Secret

32 0 0
                                    

Isa lang akong normal na mag aaral, NOON. Masaya akong pumasok sa eskwela, NOON. Marami akong kaibigan, NOON. Ngunit ngayon para akong binagsakan ng langit at lupa sa sobrang malas.

"Hey girl!" masayang bati sa akin ni Cyrille. Ang mga tao sa aking paligid ay hindi na ako makuhaang batiin ng ganoon. Batiin man nila ako ay may halong pag-aalinlangan. Hindi ko lang siya pinansin at patuloy sa aking pagbabasa.

Minsan nagtataka ako sa babaeng ito kung hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako tinitigilan gayong hindi ko naman siya pinapansin.

Ayoko ng magsalita na kahit sino man na lumapit sa akin. Ayoko ng may nangingialam sa buhay ko.Dahil every sentence na binibitawan ko ay binibigyan nila ng meaning.Mahirap pag-usapan ng ibang tao lalo na kung hindi naman iyon totoo at ginagawan lang nila ng kwento.

Magmula ng gumulo ang takbo ng buhay ko tanging mga libro na lamang ang nakakasasama ko, kaya madalas nagiging tambayan ko ang library. Library na nga yata ang bestfriend ko.

Papasok na ako ng library ng hinarang ako ng makulit na si Perez. Isa pa ito si Perez makulit hindi ko alam kung bakit ako iyong pinili niya na kulitin.

"Janna kahit ngayon lang oh? Please," pagmamakaawa niya na araw-araw niya talagang ginagawa. Lagi niya akong kinukulit na sumabay sa kanya na maglunch may mga kaibigan naman siya para sabayan siya. Pero mas pinili niya na mangulit ? o mang-inis sa akin.

"Ayoko," tipid na sagot ko. Sabay diretsong pasok sa library ngunit hindi niya pa rin ako tinantanan. Sinundan niya ako hanggang sa makaupo na ako malapit sa bintana.

"Janna ngayon lang talaga after nito hindi na ako mangungulit sayo ��"pagmamakaawa niya sabay niyugyog niya na yung lamesa ko.

"Perez at Enriquez kayo na naman ang nagiingay dyan ?" napatigil si Miss Jane sa pag-aayos ng mga libro at sinita ang maingay na si Perez at nadamay pa ako.

Si Miss Jane, matagal na siyang Librarian dito since Junior High pa daw kami.

"Sorry Miss ito kasing si sweetie ayaw sumabay sakin mag lunch," nagpeace sign siya at ngumiti na parang nagsasabi na 'sige na patawarin mo na ko'

Patuloy na nag-usap ang dalawa.Tumayo ako at lumapit sa bookshelves para kumuha ng libro. Sumunod si Perez at kumuha din ng libro at sinusundan niya ako kaya naman pati sa pag upo ko sinabayan niya ako.

Natapos ang ang araw ko at nagbukas ako ng facebook ko. Well wala namang bago , nang biglang may nagnotif sa akin at binuksan ko iyon. Nakamention ako sa isang post ng isa sa mga sabihin na nating bashers although hindi naman ako sikat.

'Itong babaeng ito ang hilig hilig mangbiktima ng mga lalaki. She's so makiri talaga! Isa pa ang gwapo gwapo na nga ni Cloud nakuha pang tanggihan nakakainis talaga siya!'

Post ng isang admin sa may 'page ko' page para sa mga bashers. Di ko alam kung sino ang may gawa noon pero wala na akong pakialam don.

Like what I said before maraming mga mata ang nakatingin sa akin kaya pati pagtanggi ko kay Perez ay nakita.

You're so mean Janna! You steal my Cloud!

Ewan ko na lang sa isang babaeng ito kung alam niya iyong mga pinagsusulat niya. siya rin siguro iyong admin na nagpost . Nakakatawa. Parang kanya si Perez ?

Pagpasok ko sa classroom naupo ako at kumuha ng libro. Pabuklat palang ako ng libro lumitaw na naman si Cyrille.

"Hey Janna! Pansinin mo naman ako oh!" pangungulit niya na namang muli.Dahil sa araw araw niyang pangungulit inirapan ko na lamang siya atsaka binuklat ang hawak ko na libro.

SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon