Hanggang ngayon ay di parin ako mapakali sa nararamdaman ko para kay Ivan, nagiging malala ang lahat. Tulad ngayon, hwebes at kasama ko si Ivan na nag lalakad papuntang apartment. Gagawa kasi ako ng Research at bukas ang due date, wala rin kasi akong printer o USB kaya sabi ni Ivan, tutulungan niya rin ako kasi gagawa din naman siya.Ilang beses akong tumanggi pero mapilit siya, siya na daw kasi ang bahala sa lahat lahat. Bitbit niya ang laptop habang nagkukwentuhan na sasali daw siya sa Singing Audition sa school nila sa December 23.
"Gusto kong makita kita doon," Ani niya.
Nanghina bigla ang tuhod ko.
"Ha? B-bakit ako?"
"Wala lang, gusto ko lang." Ngisi niya saakin, di na rin ako tumanggi at sinupportahan ko nalang siya.
Napaisip tuloy ako...marunong kaya siyang kumanta? Malamang Oo, panigurado kasi hindi siya mag OAudition kung garagal ang kanyang boses. Mas lalo tuloy akong nahumaling.
Nabigla ako ng may humintong mamahaling sasakyan sa tabi namin ni Ivan, binuksan ng lalaki ang bintana ng kotse at bumungad saakin ang lalaking around 35 ang edad. Nakasuit pa!
"Ivan." Ang tigas ng boses, teka ano niya si Ivan? Saka ko lang napansin na pareho sila ng mata at Ilong. Daddy niya ata ito.
Hindi sumagot o bumati si Ivan, nanatili siyang nakatayo sa tabi ko kaya naman lumipad ang mata ng Lalaki saakin, but his stiff expression turn to a Shocking one. Para bang sobrang gulat siya ng makita ako kaya napahawak ako sa laylayan ng bag ni Ivan habang nakakunot ang noo ko.
"S-sino to?" His dad ask.
"Bakit?" Wika naman ni Ivam na naguguluhan din ang mukha.
"Wait wait, Ija, Uh, ano ang iyong pangalan?" Bakit ba? Ano ba ang problema? Bakit parang kinakabahan ako?
"Mikan Reyes po." Hinigpitan ko ang pagkapit sa dulo ng bag niya.
His eyes winded and stare at Ivan then to me then to Ivan.
"Bakit ba?" Tanong ni Ivan na halatang nairita. "Kung wala kana mang mahalagang sasabihin, then aalis na kami." Tapos hinagit niya na ako, di na rin ako lumingon kasi andoon parin ang kaba sa dibdib ko.
"That's my dad, im sorry about his attitude towards you" Umiling iling pa siya.
"Ayos lang lol"
Pareho kaming nakaupo sa sahig ni Ivan, busy ako sa pag titipa habang siya naman ay parang may pinagkakabalahan sa cellphone niya. Maya maya pa nag salita na siya...at sana hiniling ko na hindi nalang siya nag bukas ng topic.
"May naging boyfriend ka na ba Mikan?" Napahinto ako sa pagpinpindot sa keyboard at napaawang nalang ang bibig ko.
Sa tuwing naalala ko si Emir nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi niloko lang pala niya ako, ginawa niya lang akong rebound kasi iniwan siya ng Ex niya. Pumayag ako na maging kami dahil crush ko siya pero hindi ko inaasahan na isang malaking sampal ang sabihan niya ako ng 'Sorry. Rebound lang talaga kita Mikan.' Masakit maging panakip butas, kaya mula noon pinaniwala ko ang sarili ko na wala nga talagang forever at ang mga lalaki ay dakilang manloloko. Dick-heads ika nga.
"W-wala." Hindi naman kasi counted si Emir di ba? Puppy love lang siguro yun.
"I can tell that your lying to me," nguso niya. Shit, ang gwapo ng labi. Shit. "May nagsabi saakin na may naging boyfriend ka raw." Kumunot ang noo ko.
"Sino?"
"Bakit kayo nagbreak?"
"Pwede bang wag nalang yan pag usapan." Nag simula ulit akong mag tipa at di ko mapagkaila na nanginginig ang kamay ko dahil sa titig niya saakin.
YOU ARE READING
Once In A Jeepney (Complete)
FanfictionNag simula ang lahat sa taas ng Jeep. Nakasabay ko siya. Nagtama ang aming mga mata. Nahulog ako sakaniya at ganon din siya. Pero bakit ang daming hadlang?