Sa pagkalihim ko ay may nakaalam na dalawang tao pero good to know na hindi nila ito mababasa. Dahil baka malaman nilang crush na crush kita at isumbong pa sayo.
Naisipan ko lang na dito isulat at ipahayag ang feelings ko sayo, wala eh! Wala naman akong magagawa kundu gustuhin ka ng palihim.
Alam mo ba na minsan nagsasabay tayo ng uwi? Oo, nagsasabay tayo nun. Pansin mo nga kasi tumitingin ka pa sa akin nun eh, pero alam ko namang hanggang tingin ka lang at wala ka nang pake-alam. Ganun naman 'yun diba, Yod?
Pangatlo? Pang-apat? Siguro pang-lima kung masusundan pa at kung may pagkakataong magsabay tayo ng uwi. Pansin ko naman na tumitingin ka sa gawi ko pero talagang hindi ko binibigyan ng malisya 'yung tingin mo. Kasi Yod, mahirap umasa eh, mahirap umasa sa taong hindi naman puwedeng mapasayo. Mahirap ding mag-assume. Kaya isinasaisip ko nalang na ikaw 'yung klase na taong tinitingnan ang mga kasabay niyang sumasakay ng jeep o motorcycle. Kaysa namang mag-assume o umasa ako sa dapat hindi naman aasahan, nasaktan pa ako, diba.
Yod, ikaw yung lalake na nakasabay ko sa pag-uwi pero ikaw palakad ka palang paalis. Nagkatagpo pa nga tayo nun, nung lumipat kayo ng kasama mo sa harap para doon umupo. May sinabi ka nun pero hindi ko masyadong nadinig. 'Yung puso ko kasi bigla na lang bumilis ang tibok at 'yung time na 'yun ay hindi pa kita lubos na gusto.
Haaays, ewan. Gumising na lang ako isang araw at nagmulat na crush na kita. Oo, crush hanggang sa aminin ko na sa sarili ko na, gusto na kita. Pero never kong sinabi na gusto na rin kita, Yod. Dahil alam kong hindi mo alam na nag-eexist ang sa ako mundong ito.
At sa school, tuwing magkakasalubong tayo para lang akong hangin na dumaan at hindi napapansin ng katulad mo. Sa tuwing kasama ko ang kaibigan ko at may kilala ka. Yun ang lalapitan mo. Pero wala naman akong pakialam sayo nun. Oo, kasi ewan.
Alam mo bang halos naglaan ako ng isa't halahating oras para lamang na mahanap ka sa facebook. 'Yung account mong maramaming likes at followers. Hindi ko alam na isa ka palang singer. Tangna! Edi sana umiwas nalang ako at hayaang pigilin ang sarili na magkagusto sayo Yod.
Oo, naglaan talaga ako ng isa't kalahating oras para lang mahanap at ma-aad ka. Dahil alam mo, Yod? Syempre hindi, diba? Kaya ito pinapaalam ko sayo kahit hindi mo mabasa okay lang. Alam mo bang 'yung habang hinahanap kita hindi ko talaga alam ang pangalan mo, Yod. Ang tanging alam ko ay 'yung tinatawag nila sayong pangalan mong *Toot*. Hahaha
Secret mga 'te may isa akong kaibigan dito baka sakaling mabasa niya at ipagkalat. Ma-blotter pa ako ng wala sa oras at panahon. Charaught, charaught din 'yun eh. Mabalik nga tayo.
Habang hinahanap talaga kita ay hindi ko alam ang ita-type ko na pangalan mo kaya ang ginawa ko, bawat kaibigan mo na kilala ko o naging mga ka-fb friend ko na ay doon ako nagpupunta sa kanilang wall. Hinahanap talaga kita sa mga friend list nila, iniisa-isa ko para lang mahanap at ma-add ka. Nagpabalik-balik ako, bawat profile picture tinitingnan ko kung ikaw ba 'yun, o kung may pangalang *Toot* na nakalagay. Inuna kita hinanap sa kaibigan at klasmet kong pa-gurl pero wala kaya naghanap ulit ako sa kaibigan kong, hindi naman sa close kami pero kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya. Doon kita hinanap, iniisa-isa ko ulit pero wala pa rin. Hanggang sa naisipan kong hanapin ka sa bestfriend na bestfriend mo noon. Lagi kayong magkasama noon eh! Hindi nga kayo magkahiwalay. Pero noon 'yun nung maliit pa lang ang gusto ko sayo.