Charlotte POV
"Hoy! Ate gumising kana baka buhusan kita ng malamig na tubig!" Sigaw ko habang niyugyog siya. Abay lintik! Ayaw talaga magising."Bala ka sa buhay mo pag ikaw nalate!" Gumalaw na si monggoloyd.
"Ano ba! Ang aga aga Dada ka ng Dada Jan!" Aba ako pa talaga.
"Huy! Huy! Anong maaga 6:30 na kaya. 7:30 pasok mo"
"Ayuko pumasok e!" Aba gagaya pa to sakin. E ako kasi masakit puson ko e.
"Litse ka! Pinag aaral ka ng nanay at tatay mo has Hindi ka lang papasok"
"Damn you! Isang beses lang naman ako Hindi papa--" Hindi niya na natapos sasabihin niya.
Knock knock knock! May kumatok. Nagkatinginan kami ni Ate.
Knock knock!
"Sandali naman! Grabe makalapog ng pinto e!"
Binuksan ko na yong pinto.O_O
"Miss, Ang ingay po dinig na dinig ko sa kabilang apartment. Nakakabulabog na kayo e" Sabi niya na parang kanina pa naiinis sa Boses ko.
"E kasi bat kasi kailangan mo pa makinig" Pagtataray ko sakanya. Parang sasabog na siya dahil sa kapilosopohan ko hahaha! Kala niya ha!
Lumapit siya sakin. Aba! Papasok pa sa bahay namin."Bobo ka ba? Kahit Hindi ko pakinggan naririnig ko dahil sa boses mo na daig pa nagpoprotesta."
"Huh! Ako bobo ang kapal naman ng muka mo para sabihin yan sakin. Grabe ka makapag judge kala mo naman kila--. Hindi ko na natapos sasabihin ko nung sumingit si Ate.
"Opss! Opss! Wag kayong mag-away" lumapit siya dun sa lalake"Sorry kuya sa kapatid ko ha sadyang matabil lang bunganga niyan" ang kapal ng muka! Kinurot ko nga. Dinilitan niya lang ako ng mata."Maila nga pala" pakilala niya inabot pa yong kamay niya."Rannie,Sa susunod pakisabi Jan sa kapatid mo hinaan minsan yung boses nakakabulabog nakasi e." Ngiti niya sabay tingin sakin at aba umirap pa! Ang kapal ng muka.
"Sorry ha! Lumayas ka na dito!" Sigaw ko sakanya.
"PSH. Oo!" Sigaw niya pabalik sakin at nag martsa na palabas. Sinarado ko yung pinto nilakasan ko yung pagsara yung tipong masisira na yung pinto. Huh!
"Charlotte, hinaan mo kasi yung boses mo. Nakakabulabog ka na e."
"Litse ka kasi! Ginigising kita ayaw mo bumangon. Tas ako pa sisihin mo kung kanina ka pa bumangon hindi aangal yung Siraulo nating kapitbahay!" Sigaw ko Sakanya.
"Ezzz! Ezzz! High blood ka masyado sis e."
"E pano sa buong Buhay ko Siya lang nagsabi Sakin na bobo ako. O Diba? Mahahigh blood ka talaga"
"Osya maliligo na ako" buti Naman naisipan niya. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig. Parang sasabog ako sa sobrang inis ko dun sa kapitbahay naming siraulo. Nagbibihis na si ate sa kwarto niya. Nagmamadali siya dahil susunduin siya ng boyfriend niya sa kanto. Take note naka kotse sila.
"Charlotte aalis na ako magluto ka nalang jan sa kotse na ako ni Dave kakain. Mag groceries ka na din nasa Ref yung listhan ng bibilhin yung Pera nasa cabinet ko. Mag trycicle ka nalang. Bye sis!" Aba! Aba ang galing talaga e noh ako pa maggogroceries. Dafuq. Maaga pa naman e. Mamaya pang 10 bukas ng SM dito. Pumunta akong kwarto at kinuha ko yung cellphone ko. Magoopen lang. Nilike ko yung bagong post ni ate na naka Caption breakfast with my babe. If im correct hindi parehas ng schedule yung dalawang kumag. Accountant ang kay ate samantalang kay Dave ay Architecture. Nagluto lang ako ng Hotdog at kumain na. Nilinis ko lang yung bahay at naligo na. Nag Black shorts lang ako at Vneck na white. Kinuha ko yung leather jacket kong kulay maroon at sinuot. Kinuha ko na yong Pera at listhan at umalis na. Pagkalabas ko ng pinto ay siya ding paglabas ng nasa kabilang bahay. And guess what? Tiningnan niya ako at inirapan. Psh kalalakeng tao ang hilig magtaray. Nauna akong lumabas sa gate at naglakad na. Binilisan ko yung lakad ko. Iisa lang ang dadaanan namin kaya dapat mauna ako... Naiilang ako maglakad alam kong nasa likod siya at siguro tinitingnan ako nito. Tumingin ako sa likod kitang kita ko ang pagtaas ng kilay niya huminto ako sa paglalakad. Huminto din siya sa Tapat ko. Hindi ba obvious na ayoko siya kasabay.
"O bakit ka huminto?" Taas kilay niyang tanong.
"Hindi ba obvious na ayaw kitang kasabay. Mauna ka maglakad." Pilosopo kong sagot sa kanya
"Hah! The feeling is mutual" nagalakad na siya. Kinuha ko yung phone ko at nagsalpak ng earphone. Binabagalan ko talaga maglakad para di ko siya ma kasabay. Nasa labas na ako ng Subdivision. Pumara ako ng Jeep papunta sa SM taytay. Bumaba na ako sa Jeep at dumiretso sa Super market. Nilabas ko mula sa wallet ang listahan. Pumunta muna ako sa mga noodles kumuha ako ng Pancit Canton. Tiningnan ko ang listahan sabay kuha ng Nutella. Pero parang ayaw makuha. Tiningnan ko kung bakit. May kamay ding isa ang nakakapit. Tiningnan ko kung sino nag mamay ari nun. At napabitaw ako sa Nutella nung Nakita ko kung sino. Si gunggong kung minamalas ka nga naman.
"Bitawan mo nga yang Nutella ako unang kumuha e" Sabi ko dito sa lalakeng walang emosyon akong tiningnan.
"Binitawan mo kaya akin na to" Mukang wala sa Mood si siraulo.
"Kahit na,ayan kumuha ka jan may iba pa naman e" Pagpupumilit ko.
"Ito na lang ang malaki. Kung gusto mo Sayo nalang yung maliit. Sige alis na ako" Wow bumait ang siraulo kong kapitbahay ah. Bago pa siya makaalis hinila ko yung laylayan ng damit niya. Tiningnan niya yung kamay ko kaya dali dali kong inalis. "Sayo nalang yung maliit please." Bumuntong hininga siya. Yeheyyy! Nanalo ako!
"Ayoko nga" napanganga ako sa sagot niya. Lintik! Kala ko ibibigay niya na.
"Hah! Bwesit ka! Paasa ka! Kalalakeng tao hindi man lang maging gentleman!" Sigaw ko sakanya. Pinagtinginan na kami ng ibang tao. May gumuhit na ngisi sa kanyang labi.
"Hindi ako paasa! Umasa ka lang talaga!" Aba humuhugot pa. Nagmartsa na siya patalikod sakin daladala yung cart niya. Damn it! Padabog kong kinuha yung maliit na Nutella. Napaka ng lalakeng yun!
YOU ARE READING
A BETTER WAY TO DIE
Teen FictionHindi mo talaga masasabi kung kanino ka maiinlove. Sa panget ba o sa gwapo. Sa bata ba o sa mas matanda Sayo ng ilang taon. Basta ang importante para kay Charlotte Mahal nila ang isat-isa kahit malaki ang gap nila. Susubukin Sila ng Tadhana kung gan...