Noong isang araw may roong isang batang babae na nagngangalang Mona. Si Mona ay simple at magalang na bata, matalino at mabait. Si Mona ay isang honor sa kanilang school siya ang class valedictorian nila noong elementary pa lang siya
Mona's POV
Nakakatuwa yung pakiramdam ng tinawag ang pangalan ko sa stage at inannounce na Valedictorian ako. Pakiramdam ko hindi nasayang ang paghihirap kong mag-aral sa buong taon ko sa elementarya. Kitang kita ko ang mga ngiti ni nanay habang umaakyat siya sa stage at kinakamayan siya ng mga guro para batiin
Sabay kaming napangiti ng matamis ni inay sa kamera ng sinasabitan na ako, ang saya pala ng pakiramdam na kahit maghihiwahiwalay na kami ng mga kaklase ko babaunin ko naman yung mga pinagsamahan namin.
Ngunit di ko maiwasan ang nararamdaman kong panghihinayang sa isang sulok ng aking isipan. Kung sana lang nakikita niya ako ngayon, ano kaya ang magiging reaksyon niya
Matutuwa ba siya dahil sa mga achivements ko o manghihinayang kasi iniwan niya kami
Yan ang dati pang tumatakbo sa isipan ko simula ng magkamuwang ako sa mundong ito. Hindi ko maiwasang isipin ang rason ng tatay ko kung bakit niya kami iniwan.
3 taon pa lang ako ng iwan kami ng tatay ko. Sumama siya sa babae niya at iniwan ako sa nanay ko para alagaan. Inabandona niya ang asawa niya at ang anak niya para magpakasasa sa kabit niya.
Pilitin ko mang wag magtanim ng sama ng loob di ko maiwasang kasuklaman siya. Pano niya nagawa yun sa asawa niya na pinakasalan niya at nakasama niya ng matagal na panahon at sa anak niya na wala pang kamuwang muwang sa mundo. Ni hindi ko na nga matandaan ang pagmumuka niya tanging sa pictures ko na lang nakikita kung ano ang itsura niya
Nagpapasalamat na lamang ako at nasa tabi ko ang mapagmahal at mapagaruga kung ina. Di siya nagkulang sa pagkalinga at pagalala sakin kaya mahal na mahal ko ang nanay ko.
