#MTMLPark
Follow me on twitter
@EyEsDii-
"Good morning!" I said gracefully.
Napaganda yata tulog ko kaya naging maganda rin gising ko.
"Full of energy ah," Tita said "What's new?"
"Wala naman po." I answered.
Tita and Lola was eating their breakfast while Kyle was preparing his things up.
"You sure? I-share mo naman." Tita asked again.
"Magandang panaginip lang po tita."
"Kumain ka na apo, para mahatid mo na yung kapatid mo." Singit ni Lola.
Siguro dahil maganda lang yung panaginip ko kaya ganto yung epekto sa akin.
Hindi na rin ako kinulit ni tita about why am I happy and what was my dream. Kumain na lang kami ng breakfast. Dahil walang pasok ngayon, I'm the one who will drive Kyle to school.
Dala kasi ni tita yung kotse niya e. Kaya nagagamit ko to para ihatid si Kyle o kung may pupuntahan man ako.
-
"Dito na lang kuya may dadaanan pa ako e. Salamat." Sabi ni Kyle.
"Malayo layo pa yung school mo dito ha. Baka magka-cutting ka lang?! Nako! Gusto mo gulpihin kita?! Ha?!" Galit na sagot ko sa kanya.
Kaya hininto ko yung sasakyan at itinabi ko 'to saglit sabay tingin sa kanya ng masama.
"Ez lang kuya. Dadaanan ko lang si Mika." Sagot niya naman "Sabi ko kasi sabay kami e."
"Sino naman si Mika? Girlfriend mo?" Tanong ko habang nagtatanggal ng seatbelt atsaka humarap sa kanya.
"Classmate ko siya. Tsaka hindi pa kami, nanliligaw pa lang ako."
"Kaya pala nagiging matured ka na. Osige, mag-iingat kayo sa pagpasok."
"Salamat kuya." Sabi niya bago lumabas ng kotse.
Ngiti na lamang ang naisagot ko sa kanya. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siyang mawala sa paningin ko.
"Nagbibinata na yata talaga ang kapatid ko," sabi ko sa sarili ko "sana lang tama yung taong pinili niya."
-
Habang nagda-drive ako pauwi, napadaan ako sa isang park at may nakita akong babae. I know her. I definitely know her.
Hininto ko yung kotse matapos ay itinabi ko yung kotse at bahagyang ibinababa yung salamin.
"Goodmorning po." I said with full of gracefulness with matching todong ngiti or baka mukha akong naka-ngiting aso.
"Hey, good morning din." Sagot ni Ms. Padilla "Ginagawa mo dito? Walang klase?"
"Wala po ma'am. Naghatid lang din po ako ng kapatid ko sa school niya." Sagot ko naman.
"Aaahh... I see." Tipid na sagot ni Ma'am. "Sige, mauna na ako. May bibilhin pa kasi ako sa mall e. Napadaan lang ako dito."
Bago siya makaalis ay sumigaw pa ako, "Thanks po pala ma'am! Sa pag-accept ng friend request ko!!"
Ngiti lang ang isinagot ni Ms. Padilla. Hindi ko alam yung gagawin o sasabihin ko. Pero sigurado ako na namumula ako sa mga oras na 'to.
Pero bago pa man ako makapagsalita ulit, nagsimula na siyang maglakad palayo. Hays. Sayang naman.
Nagpaalam ako kay tita na gagamitin ko muna yung kotse niya at baka gabi na ako makauwi dahil ang sabi ko ay pupunta pa ako kayna Vince.
Pumayag naman si tita dahil matanda na daw ako at responsable naman daw ako.

BINABASA MO ANG
My Teacher, My Lover [ON-GOING]
RomanceHindi ko alam kung paano nangyari yung mga bagay-bagay in my college life, especially in my last year, but it really feels great and amazing. She changed my world with just a smile. I really don't know what happened when she got my attention. Ever...