Beautiful Mess

23 0 0
                                    

“Sometimes life gives you a second chance, 

or even two! Not always, but sometimes. 

It’s what you do with those second chances that counts.” 

― Dave Wilson

Nakatulala ako ngayon sa kwarto. Nakahiga sa kulay asul kong kama katabi ang aking mga nakakalat na libro,papel at damit.

Nakadama ako ng pagka-inip kaya hinanap ko ang gitara ko.Tumayo ako at nakita ko ang aking napaka-lumang gitara na nakalatay sa sahig.

Ang dating kulay dalandan ay tila may namumuo na mga maliliit na maiitim na mancha. Nababasa kasi at kahit saan-saan ko nilalagay.

Napatingin ako dun at napaisip. 

Ba't ba ginagamit ko parin ito? Sirang-sira na to at pwede naman ako bumili ng bago. Ba't di ko kaya itong itapon. Kung nasisira naman ito lagi kong kinukumpuni. Ba't di ako nagsasawa sa ganito? Ang saya-saya ko na kahit ganito lang.

Bakit ba mahirap pakawalan ang isang bagay kahit sirang-sira na ito?

Bakit pinapayagan ko pa ang sarili ko na manatili parin sa bagay na ito?

Beautiful MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon