Dear Yod

12 3 0
                                    


Dear Yod,

Hi Yod. Ako'y nagbabalik na para may malaman ka na naman. Haha itchos! Magandang gabi nga pala sainyong nagbabasa. Batiin niyo naman ako! Hahaha wala! Tinupak ako eh Yod! Kaya manahimik ka d'yan, nga pala Yod. May itatanong ako sayo ha.

Q&A: What is the essence of being a women?

Charot! Itchos! Joke. 😄😄😜😜😝😝😂😂👊👊🙌🙌✌✌

Ito na nga…

PAANO BA ANG PAGMAHAL?

Paano nga ba Yod? Kasi ako. Marunong naman pero yung magmahal ng lalakeng gusto ako. Paano ba Yod? Kasi ang hirap pumasok sa isang relasyon na alam mong one sided lang naman. 'Yung tipong siya lang 'yung nasisiyahan at nagmamahal. 'Yung tipong sinagot mo lang siya kasi… nagui-guilty ka na dahil sa paulit-ulit na siyang nagtatanong na may pag-asa ba raw siya. Ang hirap nun Yod. Hindi ko naman siya gustong e-reject kasi nga ayaw kong makasakit pero sa huli nakasakit dun naman ako. Sinagot ko kasi siya tapos nung nag one day kami, I broke up with him. Hindi ko naman gusto pero mahirap eh! Mas mabuti na 'yun kaysa sa paulit-paulit lang siyang bumabalik at nanghihingi ng chances. 'Yun ang narealize ko Yod.

Eh sayo Yod? Paano nga ba ang magmahal?

Paano nga ba Yod?

Alam mo Yod, ang ganda talaga ng quality nung voice mo. Siguro marami na ang na in love sayo dahil d'yan no. No! Walang siguro dahil marami talaga, sa ganda ba naman niyan lahat kikiligin at kasama na ako dun Yod. Alam mo ba? Tuwing nang-estalk ako sayo pinaparinggan ko 'yung mga cover mo na song, 'yung mga record mo at pati na 'yung vine-video ka habang nag-peperform sa maraming tao. Idol mo talaga TJM Yod, pati boses sa pagkanta magkapareha kayo, at alam mo? May pagkakahawig kayo, promise! Nakikita ko talaga sainyo 'yun. 'Yung mga pose mong serious look. Maypa-idc kapa dyan. Tirisin kita diyan Yod eh! Hahaha

Seriously. I swear to the moon and stars, sun and planet, in the sea and ocean, river and lake, and to my eyes and mouth. You have a wonderful, beautiful, amazing, gorgeous, pretty like me, awesome voice Yod. Your such a gifted boy because not all could have that, and not even me. Tunugang videoke lang ito Yod. Maswerte ka! Ako kasi 'yung kanta lang ng kanta kahit wala na sa tono. Jusko! 'Yung mic nga namin hindi nakatiis, nasira eh! Naputol 'yung wire. Hahaha panira ng moment, nakaka-insulto pa. Pero kanta parin ako ng kanta, push lang ng push. Diba Yod?… nga pala congrats sa mga na-auditionan mo na natanggap ka. Congrats and good luck. God will bless you always Yod. Ingat!

Yod? Haaays. Ang hirap na nito Yod. Ang hirap ng pumansin ng mga lalakeng hanggang sa chat lang  naman ang kayang gawin. Yung echa-chat ka lang tapos mawawala lang din naman. Yung ginagawa ka lang pampalipas nila para hindi sila mabored. Potassium 'yan Yod. At ito pa! Echa-chat ka, tapos magme-message ng mayron ba akong chance sayo? Potassium talaga! Tapos mawawala lang din naman pag hindi sinagot. Tsk! Boys is always be a boys. But, not all Yod okay? Talaga namang nakaka-hurt 'yun. Yung akala mo kaibigan mo na 'yun pala dadaan lang para manghingi ng oras mo. Ang hard kaya nun Yod.

The only permanent on earth is change, dahil walang pernamente sa mundong ito. Lahat nagbabago, nawawala, naglalaho na parang bula. Yung mapapakanta ka nalang ng "I want you to stay never go away from me. Stay forever."-- "why did you have to leave me?"-- Yung ganyan Yod. Kahit love nga nagbabago din eh!

Haaays… wag na nga yang love-love na yan. Basta ako maghihintay lang ako. Kung dumating man, edi dumating. Kung hindi, edi nganga! Hahaha



C.H.L.M.N♥♥♥

Dear YodWhere stories live. Discover now