"Happiness that suddenly came
*thump. thump. thump.*
"Happiness that suddenly came.."
*thump. thump. thump.*
Parang echo na nagpapaulit-ulit ang boses ni Gelo sa utak ko. At hindi ko maiwasang mapangiti talaga kapag naalala ko sya. Ang ganda ng mata nya. Bakit nga ba ang ganda ng mata nya? Waaa. Pero... Pero... Bakit ganun? Bakit sobrang lungkot kung makatingin sya? Ano kayang nangyari? Bigla tuloy akong nakaramdaman ng lungkot kapag naiisip kong malungkot sya. Waaa. Bakit? Ano baaaaa?! Baliw na ako. Paiba-iba ang naiisip ko at nararamdaman. Aist!
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba ako nagpagulong-gulong sa kama ko sa sobrang pagkakilig.
Waaa~ kinikilig talaga ako. Nagwawala ang puso ko. First time ko kasing makaranas ng ganitong kabaliwan. Hindi ko alam kung paano ko iha-handle ang ganitong feeling. Feeling ng kinikilig. Ang sakit sa tyan na masakit sa puso, na ewan. Basta. Nakakabaliw.
In the end…hindi ako nakatulog. Ang ingay kasi ng puso ko. Wagas kung makatibok. Napakaligalig.
~_~
Okay…isa na ako sa mga dominicans na kinikilig kay Gelo...ewan ko ba. Simula nung araw na yun, bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba para sa kanya. Mahal ko na sya bigla. Parang ginamitan ako ng spell para ma-attract ako sa kanya ng sobra. Siguro ginayuma nya ako?? Haha. LOL. Okay lang. I don't mind. Chos!
Nasabi ko na ba na dun ako naka-upo sa likod nya? oh yes! kami na ang close to each other. And the lucky one. Yes i am. Mamatay kayo sa inggit. Che! Haha.
Walang halong kamanyakan ah pero naging hobby ko na rin ang pagtitig sa likod nya. At hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapipigilan ang sarili ko para yakapin sya. Okay. Alam ko, kabaliwan na talaga ang mga pinagsasabi ko at mga naiisip ko pero kahit alam kong mali na ang ginagawa ko, pakiramdam ko, nagiging tama ang lahat basta may kinalaman sa kanya. Ang kabaliwan. Baw! m(_ _)
Sa paglipas ng mga araw, lalo ko syang nakikilala. Hindi ko na kailangang tanungin pa sya para malaman ang mga bagay tungkol sa kanya. As if naman, sasagutin nya yun. Sya ang hari ng kasupladuhan, Remember? Pero buti na lang chismosa ang mga classmates ko. Sa unang pagkakataon, nagpapasalamat ako at nagkaroon ako ng mga kaklase na mga chismosa. Haha.
Mula sa upuan ko, kahit nakapasak sa tenga ko ang headset ko, rinig na rinig ko ang mga pinag-uusapan ng mga classmate kong nahuhumaling din kay Gelo. Nakatuon ang atensyon ko sa kanila. All ears!
"Ang narinig ko, sikat na sikat daw si Gelo sa Salvatore. Lahat ng mga estudyanteng babae dun, pinapangarap sya. Gwapo. Matalino. Mayaman. Nasa music business ang family nila. Sila lang naman ang nagmamay-ari ng pinakamalaking music label dito sa'tin."
Gwapo. Check!
Matalino. Check!
Mayaman. Check!
Ikaw na Gelo si Mr. Perfect.
"Narinig ko rin ang tungkol dyan. kaya nagulat nga ako nung nalaman ko na lumipat sya dito sa St. Dominique High."
Oo nga nuh…
“Ang narinig ko, family problem daw. Three years ago, bigla na lang syang nawala. Walang makapagsabi kung saan sya pumunta. Nung una nga, akala ng lahat na-kindnap na sya pero ang totoo, nagtatago lang pala sya."
"Ha? Nagtatago? Kanino?"
"Ang sabi, nalaman nya kasi na adopted lang sya. Hindi nya yun matanggap kaya lumayas sya. Ilang beses na syang pinababalik sa bahay nila pero nagmamatigas talaga sya. Kahit yung tulong na inaalok ng mga kinilala nyang magulang hindi nya tinatanggap. Kaya ngayon, sya na lang ang bumubuhay sa sarili nya."