Chapter 3- Death Game

914 16 0
                                    

3rd Person's POV

Agad na nagsi upuan ang mga estudyante.

"Okay class, ako nga pala si Ms. Elaine Parado 25 yrs old. Pwede ko bang malaman ang mga pangalan niyo? Sabi niya ng todo ngiti.

"Sabihin ko kayang ayoko, ngingiti pa kaya siya?" isip isip ni Minie at napa ngiti pa.

Hindi niya alam na naka tingin sa kanya si Nikie at nag iisip ng

"Hala? bakit kaya naka smile si Minie? Di kaya ginagaya niya si Mam? Mag smile din kaya ako para di sila mapahiya?."

"Hi I'm Jemerson Villaluz" sabi nung chinitong matangkad.

"I'm Andrew Marquez" sunod yung mukhang matalino.

Tumayo na yung matangkad na medyo mahaba yung buhok.

"Hello I'm Laurence Sanchez bago pala kaming tatlo dito sa University. Sana magka sundo tayong lahat!"

"sus daldal"

Laurence's POV

"sus daldal" Napalingon ako dun sa babaeng conyo na kasama nung naka sagupa ni Andrew. Hindi ko alam pangalan niya eh. Tawagin nalang muna natin siyang POOH.

Bakit? Kasi ID lace niya Winnie the POOH. Bag niya si POOH. Pen niya si POOH parin. At ngayong kapupunas niya ng mukha niya, si POOH parin ang nasa panyo niya. Tsk. childish.

"Hindi ka pa ba uupo?" Maangas na tanong nung kaninang humila sa upuan ni Jemerson.

Ay oo nga no? Bakit ba nandito pa ako? -.-

Napailing nalang ako at naglakad papunta sa pwesto ko. Naka salubong ko naman yung maangas na babaeng katapat ni Jemerson.

"Mina Antonette Bondoc. K. bye" sabi niya sabay lakad at upo. Nauna pa siyang maka upo sa akin. 

Sumunod naman yung mataray na SC president.

"Zyna Marie Bondoc. Good Day." Sabi niya lang at nag smile.

Sumunod naman sa kanila si Pooh.

Teka, kung si Mina kay Jemerson. Tapos si Zyna kay Andrew, 

"Hala POOH! Akin ka pala?!" Sigaw ko.

Napatingin naman lahat sa akin ng may halong pag tataka. Lalo na si Pooh. Patay ka Laurence.

"WAHAHAHA Anong iyo tol?!" Tawa ni Erson may pahampas hampas pa sa upuan! Hala! pahiya onte. *face palm*

"Hoy hoy, Rence.. Anong trip mo ngayon ha?" Binatukan pa ako ni Drew pagka upo ko. Urgh. 

"Tapos na ba kayong tumawa? Pwede na akong mag salita? PAra kasing masyado kayong natawa eh. OA na." Buti nag salita si Pooh sa harap at nakita ko na ang daming naka tingin sa amin oati si Mam. PAnsin ko lang ha, siga dito tong tatlong to. Ang gaganda sana nila kaso ang tataray!

"So, I'm Nikkie Bondoc. Walang mang aaway kay POOH okay?" Tumango yung mga classmate namin. So talagang batas sila dito no? HAH!  wala to mga tol!

"Okay, so Sa tingin ko naman mag kaka kilala na kayo. Sana naman magka sundo kayong lahat. Okay ba yon?"

Clash Of Something UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon