Nagmamadali si Chloe lumabas sa kanilang bahay. Ayaw niya ma late kasi kahit kailan hindi pa siya na late kaya mabilis ang lakad niya. Bakit ba kasi ako late nagising ngayong araw? Kailangan ko na talagang bilisan. Madali naman siyang nakasakay ng jeep. Walang katao tao sa jeep kahit isa, siya lang. Hindi siya sanay kasi palaging marami ang sakay ng jeep na sinasakyan niya, kapag minsan nga puno pa. Maya maya lang huminto si Manong Driver at may sumakay na isang lalaki. Tiningnan niya kaagad ang lalaki na sumakay at nakita niya na si Matthew ito. masama ang tingin nito sa kanya at habang nakatingin din siya dito ay sumigaw ito ng malakas.
"Lambutan mo yang puso mo para mas gumaan at sumaya ang buhay mo!!!"
"Lambutan mo yang puso mo para mas gumaan at sumaya ang buhay mo!!!"
"Lambutan mo yang puso mo para mas gumaan at sumaya ang buhay mo!!!"
Nagulat siya sa mga sinabi ng lalaki kaya napahinto siya sandali pero sumagot na din siya dito ng mahimasmasan. Napasigaw na din siya bilang ganti sa pagsigaw ng lalaki sa kanya.
"Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko kaya wala kang karapatan magsalita ng ganyan. Lahat kayong mga lalaki, manloloko, mga babaero. Mga manloloko! Manloloko! Manloloko! Manloloko! Manloloko! Manloloko! Manloloko!!!!!"
"Anak, anak, gumising ka! Chloe! Chloe! Gising! Gising!"
Nagising si Chloe sa kanyang pagkatulog. Hingal na hingal siya habang hinahabol ang hininga.
"Sandali anak at kukuha ako ng tubig."
Pagkadating ng kanyang Mama may dala na itong tubig at agad niyang ininum ang dala nito. Sanay na din ang Mama niya na ganito siya, madalas managinip ng tungkol sa mga lalaki o di kaya naman minsan ay tungkol sa mga pag aaway ng kanyang mga magulang noong bata pa lang siya. Alam niya na naaawa sa kanya ang kanyang Mama pero wala din naman itong magawa. Palagi lang nito sinasabi sa kanya na lambutan niya ang kanyang puso. Yun din ang sinasabi ng lalaki sa kanyang panaginip. Bakit si Matthew kaya ang laman ng kanyang panaginip at bakit mukha itong galit sa kanya? Bakit siya nito kailangang sigawan? Ahhh bakit ba kasi ang gulo gulo ng mga panaginip. Sabi ni Chloe sa sarili niya.
"Anak, hindi ba Nurse ka naman, nagtatrabaho ka sa isang ospital, subukan mo na kayang magpatingin? Napapadalas na kasi yang panaginip mo na ganyan. Baka merong gamot na pwede mong mainom."
Napaisip din siya bigla sa sinabi ng kanyang Mama. Ano nga ba ang gamot sa puso niya na puno ng galit dahil sa mga naranasan sa mga lalaki sa buhay niya? Ano ba ang katapat ng mga kagaya niya na man hater? Isa siyang nurse at alam niya ano ang mga tamang gamot sa iba't ibang mga sakit pero sa sakit na meron siya sa puso, hindi niya alam kung ano.
"Ma, hindi naman na po kailangan yun. Panahon lang po siguro ang kailangan. Sabi nga po nila, time heals all wounds."
"Naku Anak e ilang taon na ba yan. Ilang taon na simula ng iwan tayo ng Papa mo. Naka graduate ka na ng college at ilang taon ka na nagtatrabaho. Anak naman, nag aalala lang ako sayo. Dalawa na lang tayo sa buhay kaya alagaan mo naman ang sarili mo."
"Mama, relax lang po. Hindi pa po ako mawawala. Lahat naman po nanaginip di ba."
"Oo nga pero..."
"Ma, tara na po sa baba at kain na po tayo. Baka magkatotoo pa ang panaginip ko at malate ako talaga."
"O siya halika na sa baba."
Habang pababa sila para makakain e hindi pa din tumigil ang kanyang Mama sa pag sermon sa kanya.
"Anak, subukan mo lang naman na lambutan yang puso mo para sa mga lalaki para naman..."
"Ma, sinubukan ko na po, dalawang beses pa pero wala.."

YOU ARE READING
Cure for a Broken Heart (Published by Bookware Pink&Purple)
RomanceMatapos silang iwan ng kanyang ama noong bata pa siya at maloko ng dalawang lalaki, nangako si Chloë sa sarili na kailanman ay hindi na siya ulit masasaktan pa ng kahit na sinong lalaki. Man-hater na tuloy ang panukso sa kanya ng mga katrabaho. Pero...