A confession.
Naramdaman mo na ba yung totoong meaning ng Love?
Ano ba yung feeling na ma-inlove?Nag-search ako,andaming ibig sabihin ngunit wala ni-isa ang akong naintindihan.Ito ba yung feeling na parang may paro-paro na lumilipad sa tyan mo?Yung biglang pagbilis ng tibok ng puso mo?Yung bigla ka na lang mapapangiti ng walang dahilan kapag nakita mo ang isang tao na iyon?Lahat ng iyan bakit hindi ko naramdaman ni minsan?
Yung nakalipas kong ka-relasyon parang wala lang.Hindi ko nga alam kung bakit ako naka-pasok sa isang relasyon gayong wala naman akong nararamdaman na pagmamahal.Gusto ko kasing malaman kung ano ang ibig sabihin at pakiramdam nito.Kaso hindi ito nasagot ng pakikipag-relasyon ko sa taong iyon.Ako na ang nagtapos ng relasyon na namamagitan sa aming dalawa gayong kahit na masasaktan siya.Sabi niya mahal na mahal niya ako,oo naniniwala ako,di ko pinagdududahan ang nararamdaman niyang iyon ngunit ako ang may problema,wala ni katiting akong nararamdaman para sa kanya.Ang tanga ko na ang manhid ko pa.Nakakainis no?
Hanggang isang araw may taong dumating sa buhay ko,siya yung taong laging nandyan para sakin,yung taong lagi kong kasama,yung taong laging andyan kapag may problema ako,yung taong hindi ko laging napapag-tuunan ng pansin ang nag-padama sa akin ng lahat.Siya na kaya?
Oo nga,siya na.Sakanya ko naramdaman at nalaman ang pagmamahal na iyon.Ansarap pala sa pakiramdam no?Di ko inaakala na ang isang taong ni minsan di ko napapansin at isinasa-walang bahala ko lamang ay sya palang aking mamahalin.
Nakilala sya ng aking pamilya.
Nangarap kami ng magkasama.
Nangako sa isa't-isa na hindi ipapagpalit sa iba.
Nangako na di mag-iiwanan.Lagi kaming magkasama.Tumagal ang samahan naming dalawa.Sabay naming hinaharap ang mga problema.Iintindihin mo siya, susuyuin mo,magpapaka-baba ka ng pride and ego para lang sakanya.Lahat gagawin mo para sakanya.Lahat ng mahirap na gawain nagiging madali dahil inaalay mo ito sa taong mahal mo.Effort.Nalaman ko sakanya na hindi lang ang magagandang side nya ang mamahalin mo pati na rin ang mga hindi magagandang ugali nya.Flaws and all kumbaga.
Ansaya.Ansarap sa pakiramdam.Lahat ng mga katanungan sa isip ko nawala dahil nasagot niya na.
Ngunit isang araw ang lahat ay nagbago.Nawala ang lahat ng mga pangarap at pangako.Naubusan siya ng oras para sa akin.Naging cold.Dahil pala nakakilala na siya ng iba,hindi na ako ang lagi nyang nakakasama.Parang ipinapasa-walang bahala na lamang niya ako.Gayunpaman mahal na mahal ko pa rin siya.
Sabi nya walang iwanan.Sabi nya lagi lang siyang nasa tabi ko.Sabi nya kailanman hindi nya ako ipagpapalit.Sabi nya lagi nya akong iintindihin.Sabi nya ako lamang.Sabi nya lang pala yon.
Ayokong sumuko.Ngunit kahit anong gawin ko,kahit anong pilit ko ayaw na nya sa akin.Pinagpalit na nya ko.Iniwan na nya ko.
Iniwan na ko ng best-friend ko.
Mas masakit mawalan ng kaibigan kaysa sa jowa.
Ang karamihan ay nagtataka sa nangyari,
"Anong nangyare sa inyo?"
"Diba matagal na kayong mag-kaibigan?"
"Warla kayo te?Nyare?E parang magkapatid na nga kayo nun."Kahit ako'y nagtataka kung bakit bigla na lamang nagbago ang lahat.Marahil may mga pagkakamali ako.Pero kapag mahal mo iintindihin mo diba'?
Pero bakit bigla mo na lang akong sinukuan,pinagpalit at iniwanan?Marami pa namang paraan para maitama ang mga pagkakamali,diba'?Bakit di mo man lang sinubukang ayusin?
Wala na talagang pag-asa kase may iba ka na.
Wala ng mas sasakit pa kapag ang mismong matalik mong kaibigan ang nang-iwan at nawala sa iyo.
ANSAKIT. SOBRA.
Love is about sacrifices,it hurts a lot.No one wants to be hurt so who wants to sacrifice then?
Author's note: First time ko po gumawa ng short story,thanks for reading!
Ps:Did you know why this story entitled "The closer I get to you"? If you know i-comment down na :))
YOU ARE READING
The closer I get to you. (One shot story)
Short StoryNaramdaman mo na ba yung love?Yung totoong meaning ng love?Hindi yung fling lang,hindi yung crush lang.Ano nga ba ang pakiramdam kapag na-inlove?